━ 06

7.9K 263 21
                                    

[ hoseok's point of view ]

🎆

Wala si Heejung ngayon kaya ang boring ng practice room. Puro practice lang kami at kailangan namin ng happy pill.

" Oy, ang boring. " sabi ni Taehyung at tinabihan ako. Naka-upo kami sa sahig ngayon kasi 10 minutes break daw muna.

" Alam ko, Taehyung. Ang sarap manapak ng badjao sa sobrang boring eh. " sabi ko, tinignan naman ako ng masama ni Namjoon. " Oy, di porket badjao ang tawag sakin pwede niyo na ako pagsalitaan ng ganyan ha. " sabi ni Namjoon sa gilid, naka-upo siya doon at may sinusulat siguro. Hayaan mo 'yan. May sariling mundo yung badjao eh.

" Di porket nagsabi ako ng 'badjao', hindi naman ibig sabihin na ikaw na 'yun. Wag ka affected. Masyado ka kasing assuming eh. " Sabi ko. Tinignan niya lang ako ng masama at nagsulat na lang ulit.

Bakit nga ba badjao tawag sakanya? Anyway-

" Di bale, kabayo ka naman. "

" Atleast, gwapo. " sabi ko. Napailing na lang siya. Tinignan ko 'yung practice room namin at pinagmasdanan lang 'yung mga members. May sari-sarili silang mundo ngayon eh.

Bumalik na agad 'yung choreographer namin at magsisimula na naman daw kami. Okay, 'di na 'ko magrereklamo. Hays.

" Namimiss ko na si Heejung. Awasan na niya siguro. 2 o'clock na oh. Hyung! Pwede ba namin sunduin si Heejung? " pasigaw kong tanong kay manager-hyung.

" Mamaya pang 3 yung awasan niya. Wag ka excited. " sabi ni hyung sa may gilid, nakasandal siya sa may pader at pa-'cool' yung dating niya.

" Okay. Hyung! Model? " tanong ko, tinignan niya ako saglit tapos nagp-pose doon na parang timang. Masyadong feelingero si hyung. Pagbigyan na natin. Minsan lang magkaganyan 'yan.

" Hyung, wag ka feeling. " sabi ni Yoongi, " Mas bagay sakin ang maging model. " sabi niya at nagpose doon na akala mo professional model. Pagbigyan na natin 'tong mga to. Minsan sinasapian sila ng pagkafeelingero eh.

" Oy hyung! Sunduin natin si Heejung! Isasama ko si ano, si Taehyung. " sabi ko kay hyung at hinila't inakbayan si Taehyung.

" Tss. Ikaw na lang, wag mo na isama 'yan. Iingay lalo yung van. " sabi ni hyung at kinuha na yung susi sa bulsa niya. Yes naman!

" Hahaha. Okay. " sabi ko, " Tara na, Hope. " sabi ni hyung, sumunod naman ako, syempre nagbihis muna ako ng damit. Mukha akong dugyutin sa itsura ko eh.

xx

" Malayo pa ba yung school niya? " tanong ko kay hyung, derecho parin yung tingin niya sa kalsada.

" Malapit-lapit yun sa dorm niyo eh. So, right now, malapit na naman. " sabi niya. Bigla namang nag-ring cellphone niya, pinasagot niya yon since si Jena-noona naman.

[" Ya, oppa. Eodiissni? "] (Hey, oppa, where are you?)

" Malapit na kami. Awasan na ni Heejung? "

[" Oo. Kani-kanina lang. Tsaka, 'kami'? May kasama ka? "]

" Annyeong noona! " sabi ko.

[" Sino 'yan? Hoseok? Ikaw ba 'yan? "

" Hoseok-appa?! APPA! APPA! "]

Bangtan DaddiesWhere stories live. Discover now