Broken Strings
||Chapter 9||"Wait for me here. I just have to buy some Ice cream Kath.", seryusong tugon sa akin ni Exo na para bang isa akong batang maaaring maligaw. Napatawa na lang ako.
"I'm serious", dagdag niya pa ng tumawa ako. I obviously knew you're serious.
"And if there's any drunken man..", sabi niya at napa lingon-lingon pa sa paligid.
"Just don't cross paths okay? Or you can call me there", at tinuro niya si Manong na nagbebenta ng ice cream. Napangisi na lang ako. Lakas talaga maka-trip nito.
Kumunot ang noo niya. "Uhm, you can just go with me instead. I can't afford something bad may happen again", seryusong wika niya.
"Ano ka ba Exo. Wala namang lasing sa paligid", nakangiti kong sagot sa kaniya. Grabe naman maka-concern nito. "At tsaka, dito lang ako. Naaaliw ako sa mga bata", tugon ko sa kanya.
Nagbuntong hininga naman siya. Wala naman talagang lasing dito. At tsaka marami namang tao na pwedeng hingan ng tulong kung saka-sakali.
"Okay. I'll be quick", sabi niya.
Tumango naman ako sa kanya. Agad siyang tumakbo papunta sa may nagtitinda ng ice cream.
I smiled while looking at him when suddenly I heard soft sobs in my side. There, I saw a little boy, maybe 3 or 4 years old.
"Bata okay ka lang?", tanong ko sa kanya habang naka yuko para magpantay kami.
He wiped his tears with his little hands and snorted. His eyes were red, kakaiyak. Pero ganunpaman, mapapansin mo na ang maamo at guwapo niyang mukha at itsura kahit bata pa lang.
"Are you lost baby boy?", I asked again, but this time with a soft and gentle voice as I pamper his shoulder.
Umiling ang bata. Inakay ko siya patayo at pinaupo sa bench dahil nakaupo lang siya sa kalsada habang yakap ang tuhod niya.
He remained silent upon sitting beside me. What could possibly happened to him?
"Nadapa ka ba? May sugat ka ba?", alalang tanong ko sa kanya.
"Yes Ate. I got wounds", sagot niya sakin habang pinapakita ang mga gasgas sa kanyang tuhod.
Gasgas lang naman iyon. Pero dahil nga bata pa ay iyakin. Ganyan din naman ako noon. Tiningnan ko ang gasgas niya. Dahil wala akong dalang alcohol ay ginamit ko na lang ang panyo ko para punasan ang kaunting dugo sa tuhod niya.
"Punasan na lang natin. Mahapdi pa ba?", malumanay na tanong ko sa kanya.
He gave me a polite nod. Kinuha ko ang panyo sa pagkakatakip sa tuhod niya at inihipan ko ng marahan ang mga sugat sa tuhod niya. Napangiti naman siya sa ginawa ko at agad bumungad sa akin ang dalawang butas sa kanyang bibig.
I can't help but to smile. He's cuty-cute for Pete's sake! Kailan ba ako huling nakakita ng bata? I lost track. His angelic face somehow reminded me the good things in life .
"Thank you ate. I'm Nicholas Edward", ngumiti siya sakin habang inaabot ang kamay niya. Napangiti naman ako ulit sa kanya. Bata pa ito pero napaka pormal na. Pumasok tuloy sa isip ko ang expression ni Eleanor na 'Sana All'.
"I'm Ate Kathy, Nicholas", I accepted his hands and introduced myself. Para akong may kaharap na bigating tao o di kaya business partner nito. Natawa na lang ako dahil sa ginagawa namin ni Nicholas.
"Thank you ate", sagot naman ng batang si Nicholas.
"Nasan na pala ang mommy at daddy mo? Sino kasama mo dito sa park? Mag -aalas niyebe na Nicholas", tugon ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Broken Strings (Music Series #1)[COMPLETED]
Teen FictionKatherine Miranda, a singer solo performer, stop chasing her passion and dream when one painful and shitty night happened. It hurt her, to heart and her soul. She then live in the bitterness and darkness and started to perceive life as dull and full...