CHAPTER 23

59 13 0
                                    

Mahigit isang taon na simula ng gabing na nawala sa akin ang lahat. Pero sa tuwing naaalala ko ay sariwa pa din ang sakit para sa akin.

"Pa kamusta? Ngayon lang ako nakadalaw Papa. Pagpasensyahan mo na", wika ko sa aking pumanaw na ama-amahan. Nandito ako ngayon sa kanyang puntod para bumisita.

Umupo ako sa damuhan habang nililipad ng hangin ang aking buhok.

"Pa namimiss na kita", mahinang tugon ko habang nakatingin sa kanyang lapida.

In loving memory of

Bryan Olaivar III
Born: April 19, 1973
Died: October 8, 2018

It's not about the destination. It's about the journey. Death is not the end of it. It's a new chapter to our story.

"Masaya kaba Papa? Sana maging payapa ka Pa. Wag mo akong alalahanin. Kaya ko sarili ko Pa", sabi ko at ngumiti sa kanya.

Ng matapos akong makipagkwentuhan sa Papa ko ay nagpasya na akong umuwi.

Pagkadating ko sa Apartment ay nagbihis ako saglit. May trabaho pa ako ngayon sa cafe.

Ng makarating ako sa cafe ay nagtungo agad ako sa locker room para makabihis ng aking uniporme. Hindi katulad ng mga nagdaang araw ay ngayon ay marami ang dumagsang mga customer kaya kailangang kumilos ng mabilis.

"Kathy ito sa table malapit sa entrance. Pakihatid ha. Maghuhugas pa ako kasi wala si Ate Nympha nagkasakit", tugon sa akin ni Adelaine.

"Sige sige ako na bahala dito", sabi ko at kinuha ang tray.

Paglapag ko sa tray sa table ay nagulat ako sa customer. Naka ismid na siya sa akin na nakahalukipkip. Nakataas pa ang kanyang kilay.

"Here's your order Ma'am", sabi ko habang nilalapag ang mocha flavored cake at cappuccino niya.

"Nagtatrabaho ka pala dito Katherine. I didn't expect", sabi niya na umangat ang dulo ng kanyang labi.

"Oo Rose dito ako nagtatrabaho", sabi ko habang tinalikuran na siya.

"Bakit ka pa nagtatrabaho? Hindi pa ba sapat ang pampepera mo kay Exo?", tanong niya na mapangasar. Hinihigop na niya ang kanyang inumin.

Nagtiim ang bagang ako.

Kung hindi lang maraming tao dito pinatulan ko na si Rose. Nagbuntong hininga na lang ako.

"Pathetic Girl", saad niya pero hindi ko na lang pinansin.

Narinig ko ang pagtawa niya bago tuluyang makaalis.

"Sino ang bruhang iyong?", tanong ni Ellaine.

Humugot ako ng hininga. "Kaklase ko", tipid na sagot ko.

"Kung hindi lang ako naghatid ng order ay baka nakalmot ko na iyon! Kapal ng mukha manglait. Kapal talaga! Alam mo Kath insecure lang yun sayo kasi may Exo ka! Sagutin mo na kasi", suhestiyon niya.

Broken Strings (Music Series #1)[COMPLETED]Where stories live. Discover now