CHAPTER 7

392 14 2
                                    

Sa kaalaman po ng nakararami, ito po ang una kong publish na story. At nagpapa Salamat po ako at nagkaroon ako ng oras na magawa ito. Pero hindi ko magawang matuwa ng buo sapagkat samantalang ang iba ay nahihirapan dahil sa pandemic na ito, ito naman ako, puro sulat.

But I guess, God and Our Lord Almighty really do have plans for each and one of us. At sa tingin ko, para sa akin, ay makagawa na nga ng isang nobela.

Marami na kasi akong naisulat na plot dati pero hindi ko naman natatapos. Naisip ko nga, baka hindi ko talaga calling ang magsulat.

But see, nakagawa nga ako.

And I'm so blessed and thankful to God and Our Lord Almighty for giving me this blessing and opportunity. Thank you so much! Thank you so much!

Kaya ikaw, yes ikaw! Kung gusto mong magsulat, isulat mo lang. Naimagine mo nga eh diba? Pwede mo rin siyang mai sulat. Sulat lang ng sulat. Try lang ng try. Hindi man ngayon. Mabagal man yan. It will surely come!

Maraming susuporta sa iyo. ❤️❤️❤️
==================

CHAPTER 7

Isang magarang itim na sasakyan ang huminto di kalayuan sa kanila. Mula sa nakabukas na bintana ng sasakyan ay nakita niya ang isang magandang babae. Nakatingin sa kanila. Partikular na kay Matthew. Pagbaba nito ay mabilis na tumayo si Matthew para alalayan ito.

"It is you! I thought I was just hallucinating." narinig niyang sabi ng babae. "What are you doing here?"

Pinagmasdan niya ang babae. Napakaganda nito at napaka sopistikada. Nang magkatabi ang mga ito ay hindi niya maiwasang isipin kung gaano kabagay ang mga ito. Hindi niya alam pero nakaramdam siya ng kaunting kirot sa puso sa nakitang tagpo.

Saglit na nagusap pa ang mga ito bago siya nilingon ni Matthew at igiya ang babae papunta sa pwesto niya. Mabilis na napatayo siya at inayos ang sarili. Shucks ang pawis ko pa. Nang maiisip iyon ay ni hindi man lang niya naisip at na conscious man lang about sa hitsura at amoy niya habang kasama si Matthew.

"Aica," nakangiting baling sa kanya ni Matthew. "I want you to meet Reece. She's Hughbert's sister." Bumaling naman ito sa babae. "Reece. Meet Aica. I know you've heard about her."

Mabilis na ipinunas niya ang kamay sa damit bago inilahad ang kamay dito. "Hi." nakangiting bati niya rito.

"Hello, Aica." kahit saglit lang silang nagkadaupang palad ay naramdaman niya ang lambot ng kamay nito kumpara sa makalyo niyang kamay. Kay bango din nito na tiyak isang mamahaling pabango kumpara sa mumurahing pabango niya.

Muli ay nakaramdam siya ng insecurity. Si Matthew ba hindi nararamdaman yung mga kalyo niya sa kamay? Hindi ba ito nababahuan sa kanya? Lalo na at pawisan siya. Samantalang ito ay kahit pawisin din ay mabango pa rin. Halatang may mga kaya.

Maayos naman ang pakikitungo nito sa kanya ngunit may napansin siyang kakaiba dito. Parang walang emosyon. Kahit pa ay parang ayaw niya ito para kay Matthew ay pinakitunguhan niya ito ng civil.

Saglit pang nagusap ang mga ito habang siya ay nakikinig lang. Masaya naman ang pinaguusapan ng mga ito ngunit hindi man lang ngumingiti si Reece. Panaka naka ay isinasali siya ni Matthew pero ang iba ay hindi na niya masundan dahil tungkol iyon sa negosyo.

Mayamaya ay nagpaalam na rin ito.
"It was nice meeting you Aica."
Nakita niyang umangat ang labi nito pero sandaling sandali lang iyon. Ang weird. Naisip niya.

It's Way Too Early [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon