" Taga Busan ka ba? "

" Yep. " sabi ko, kaya nga magkakilala kami ni Jungkook eh. Pero hayaan.

" Ah okay. " tahimik na ulit kami nun, wala eh. Hinihintay na lang namin matapos yung labahan. Kaya napagisipan naming pumunta sa kusina. Magluluto daw kami. Huehue.

" Ey wassup! " biglang sulpot ni JHope, " Magluluto kayo? "

" Sasayaw kami. " pambabara ni Jin kay Jhope. Korni nga eh. Hays. Hayaan na lang natin sila. " Baka nga hyung. Kakornihan mo. "

" Ay, hi pala, Choon. Hehe. Paluto din ako uy! " sabi ni J-Hope at lumapit saamin, nginitian ko lang siya at si Jin naman tinatarayan si JHope. Hindi ko alam kung may namamagitan ba sa JinHope, dahil NamJin lang talaga ako. Hahaha. K. Nobody cares.

" Di pwede, bawal kabayo dito. "

" Straight to the point hyung?! Masaket uy! " sabi ni JHope at hinawakan yung dibdib niya na kunwari natamaan daw siya. Psh. J-Horse ka lang eh.

" I dun ker. "

" K pine. "

" Away na 'yan. " sabi ko habang nananahimik dito sa may gilid. Nag-aaway ang JinHope eh. Huhu. NamJin ako ha. Loyal na loyal ako sa OTP na 'yun.

" Gusto mo masali ka dito? "

" Ay hindi wag na pala. Joke lang 'yun, Hobie. Hehe. " sabi ko sabay peace, " Magsasampay lang ako. Ahehe, gege. " sabi ko at umalis sa kusina kasi nakakatakot yung Angry horse aura ni Hobie. Baka tadyakan pa ako.

Hinintay ko na lang matapos mag-spin sa dryer yung mga nilabhan ko na damit ni Heejung. Hays, ganto pala katahimik ang dorm kapag wala yung makukulit no? Peaceful yung dorm. Walang maingay.

xx

JUNGKOOK'S P.O.V

Earlier that day..

" Hyuuuuuung. " sabi ko habang niyuyugyog si Namjoon-hyung, at dahil isa akong mabait na maknae, ginigising ko sila kahit na alam kong puyat sila kagabi sakakaproduce ng mga kanta.

Bigla naman akong tinulak ni hyung kaya natisod ako, grabe makatulak 'tong si hyung! Aish. Pumasok ako sa banyo ng kwarto niya at binasa yung kamay ko. Winisik-wisik ko 'yun sa mukha ni hyung, hindi effective.

Hampasin ko kaya? Hehehe, hampas abot ko diyan, " Hyung, nandito si Keroro. " sabi ko at bigla siyang bangon eh. Hahahahahahahahaha. Alam na hyung. Alam na. Mehehe.

" Pucha asaan?! "

" Nasa puso mo natutulog. " sabi ko at sinungitan niya lang ako ng tingin at nagtaklob ng kumot at bumalik sa pagtulog. Aba naman hyung. Hinigit ko yung kumot niya tapos yung paa niya kaya, resulta? Nahulog sa kama. Hahahaha. Takbo na Jungkook habang hindi pa gising na gising si Joon-hyung.

" JUNGKOOOOOOOK!! " sigaw ni hyung kaya napatakbo ako palabas ng kwarto niya at nagtago sa likod ng sofa.

" Grabe, nagtago ka pa. " sabi ni hyung ng sipain niya ng mahina yung paa ko. Tumayo na lang ako at tumawa ng onti.

" Bakit mo ba ako ginising, ha, Jungkook? " tanong ni hyung habang nags-stretch pa. " Birthday kasi ni Choonhee. "

" Baka nga birthday niya. Baliw, November pa birthday ng batutang 'yon. " sabi ni hyung, napasimangot naman ako sa sinabi niya. May rules ako dibaaa? Aish.

" Hyung. Violation 'yan sa rule ko. Wag mong pagsasalitaan ng ganyan si Choon. " sabi ko while pointing my finger up. Tinaasan niya lang ako ng kilay at tumango-tango. Hindi niya ako sineseryoso.

Bangtan DaddiesWhere stories live. Discover now