EPILOGUE - Part 1

349 14 0
                                    

Thank you and Happy Reading!
==================❤️❤️❤️


EPILOGUE - PART 1

Busy si Aica sa pagsalinsin at paglalagay ng mga damit niya sa cabinet ng uukopahing silid. Kasabay niyon ay ang pagpipili na rin ng isusuot niyang damit para mamaya.

Second monthsary kasi nila ni Matthew at pinaghahanda siya nito dahil lalabas daw sila mamayang gabi.

Kinikilig na nae excite siya. Ano ba Aica, para kang teenager. Sita niya sa sarili.

Pagbalik ng mga magulang at kapatid ni Ate ML ay nagpilit na siyang umalis doon. Hindi naman kasi ganoon kalaki iyon upang magkasya silang lahat. Isa pa ay gusto naman niyang mag bonding bonding ang mga ito.

Kaya nang makakita ng bedspace ay kinuha na niya iyon. Na hindi naman sinang-ayunan ni Matthew. Hindi raw safe. Pinang ikutan niya lang ng mga mata ito noong sinabi ang mga iyon. Sa kanya ay okay lang dahil halos mga babae naman ang kasama niya. Ang kasama naman niya sa mismong kwarto ay mga nursing students.

Hindi rin pumapayag ito na hindi siya ihatid pag uwi kahit na mas maliwanag at maaliwalas na ang daan pauwi roon. Minsan sa tingin niya ay gumagawa lang ito ng paraan para makasama siya. Na kinatutuwa naman ng puso niya.

Minsan nga lang ay napapabusangot ang mukha niya kapag nakikita niya ang mga ka board mates na sobra kung makatingin ng malagkit sa boyfriend niya.

Pero kapag titingnan naman niya ang lalaki ay nasa kanya lang ang atensyon nito. At nawawala na ang selos niya.

At ngayon ay sariling kwarto na niya ang uukopahin niya. Dahil pinalipat na siya ni Matthew sa penthouse nito matapos nitong mag propose sa kanya.

Hinding hindi niya makakalimutan ang araw na iyon...

"Saan ba talaga tayo pupunta?" Tanong niya rito habang nasa sasakyan sila.

Nagulat siya ng bigla itong sumulpot bago magtanghalian at gusto na naman siyang kunin mula sa trabaho.

Sa boss Sacha na niya ito nagpaalam dahil naroon na ito. Na tinarayan naman nito. Kahit alam na ni boss Sacha at Ate ML ang buong kwento ay tinatarayan pa rin ng mga ito ang lalaki.

Pero alam niyang pakita lang ng mga ito iyon. Sinusubukan daw ng mga ito ang lalaki. Mga Ate raw niya ang mga ito kaya hayaan na lang daw niya na takutin ng mga ito si Matthew.

"Basta..." sagot lang nito. Saka umayos na naman ng upo. Parang hindi mapakali sa upuan.

Hanggang sa maging pamilyar sa kanya ang daang tinatahak nila.

Hapon noon kaya kitang kita niya ang paligid. Maganda rin pala roon kahit umaga. Wala man ang mga palamuting ilaw ay ang sinag naman ng araw ang nagsisilbing liwanag ng lugar.

Matagal na siyang hindi nakapunta roon simula ng umalis siya sa poder ng tiyahin. Hanggang sa nilampasan na nito ang parke at huminto sila sa harapan ng restaurant kung saan sila nag race noon.

Doon na sila nagtanghalian. Natawa pa nga siya dahil sa muntik pa nitong matabig ang waiter dahil sa laging paggalaw nito sa pwesto nito.

Nagtataka na siya sa inaakto nito. Nang tanungin naman niya kung ayos ito ay tumango lang ito na hindi niya pinaniwalaan.

May bumabagabag dito. Pero ramdam niyang hindi naman delikado ang dahilan nito. Basta pakiramdam niya na may tinatago ito. Pero ano iyon?

At nasagot ang tanong niya ng sa paglabas nila at nasa tapat na ng restaurant ay walang sabi sabing lumuhod ito at tinanong na siya ng,

"Aica, will you marry me?"

Napatakip ang palad niya sa bibig ng ilabas na nito ang singsing.

Napakaganda niyon. Kuminang agad nang buksan na nito ang maliit na box. Parang lumulobo ang dibdib niya sa nagaganap.

Pero hindi niya agad nasagot ang tanong nito nang maalala ang mga nangyari rito kanina lang. At imbes na sumagot ay tinanong pa niya ito.

"Iyan ba ang dahilan kung bakit ka parang sinisilaban sa puwet at hindi mapakali kanina pa?" Napapa hagikgik na tanong niya.

"Uhm...y-yeah?"

Nakita niyang namula ito. Noon niya lang nasilayan iyon. Naging cute tuloy ito sa paningin niya.

Hindi niya akalaing makikita niyang ganoon ang isang Matthew Benavente. Natawa na naman siya, na parang lalong nagpadagdag sa kaba nito.

"Will you please, just answer me now? Please?"

"So, ito nga?" gustong-gusto na niyang yakapin ito sa sobrang saya niya.

He groaned. "I'm not used to this Aica. I admit, I was once called a playboy bachelor before I met you. At kinakabahan ako na baka iba ang maging sagot mo." Matapat at nakaluhod pa ring sagot nito.

'Yung totoo Aica, nang trip ka pa talaga?

Hindi na niya napigilan ang sarili at paluhod na ring niyakap ito.

Lumuluhang tumango siya. "Yes!"

Rinig na rinig niya ang marahas na pagbuga nito ng hangin saka niyakap siya ng mahigpit. Natawa na naman siya dahil doon.

"I can't believe how funny this is. I imagined it to be serious and solemn." Hindi man niya nakikita ay may mga ngiti na sa labing sabi nito. "You never failed to amazed me, baby."

Kumalas ito sa pagkakayakap at ikinulong sa mga palad ang kanyang mukha. "If I know that this will be the outcome of proposing to you, noon ko pa sana ginawa ito."

Nakangiting umiling siya. "Tama lang ang naging desisyon niyo ni Reece na palipasin ang balita. Isa pa, importante na mabigyan niyo rin ang mga magulang niyo ng oras para mag-sink in sa kanila ang mga naging desisyon ninyo."

Siya naman ang nagkulong ng mukha nito sa kanyang mga palad at pinakatitigan ito ng buong pagmamahal. "Saka hindi naman magbabago ang isip ko kahit na sa susunod na taon ka pa magtanong. Oo pa rin ang isasagot ko sa iyo, Matthew."

Nagniningning ang mga matang tinawid nito ang espasyong naghihiwalay sa kanila at hinalikan siya ng buong pagmamahal.

Naputol lamang iyon nang makarinig sila ng palakpakan. Nakita niya sa entrance ng restaurant ang ibang nakasabay nilang kumain roon pati na rin ang gwardya na nagpapalakpakan habang may mga ngiti sa labi.

Nagulat siya nang pag-alis nila roon ay dinala siya nito sa bahay ng mga magulang nito. Nanlalaki ang mga matang nilingon niya ang lalaki nang sabihin nito kung nasaan sila at kaninong mansion iyon.

Ayan, karma mo! Nang trip ka pa kasi kanina. Napalunok siya.

Nerbiyos na nerbiyos siya ng mga oras na iyon. Inisip niya kasi na hahadlang ang mga ito dahil siya ang dahilan ng hindi pagkatuloy ng kasal ng anak nito kay Reece.

Baka hindi siya magustuhan dahil hindi siya kauri ng mga ito. Basta, kay dami ng pumapasok na scenario sa isip niya noon.

Pero mas nagulat siya nang pagpasok doon ay masayang sinalubong siya ng mga ito. Alam na raw ng mga ito ang lahat lahat at nagpapasalamat siya na tanggap siya ng mga ito.

Siya naman ang nakahinga ng maluwag.

⬇️⬇️ Next Chapter is Part 2 ⬇️⬇️


==================

Posted: August 16, 2020 5:00 pm

It's Way Too Early [COMPLETED]Where stories live. Discover now