CHAPTER 14 (e)

74 13 0
                                    

Broken Strings
||Chapter 14||

“So..” she thrilled as she threw me off that annoying face.

“What exactly happened last night my friend?” she crossed her arms, with malicious eyes shone.

Ano ba't parang may mali sa tingin niya? Ayaw ko mang isipin na madumi ang iniisip niya ay naiisip ko talaga dahil sa tono ng pananalita ni Lea na parang may berdeng kahulugan ang nakatago.

"Kumain nga sa restaurant." sabi ko sa kanya habang walang buhay siyang tiningnan.

Papunta na kami ngayon sa klase namin kay Prof Ayden. Nasa hallway kaming dalawa ng malikot pa rin ang utak at bunganga niya.

"Sure? Restaurant? Tapos? Ano pa nangyari sunod nun?" makahulugang tanong niya.

She's really bringing this green air everywhere.

"Huy dumi-dumi ng utak mo!"

"Uy wala akong sinasabi! Ikaw tong iba iniisip", pa-inosente niyang wika habang tumawa mag-isa.

Tawa ka lang Lea. Tawa pa.

"Sabihin mo na kasi!", pangungulit niya sakin.

Ano ba kasi doon? Ang isang gabi na nilibre na naman ako ni Exo? Iyong birthday ng Ate niya at pang-aasar nun?

"Oo na! Birthday kasi ng Ate niya kaya nagcelebrate kami. Kami nga lang dalawa kumain pero yung Ate niya ka video-call namin", I explainered in order to stop her from thinking nonsense things again.

"Ate niya? As in Si Ate Genesis?", her mouth formed a letter O as she tried to cover it with her palm.

May Ate pa bang iba si Exo? Tss.

"Oo."

"Oh my gosh! Meet and greet na ba 'yon sa future sister-in-law? Sana All."

Nasapo ko ang noo ko. Pati ba naman siya? Talaga lang?

Naupo na kami habang humugot na lang ako ng hangin pangpakalma sa sarili. Hindi ba niya nakikita na parang ang bantot naman kung kami ni Exo. I'm just a mere piece of junk na hindi nababagay sa kaniya. Not to say I like him romantically though. He is just a nice and kind guy. Bakit ba may mga taong palaging binibigyan ng extrang kahulugan at malisya ang mga bagay na wala naman talagang extrajudicial meaning?

"Ewan ko sa'yo."

She laughed amusedly.

"Ang ganda no? May talento din iyon sa musika," she shared. Tumango lang ako habang naalala ang picture ng Ate niya na nagvi-violin.

"Just like you." she added making me feel like a bomb was thrown at me.

Naestatuwa ako sandali dahil sa sinabi niya. Alam kong wala siyang alam sa mga pinagdaraanan ko kaya nasasabi niya iyon ng hindi alam kung ano ang epekto sa akin.

A line of pain was drawn in my chest. Masakit pa rin pala. Hindi ko iyon inaalala o iniisip, kasi alam ko hindi ko kaya. At hindi ko nga kaya. Pero kahit ano mang pilit kong lumimot ay hindi naman iyon nabubura.. sa halip ay unti-unting bumabalik.

It's getting more and more vivid, making my chest being stabbed repeatedly.

"Uy ayos ka lang Kathy? May masakit ba sayo?", alalang tanong ni Lea sa akin ng makitang biglang nagbago ang ekspresyon ko.

"Uh yeah.." mahina kong sagot habang nagbigay na lang sa kanya ng pekeng ngiti.

Sa buong klase namin ay hindi ako gaano nakaintindi sa mga sinasabi, hindi pumapasok sa utak ko ang mga tinuturo. Ng matapos iyon ay pareho kaming walang pasok sa susunod na subject namin kaya tumambay muna kami ni Lea sa park ng paaralan.

Broken Strings (Music Series #1)[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon