━ 01

25.8K 781 733
                                    

[ namjoon's point of view ]


" ugh. pagod na ko. " sabi ko sabay higa sa sahig. kakatapos lang ng practice namin and we're about to head home. 'di na ako magtataka sa choreo namin ngayon. well, as always, intense.

" hyung! mukhang masarap na higa mo diyan. iwan ka na namin bye. " sabi ni taehyung habang dahan-dahan na sinasara yung pintuan. ganiyan na kayo sa leader niyo ha.

" HUY! HINTAYIN NIYO NAMAN YUNG LEADER NIYO. YOU BAD BAD BAD BOYS YOU SO BAD. " sigaw ko at tumayo agad para mahabol ko sila. lagi na lang akong iniiwan! hays.

may galit ata 'tong si taehyung sa'kin eh. bigla ba naman akong saraduhan ng elevator. " bye hyung! " sigaw niya nung pasara na yung elevator.

okay lang ako. lagi naman akong iniiwan eh. sige, sanay na ako. tutal, diyan naman sila magaling. yung iwan ako.

ay joke lang 'yon. namjoon ang drama mo naman eh.

" hays. taehyung malalagot ka sa'kin mamaya. " bulong ko habang hinihintay 'yung elevator. napabuntong-hininga na lang ako sa inis.

napalingon ako at nakita ko si rona, " oh, namjoon? ba't nandito ka pa? " tanong niya. stylist namin siya, we've known eachother since high school so, medyo close kami. medyo lang.

" iniwan ako tapos sinaraduhan pa ako ni taehyung ng elevator. " sabi ko, natawa na lang siya. lagi kasi akong trip ni taehyung eh, ewan ko ba sakanya kung bakit ako lagi nakikita pag-dating sa asaran.

" okay lang 'yan. masasanay ka rin. " sabi niya, " tsaka, bakit ka naghihintay diyan? meron pa naman ditong isa oh. " sabi niya habang hinihintay na bumukas yung elevator. ay, oo nga. namjoon lutang ka na naman eh. bobita ka talaga hays.

" ay bobita. " sabi ko, tumawa lang siya. sumabay na 'ko sakanya para maabutan ko si taehyung at magantihan ko pa.

nag-usap lang kami ni rona ng kung anu-ano. madalas, yung mga kabobohan na pinaggagawa namin nung high school days namin.

" ay, namjoon. tanda mo pa si tita sokyung? ahn sokyung? " tanong niya. napailing ako ng mabilis. " familiar yung pangalan niya eh. pero di ko maalala. " sabi ko. " sino ba 'yon? "

" aba, di mo na maalala si tita? " tanong niya, umiling ako. " magtatanong ba ko kung naalala ko? " sabi ko. she looked at me with a blank expression and shook her head. " hayaan mo na nga lang. "

after a few minutes, nakarating na kami sa ground floor and i suddenly smiled a devious smile.

watch out, taehyung. here i come.

nakita ko si manager-hyung sa may entrance at tinignan niya lang ako. nginitian ko lang siya and he rolled his eyes at me. aba, hyung, why.

" bilisan mo na. pinag-tripan ka na naman ni taehyung eh. " sabi ni hyung, tumango na lang ako at dumerecho sa van. lagot ka sakin ngayon, kim taehyung.

pagkabukas ko ng pintuan, bumungad sa'kin ang magulo at nagkukulitan na ot6. bakit hindi niyo ko hinintay. masakit mga bh3.

tumigil sila at napatingin sa'min. " hi namjoon, kumusta ang pagbaba mo na mag-isa? " tanong ni hoseok, " kasabay ko si rona kaya medyo okay naman. " sagot ko.

" ay yie high school love niya. " asar ni hoseok, tinignan ko siya saglit. " gago, anong high school love? " sabi ko. tumawa lang siya at napailing ako. tumabi ako kay taehyung kasi naunahan ako ni yoongi sa unahan.

Bangtan DaddiesWhere stories live. Discover now