Pwede naman yung iba jan.

Talagang kami pa!

"ano!? Eh hindi nga kami nakapagpraktis eh" sabi ko

"hehe, sorry ngayon lang kasi ako ininform na magpe-perform kayo mamaya"

Tumingin ako kay Chris "pano ba yan? Anong itatanghal natin mamaya?"

Ngumiti siya sakin "relaks ka lang jan Viv, akong bahala" tsk! ano na naman kayang binabalak nito?!

Baka mapahiya lang kami mamaya nito -.-

"ano ba kayong dalawa, remember nung christmas party natin, nagperform kayo na walang praktis praktis..imprompto talaga..kaya chill lang kayo..kayang kaya niyo yan" Jewel

Kung sabagay...hay nako, tapusin na lang kaya 'tong ginagawa.

"sige guys, balik na ko sa pinapagawa sakin" paalam ni Jewel..

Tumango lang kami at kumaway sa kanya.

"so, anong song ang kakantahin niyo?" tanong ni Amethsyt sakin

Nagkibit balikat lang ako.

"secret" biglang sabi ni Chris

"uy, hindi ko yan alam ah, bago ba ya---" binatukan kasi ni Amethyst si Ales "aray ko naman Ams!"

"ang slow mo talaga! Ang ibig sabihin nun, ayaw ipaalam kung ano!" inis na sabi ni Amethyst

"alam ko naman ho yun! Gusto ko lang magpatawa!" sigaw niya kay Amethyst

"ay? So ibig sabihin joke yun?....ay hindi kami natawa--" Amethyst

"tama, tsaka ang bilis kasi ng sinabi mo, hindi namin ine-expect na nagjo-joke ka pala" nagpeke ng tawa si Cathy

"haha! Ganyan kasi ako eh, pagpasensyahan niyo na!" Ales

"hahaha, okay lang yun Ales" ako

Ngumiti lang sakin si Ales.

Mabuti hindi 'to naiinis si Ales, minsan kasi siya ang pinag-iinitan ni Amethyst saming magbabarkada, pero hindi naman talaga yung kinaiinisan kumbaga parang tinatry ni Amethyst na ilabas ang inis ni Ales, yun bang gustong pikonin si Ales, pero hindi niya kaya, kasi sabi ni Ales sakin noon hindi daw siya napipikon kahit na medyo harsh na ang pagbabangayan, okay lang daw yun sa kanya na parating may bumabara o kaya namimikon sa kanya.

Ang mga kapatid kasi niya ganoon rin, mahilig mambara, pati nakakatanda sa kanila binabara din nila.

Walang limit sa pangbabara noh?

Haha, ganyan kasi sila sa kanila.

Pati sa barkada, nadadala pa niya.

Sa kanya nga ako natuto kung paano mambara. Hehe


--------+------+

Chris' POV

May naisip na akong kakantahin namin mamaya.

Gusto niyong malaman?

Yung kantang Lucky ...

Tungkol sa magkaibigan na may pagtingin sa isa't isa..

Di ko nga kilala kung sino kumanta nun eh..

Pero maganda yung kantang yun..

Isa nga yun sa mga paborito ko.

Mabuti na lang dala ko yung gitara ko, nasa classroom namin, iniwan ko muna doon, para hindi sagabal sa kakadala, mabuti pang iiwan na lang dun, wala namang kukuha nun.

Single Forever? [JaDine FanFic]जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें