━ 02

16.5K 560 390
                                    

[ seokjin's point of view ]

" Jin-appa! "  tawag sakin ni Heejung. Huehue, prinsesa din siya gaya ko. Kami ang mga prinsesa ng Bangtan. Walang aangal. Manly ako, mahilig lang ako sa pink, manly kasi eh.

" Yes, Junggie? " tanong ko at binuhat siya. Ang cute niya, nanggigigil ako. Hays.

" Jin-appa, can I come with you? " tanong niya sabay yakap sa leeg ko, cute cute niya talaga naiiyak ako sa kacute-tan niya. Homaygas.

" Saan Junggie? Pupunta akong banyo eh. " sabi ko sakanya, tumahimik naman siya saglit at bumulong na " Ibaba mo ako kundi sasakalin kita " HEHEHE JOKE LANG MASYADO SIYANG CUTE PARA SABIHIN YON. ANONG KONEK NG CUTE LANJE.

" Ay, appa, put me down please, babalik na lang ulit ako sayo kapag tapos ka na mag-cr. Punta lang ako kay Daddy Jimin para asarin siya tungkol sa abs niya. " Lakas ng loob ng Heejung na asarim 'yung abs ni Jimin. HAHAHA. ANO KAYANG MANGYAYARI.

" Hahaha, pikunin mo ha? Oh, sya baba na. " sabi ko at binaba na siya, nag-thumbs up naman siya at binigyan niya ako ng nakakalokang ngiti. Behind her angelic face is a mischievous little angel. Nice engrish. Nose is my bleeding. Nu daw.

Tumakbo na siya papunta kay Jimin, tas ako dumerecho na sa banyo kasi my gad ihing-ihi na talaga ako. Sasabog na yung ano ko. Mehehe.

xx

Pumunta na ako sa sala pagtapos kong mag-cr, magkadikit na naman si Jungkook at si Junggie. Kagabi pa sila ha. Parang hindi na sila naghiwalay eh. Kunwari nasakin si Heejung tas maya't maya makikita mo na si Jungkook at si Heejung na magkasama. Ano ba. Nagseselos na ako ha. Nakainis.

Umupo ako sa tabi ni Jimin, " Jimin, kumusta? " tanong ko sakanya, mukha kasi siyang asar na asar eh. Hahaha, inasar na siguro ni Heejung to. Hahahahahaha. Mission accomplished naman si Heejung.

" Hindi ako okay, hyung. Inasar ako ni Heejung na hilaw na pandesal yung abs ko. Langya, chocolate tong abs ko no! Aish. Yummy kaya tong abs ko. Pinagkakaguluhan nga ng mga chikabebs from around the world tong abs ko. " sabi ni Jimin tas tinakpan niya yung mukha niya ng unan. Narinig ko namang tumatawa si Jungkook at si Heejung doon sa nay gilid. Maknaes nga naman oh. Hahaha.

Naghintay lang kami dito sa may sala, hinihintay namin si manager-hyung. Ang tagal niya kasi eh. Sabi niya may recording daw kami ngayon tapos kailangan maaga daw eh anong petsa na? It's already 12 in the afternoon, sabi niya 9 o'clock niya daw kami susunduin, gising na kami ng alas-otso tapos wala pa siya.

" Appa! Can I come with you to your recording later? " tanong ni Heejung kay Jungkook, tinignan lang ni Jungkook si Junggie saglit tas tumingin siya kay Namjoon  " Hyung, isama natin si Junggie mamaya. "

" Malamang isasama natin si Junggie, sino magaalaga sakanya dito habang wala tayo? " sabi ni Namjoon habang nagbabasa ng ewan ko ba kung anong title ng libro sa may sulok.

" Hee-sshi! Sakin ka naman muna oh! Lagi na lang kay Jungkook eh! Nagseselos na ako! " sabi ni Taehyung, tapos tumawa lang si Junggie, tawa lang ni Heejung sapat na. Naks. Haha.  Bumaba si Heejung kay Jungkook at tumakbo papunta kay Taehyung at nagpakalong.

" Yehey! Hindi na ako nagseselos! Jungkook! Ikaw naman ngayon magselos! Bwahahaha! " sabi ni Taehyung habang niyayakap ng mahigpit si Heejung. Tumango-tango lang si Jungkook. Hays. Alien talaga to.

" Hoy, Taehyung, akala mo ikaw lang nagseselos dito? Ako din kaya. Hmpf. " sabi ko, eh, hindi manlang kami nagsama ni Heejung eh. Kagabi lang naman siya dumating sa buhay namin eh. Naks, Jin ang drama ng hotdog mo.

Bangtan DaddiesWhere stories live. Discover now