BONUS CHAPTER #2 (PART 1)

Start from the beginning
                                    

Maging ito man ay parang ganoon din dahil sa paraan ng paghalik nito. Padampi dampi lang ngunit madidiin ang pagpisil lalo na sa ibabang labi niya.

Napaungol na siya nang lumalim na ang mga halik nito. Humigpit na rin ang mga yakap nito sa kanya. Nang ibaling nito pakaliwa ang ulo nito ay mas lalo pang lumalim ang mga iyon.

Parang mas pangagapusan na siya ng hininga. Mukhang naramdaman naman nito iyon dahil lumipat ang mga labi nito sa panga papuntang leeg niya. Napapapikit niyang iniangat ang ulo upang mas bigyan pa ito ng espasyo roon. Unti unti ring nagiging glassy ang tingin niya sa kisame dahil sa intensidad ng mga halik nito roon.

Napasinghap siya at napahawak ng mahigpit sa mga braso nito nang maramdaman ang kamay nito sa baywang niya, na nasa loob na pala ng blouse niya, at humahaplos doon. Ang init init na rin ng pakiramdam niya.

Kusang umangat ang mga kamay niya sa mukha nito at iginiya muli ang mga labi pabalik sa mga labi niya. Nang sagutin niya ang mga halik nito sa kaparehong intensidad ay ito naman ang napaungol. Na naging isang malamyos na musika sa kanyang tainga.

Ngunit natigil iyon ng lumayo ito sa kanya. Nakaramdam na tuloy siya ng lamig dahil sa pagkawala ng init ng katawan nitong nakadikit sa kanya. Dahilan para mapa groan siya.

Nakatingin lang sila sa isat isa habang parehong hinahabol ang hininga. Maya maya ay idinikit nito ang noo sa kanya at hinapit muli palapit dito.

"I almost lost control." mahinang sabi nito.

Uminit naman ang pisngi niya ng maintindihan ang sinabi nito. Muntik na silang mawalan ng kontrol dahil sa mainit na sandaling pinagsaluhan nila. Mabuti na lang at napigilan nito ang sarili.

Bigla naman niyang sinita ang sarili. Tiyak na nangangamatis na siya. Siya pa ang kusang naglapit ng mukha nito sa kanya upang mahalikan muli ito kanina.

Napapangiti namang hinaplos nito ang kanyang pisngi.

"It's way too early, baby. In 5 more days, you'll be Mrs. Aica Benavente. Kaya ko pang maghintay."

Pero hindi naman nakapaghintay itong maikasal sila. Dahil matapos ang pagdalaw niya sa tiyuhin at tiyahin - dalawang araw ng mabasa niya ang sulat, at magkapatawaran sila - ay hiningi nito ang kamay sa mga ito at sinabing papakasalan siya sa St. Jude Church sa susunod na linggo.

~~~~~~~~

Naalala niya na sa upuang din iyon ito nagtapat ng damdamin sa kanya. At ang nangyari nga kagabi. Kotang kota na sila sa upuang iyon.

Nang luhurin niya ang ilalim ng upuan ay nakita nga niya ang cellphone nito. Napangiti siya nang makita ang pangalan na nag register sa missed call nito. "my Baby" pala ang nakapangalan sa number niyang iyon.

Pero napasinghap siya nang mapansin niya ang wallpaper ng cellphone nito.

"You've found it." Yakap sa kanya ni Matthew at hinalikan siya sa pisngi.

Nagtatanong ang mga matang nilingon niya ito. Hindi umaalis sa pagkakayakap nito.

"M-matthew?" Tanong niya sabay pakita ng cellphone nito. Pinindot niya muli iyon para makita ang lock screen nito. Sobra kung makatambol ang puso niya sa kanyang dibdib.

Tandang tanda niya kasi ang gabing iyon. At naguguluhan siya kung bakit mayroon si Matthew niyon. Hindi kaya, noon pa man ay...

Napabuntong hininga ito.
"And you've also found my secret..."

Nagtataka lang siyang nakatingin dito.

Nagpaubaya siya nang iupo siya nito sa sofa at tumabi sa kanya.

"Let me tell you..."

~~~~~~~~

Matthew

Napabuntong hininga si Matthew. Naiinip na sinilip niya mula sa bukas na bintana ng sasakyan ang pila ng mga kotse sa harap niya.

Papunta siya sa family dinner ng kaibigan niyang si Hughbert sa subdivision kung saan ito nakatira.

Naghihintay siya sa pila ng sasakyan dahil sa check point. Ilan kasi sa mga kilalang tao ay sa subdivision na iyon nakatira - at isa na roon ang ama ng kaibigan niya - kaya mahigpit ang pagbubusisi ng mga ito sa mga pumapasok.

Naiinip na nakapangalumbaba siya sa bukas niyang bintana nang may maamoy siyang mabango. Similar to peaches.

Sinundan niya iyon ng tingin at nakita niya ang babaeng kakadaan lamang sa harap niya. Mukhang kakagaling lang nito sa gym dahil sa suot nitong dri fit shirt, leggings at rubber shoes. Halata din ang basa ng pawis nitong likod.

Hmm... Pawisan na pero ang bango pa rin. Naisip niya.

Pinasadahan niya ang kabuuan nito. Kahit maluwag ang suot nitong dri fit shirt ay makikita na maganda ang pangangatawan nito. And those straight and slender legs, are to die for.

Patuloy pa rin niyang pinagmamasdan ang nakatalikod at papalayo nitong pigura kaya hindi niya napansin na siya na ang susunod. Naagaw lang ang pansin niya dahil sa lumapit na matandang gwardya.

"Is there a problem, sir?" The man curiously followed his gaze.

He just cleared his throat and correct his composure.

"Wala naman ho." galang niya sa matanda. "Ako nga po pala si Matthew. Kaibigan po ni Hughbert Montevirgen. Inimbitahan niya po kasi ako sa family dinner nila ni Senator. Nabanggit niya na dito na lang ako sa gate na ito dumaan." Sabi niya sabay abot ng ID.

"Ah oho! Nabanggit na nga po kayo ng assistant niya." tiningnan nito ang ID niya. "Patabi na lang ng sasakyan Mr. Benavente, at ipapahatid po namin kayo sa isang escort papunta sa mansion." Nakangiting sabi nito.

Habang binabaybay ang daan ay may nakikita siyang mga nag dya jogging doon.

Siguro, dito siya galing. Naisip niya.

Natapos na ang dinner at umiinom na lang sila ni Hughbert ng whisky sa veranda habang napaguusapan nila ang kanya kanyang business nang biglang maalala niya ang babae kanina.

Napakunot ang noo niya. Amoy at likod lang ang nakita niya pero bakit parang napako iyon sa isip niya?

Napaisip siya. Nangungunot ang noo.
Mayamaya ay na napatingin siya sa kaibigan na nagsasalita pa rin pala.

Ngunit hindi na niya pinansin pa ang mga sinasabi nito at pinutol iyon.

"Hey, man. I need to ask you a favor."


⬇️⬇️ Next Chapter is Part 2 ⬇️⬇️

==================❤️❤️❤️

Posted: August 23, 2020 8:58 pm

It's Way Too Early [COMPLETED]Where stories live. Discover now