CHAPTER 25

58 13 0
                                    

"Sana lahat!", kanina pang tili ni Eleanor ng sinabi ko sa kanya ang pagsasama namin ni Exo kagabi. Pagkadating ko pa nga lang kaninang umaga ay bumungad na agad ang tanong niya kung kami na daw ba ni Exo.

"Lea tumigil ka nga. May nakakarinig", sita ko sa kanya ng napalingon sa gawi namin sila Jadrick.

Imbis na tumigil ay nagpatuloy siya sa pagtili at pagbigkas ng 'Sana lahat'.

"Asus. Ayos lang yan Kathy no! Asan na si Rose? Dapat malaman niyang kahit magpabebe pa siya sa harap ni Exo di yun mag-aabalang tingnan  siya", sabi niya at nang-irap pa.

"Sana lahat! Sana lahat may Exodus!", sigaw niya.

Nanlaki ang mga mata ko at agad tinakpan ang bunganga ni Lea. Kahit ang ibang kaklase namin na nagheheadphones ay napatingin na sa amin.

"Eleanor Cyan Lebekas tumigil ka", pagbabanta ko. Titigil lang talaga siya pag nabigkas ang buo niyang pangalan.

Tumigil siya kakatili at nakangusong tinalikuran ako.

"Wag ka kasi maingay. Hindi pa naman kami tulad ng iniisip mo", bulong ko sa kanya.

"Ewan ko sa iyo. Move on na te! Grasya na yan baka sa isang iglap, matangay ng hangin. Sa huli pa naman ang pagsisisi", usal niya at nakatakas pa ang kilay na tumingin sa akin.

Seryuso ko siyang tiningnan.

Pagod na akong magpaliwanag.

Pagod ng isalaysay ang pinagdaanan ko.

"Oo na! Oo na! Akin lang naman kasi, baka naghihilom na yan ng di mo namamalayan", sabi niya sa akin.

Nagbuntong hininga ako.

"Sino ba kasing ex yan at di ka makausad-usad?", tanong niya habang buong kuryosidad ang makikita sa kanyang mga mata.

Kahit naman siguro sabihin ko sa kanya di niya yun kilala. Nag-aaral yun sa ibang paaralan.

"Di na yun mahalaga", sagot ko habang tumitig na lang sa notebook sa aking harapan.

Katatapos lang namin sa isang quiz ni Professor Ayden kanina. Nag-aral naman ako pero pinagpawisan din talaga yung utak ko. Si Exo naman ay may inasikaso daw ayun sa text niya. Pumunta lang yun para sa quiz at nawala na din. Basta hintayin ko lang daw siya sa cafe mamaya.

"Sabagay", sabi ni Eleanor at nagbuntong hininga. "Mga gago ay di na dapat inaalala pa", wika niya. Napakunot ang noo ko dahil sa pagkaseryuso ng boses niya. Parang kanina lang ang likot nito tapos ngayon naman nag-eemote. Grabe ang mood swings.

Napagdesisyunan namin ni Lea na bumili muna ng makakain sa canteen. Dahil pareha kaming may mga bakante ay tatambay na lang daw muna kami dahil nadrain sa quiz.

"Akala ko ba gutom ka? Bakit Piattos binili mo?", tanong ko ng makitang binili niya ang isang malaking piattos.

Ngumuso siya. "E ito yung nagpapabusog sakin", usal niya.

Napailing-iling na lang ako. Sa halip na kumuha din ng chichirya katulad ni Eleanor ay Eggnog ang pinili ko.

"Saan tayo?", tanong ko sa kanya.

"Sa school plaza na lang", sagot niya at tumango naman ako para sa pagpunta sa plaza.

Habang naglalakad kami ay panay ang yuko ni Lea. Talo pa niya ang isang nerd na ayaw makita ng mga tao.

"Uy napano ka?", tanong ko.

Hindi niya ako sinagot at sa halip ay hinawakan ako sa aking braso at kinaladkad palihis sa daan na dapat sana naming daanin.

Broken Strings (Music Series #1)[COMPLETED]Where stories live. Discover now