🖇 O65 || N

354 11 0
                                    

HYUNJIN'S

" GO HWANG HYUNJIN! IPANALO MO YAN! MAHAL NA MAHAL KITA!" sigaw ni Ally nang makuha ko ang bola.

mahal na mahal kita, Ally naman-

shinoot ko ang bola, nang pumasok ito sa ring ay napangisi ako. lumingon ako kay Ally at kumindat sa kaniya.

pumunta ako sa gilid para uminom ng tubig, hinanap ng mata ko si Ally, at ayun siya kaharap si Hiko ata yun?

naalala ko naman tuloy ang nakita ko kanina, punyeta. kumukulo nanaman ang dugo ko.

nakita kong may sinabi si Ally bago sila umalis doon, pumunta sila sa akin. akala ko may sasabihin si Ally pero tinignan niya lang ako.

umalis ako at nag tungo sa shower room, matapos kong maligo at mag ayos ay lumabas na ako. bago ako lumabas ay nagkatinginan kami ni Hiko, nginisian niya ako, hindi ko siya pinansin at tuluyan nang lumabas.

pumunta ako sa labas ng gym at nadatnan silang lahat doon, ako nalang pala ang hinihintay.

" may celebration daw mamaya, libre ni coach " sabi ni Minho hyung sa akin, tumango lang ako.

hinanap ng mata ko si Ally, mukang nahalata ata ni Minho hyung na hinahanap ko siya, " Ally hanap ka ni Hwang! " sabi niya. nilakihan ko sya ng mata.

" go hwang hyunjin, ipanalo mo yan! mahal na mahal kita! " panggagaya ni Jisung. nag asaran lang sila.

tumingin ako sa kaniya pero umiwas din ako agad, diretso ang tingin niya sa harapan. " pupunta ba tayo sa celebration mamaya? " tanong ni Jeongin.

" parang nakakatamad, tayo nalang kaya ang magcelebrate? " suggest ni Minho hyung. pumayag naman ang iba.

maganda rin iyon para makasama ko si Ally. " sige tayo tayo nalang, sabihan niyo sila Chan hyung, libre ko " sabi ko. nag hiyawan silang lahat, maliban kay Ally.

" yes naman! porket nag i love you lang si Ally kanina " sabi ni Felix, putek naalala ko nanaman.

" oh saan daw tayo? " tanong ni Seungmin habang nagtatype sa phone.

" kayo nang bahala " sabi ko, nakarinig naman ako ng 'yes' mula sa kanila.

" susunduin daw tayo ni Chan hyung " sabi ni Seungmin. tumango kami at nag hintay sa labas ng YG univ.

tinignan ko ulit si Ally, nakayuko siya habang nilalaro ang kuko niya. gusto ko siyang lapitan at kausapin, pero hindi ko magawa.

" lapitan mo kaya " sabi ni Seungmin.

" kaya nga, kaysa titigan mo lang" pag sang-ayon ni Felix.

huminga ako ng malalim bago maglakad papunta sa kaniya. oo na, ako na ang marupok kahit na nagselos ako dahil nakita kong magkasama sila ni Hiko.

tatawagin ko sana siya nang may mauna, si Hiko, ang epal of the year.

" uhm gusto mo sumama sa celebration ng team? " rinig kong tanong niya kay Ally. napairap ako. celebrate? anong icecelebrate niyo? ang pagkatalo?

𝐭𝐮𝐭𝐨𝐫 ; 𝐇𝐘𝐔𝐍𝐉𝐈𝐍 √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon