CHAPTER 45

64 3 2
                                    

“Pa, bakit hindi mo sinabi na si Exo pala ang investor na iyon?”, sapo ko ang noo habang kausap si Papa sa kabilang linya. Nandito ako ngayon sa aking opisina. Tatlong araw na din ang lumipas ng nagtagpo kami ni Exo matapos ang ilang taon, tatlong araw na din akong dumidiretso sa opisina ko at hindi muna pumupunta sa site. Hindi ko pa alam paano kung mahaharap siya ulit gayong sa nalaman kong may anak na pala siya.

Hindi muna nagsalita si Papa. Kahit pa hindi ko siya nakikita ay ramdam kong nagpipigil siya ng ngiti.

“Pa? Alam mong siya, alam mong magkikita kami Papa”, hindi ko alam kung alam ba niyang may pamilya na iyong tao, na pinagtatagpo pa niya sa akin.

“Nak..”, usal niya. Sa uri ng boses nakangiti na talaga siya.

“Papa naman”, parang bata kong maktol. Parang ang tanga siguro ng mukha ko sa sandaling nagkita kami. Nakatitig ako sa kanya na nakaawang pa ang labi habang siya ay seryuso at kaswal lang.

Hustisya!

“Doc, kailangan ka sa ER”, rinig kong tinig ng babae sa kabilang linya.

Napabuntong hininga na lang ako. Nagpaalam si Papa kaya naputol ang linya. Nahagip ng mga mata ko ang aking kapatid na lalaki na nakaupo sa couch dala-dala ang brown na folder.

Lumapit siya sa akin at umupo sa katapat na upuan.

“Problema mo?”, at kumuha siya ng Skyflakes sa aking mesa at binalatan iyon at nagsimulang kumain. Hindi ko na lang siya pinansin at nagpatuloy ako sa pagcheck ng ilang mga charts.

“Hindi ka na naman nagtanghalian?”, tanong niya sa kalagitnaan ng pagkain niya. Pinangunotan pa ako ng noo.

“Ang dami kong ginagawa Kuya”, napatitig ako sa cellphone ko na may text mula kay Manager Jemimah na nagsasabing kailangan namin magpractice mamaya, kasama sila Belle.

“Tapos hindi ka man lang kakain?”, tanong niya na may nangingibabaw na pagiging matandang kapatid na tinig.

“Maghanap ka na ng boyfriend at ng may mag-asikaso sa pagkain mo. Wag kang pakakampante porket Doctor kaming dalawa ni Papa na gagamot pag nagkasakit ka. Nagbalik na, wag ng paligoy-ligoy pa ”, malokong sermon niya.

Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Seryuso ang mukha ko. “Bakit di mo sinabi sa akin na nakabalik na pala siya? Tapos investor pa sa hospital ni Papa na kasalukuyang tinatrabaho namin?”, tanong ko, ang mga mata ay nakapako kay Kuya Klyden.

Napaangat ang kilay niya sabay subo sa isnag skyflakes. “Di ka naman nagtatanong”, inirapan ko na lang siya.

Halo-halo ang nararamdaman ko ngayon. Ang dami kong gagawin, sabay-sabay pa. Nakakapagod. Idagdag pa ang pagbabalik niya, na may kalakip pang balita na hindi ko man lang inaasahan.

Magtatanong na sana ako kay Kuya tungkol sa anak ni Exo, hindi naman maipagkakaila dahil makikita ang pagkakatulad nila sa bata, pero nauna na siyang nagsalita.

“Mag file ka na ng resignation letter. Lipat ka dito, sa mas magandang offer”, sabay lapag sa brown na papel na folder.

Binuklat ko at doon sa itaas nakatatak ang salitang 'HREC'.

Bakit ba aligagang-aligaga siya na lumipat ako?

“Kuya!”, saway ko sa kapatid. Kung alam lang siguro ng tinatrabahuan ko na pumupunta-punta ang kapatid ko dito para sabihang magresign ako at lumipat ng ibang kompanya ay baka hindi siya papapasukin.

“Wala ka bang trabaho ngayon? At, bakit ikaw ang parang spokesperson ng taga HRE? Bakit hindi mo tulungan si Papa dun? Resident doctor ka pa naman sa Nerologist section”

Broken Strings (Music Series #1)[COMPLETED]Where stories live. Discover now