CHAPTER 16

316 16 0
                                    

Happy reading po!
==================❤️❤️❤️


CHAPTER 16

Ngunit hindi niya alam na ang tinuring niyang best day of her life ay ang huli na rin palang pagkikita nila ni Matthew.

Pagkatapos kasi niyon ay hindi na ito nagparamdam pa. Ni text ay wala na. Isang linggo na rin ang nakakaraan.

Sa naunang mga araw ay inintindi na lang niya sa isiping baka busy lang ito. Naalala niya kasi na problemado ito noong araw na iyon at baka iyon ang inasikaso nito. Ngunit nang hindi ito mag reply sa mga text niya ay kinabahan na siya.

Masaya pa sila nang ihatid siya nito matapos ang tagpong iyon sa parking. Habang nagmamaneho ay hawak pa nito ang kamay niya. Inihatid pa siya nito muli hangang sa kanila at kausap ito sa telepono hanggang sa makabalik sa sasakyan nito.

Ni hindi naman niya alam kung saan pupuntahan ito. Wala rin siyang ibang alam na impormasyon dito kung sakaling hanapin ito sa social media.

Sinubukan niyang hintayin ito sa park ngunit wala rin. Nang puntahan naman niya ang doktor na nabanggit nitong kaibigan ay nasa conference raw ito at hindi alam kung kailan babalik.

Sa buong paghihintay at paghahanap na iyon, ay na realized niya na hindi pa pala niya talaga kilala ang lalaki. At tuwing gabi ay iniiyakan niya iyon. Ang dami kasing kulang. Ang daming tanong sa isip niya na hindi niya kayang masagot. Kung nagsabi lang sana ito bago mawala.

Hindi na rin siya nakapagtago pa kila Boss Sacha at Ate ML tungkol sa nangyari. Kahit kasi anong tago niya ay napansin pa rin daw ng mga ito. Pangalawang araw pa lang daw. Grabe. Ganon ba niya kamiss si Matthew?

Hindi daw siya makakapagtago sa mga ito sabi pa ni Boss Sacha. At nang ikwento niya ang nangyari ay kanya kanyang reaksyon ang mga ito.

"Eh aswang pala iyon, eh." sabi pa ni Ate ML.

"Multo kamo." pagtatama pa ni Boss Sacha.

"Gusto ko aswang. Mas pangit." pilit ni Ate ML.

Kaya ngayon ay nasa isang mall siya kasama ni Ate ML. Pinag day off muna sila ni Boss Sacha dahil mukha na daw siyang losyang. Pinasama nito si Ate ML para naman daw hindi siya lutang sa pag iikot sa mall. Sinabi pa nga nitong grabe siya kung makapag pabaya sa sarili para lang sa isang lalaki. Nang mangyari raw dito ang ganoon ay mas lalo pang nagpaganda ito at inayos ang sarili.

Nakuha naman niyon ang atensyon nila ni Ate ML. Ngunit inunahan na sila nito na saka na ikukwento at pinaalis na sila. Binigyan pa nga sila ng bonus na ikinagulat nila.

At doon nga sila sa mall humantong.
Si Ate ML ay kuntodo ang pagwiwindow shopping. Ilang beses pa nga siya nitong binihisan. Siya naman ay sumusunod lang dito.

"Minsan lang ito. Binigyan pa tayo ni Boss ng pang shopping kaya sulitin natin." natutuwang sabi nito.

"Iyon na nga ang ginawa ko Ate, eh. Sinulit ko. Kaso nagsawa at naubos ata agad kaya nawala agad." walang emosyong sabi niya.

"Aray naman." Hinila kasi nito ang ilang hibla ng buhok niya.

"At humugot ka pa talaga. Aba miss. Kaya nga nandito tayo at pinag day off ni Boss ay dahil gusto niyang malibang ka naman at makalimutan muna si Matthew at ang problema mo. Gustohin man naming sabihin na magmove on ka na at kalimutan ang lalaking iyon pero hindi, dahil alam naming hindi naman ganon kadali iyon. Kahit man lang magtira ka ng kaunting pake sa sarili mo at maibalik sa dati. Kahit paunti unti."
Ngumiti na ito.

"Saka huwag ka ng KJ. Gusto kong magshopping kaya sumabay ka na rin. Minsan lang ako makapag ganito. Buti nga at nakapagbayad na ako ng mga bayarin kaya wala na akong paggagamitan nitong bonus ni Boss kundi dito lang. Saka sabi nga ni Boss, kapag na ghosting, dapat mas magpaganda raw. Kaya iyon ang gagawin natin."

It's Way Too Early [COMPLETED]Where stories live. Discover now