🖇 O63 || N

340 11 9
                                    

ALLY'S


"mag ingat ka roon ha, huwag lalapit kung kani-kanino. kapag nawala ka tawagan mo si Hyunjin or kaya yung iba mong kaibigan tapos..." blah blah blah, hindi na ako nakinig pa sa mga bilin ni kuya.

jusko! daig pa sila mama kung makapag bilin, eh sa yg univ lang naman ang punta ko, akala mo pupunta sa ibang bansa eh. hays.

pagkarating ay agad akong bumaba sa kotse, narinig ko pang may sinasabi si kuya pero wala na akong pakielam doon, pinakita ko ang student id ko mula sa jyp univ at pinapasok na ako.

tinext ko si Hyunjin na nandito na ako pero wala akog reply na natanggap, nag hintay ako ng ilang minuto pero wala pa rin.

siguro naghahanda na sila para sa laro, 30 minutes nalang kasi bago mag simula ang laban.

pumasok na ako sa mismong loob habang nakatingin sa cellphone, nag hihintay ng sagot kay Hyunjin.

tinawagan ko na rin siya, pero nag riring lang ito. sinubukan ko rin tawagan ang iba pero nagriring lang din ito.

paano na ako makakapunta niyan sa gym? hindi ko naman alam kung saan iyon.

naisipan kong bumalik sa labas para tanungin ang guard na nandoon. pero pag lingon ko sa likuran ko ay may nabunggo ako.

nag sorry agad ako at lumakad palayo doon, pero hindi pa man ako nakaka limang hakbang ay tinawag nya ako.

" Ally! " sigaw niya, lumingon ako sa kaniya. pati ang ibang mga dumadaan ay napatingin sa kaniya- sa amin.

tinignan ko siya, pamilyar ang muka niya pero hindi ko alam kung saan ko na siya nakita.

" hindi ko akalain na magkikita ulit tayo " nakangiting saad niya. huh?

" ah sorry ha pero hindi k- " pinutol niya ang sinasabi ko.

" sa isang resort sa busan, umaga iyon at naghahanap ka ng cr " sabi niya na lalong ikinakunot ng noo ko.

napakamot siya sa batok niya, " hindi mo ako natatatandaan? ako 'to si Hiko, yung tinulungan kang mag hanap ng cr. niyaya pa nga kitang mag breakfast pero dumating yung boyfriend mo? " explain niya.

okay, naalala ko na sya. siya yung pinagselosan ni Hyunjin. " ahh! ikaw pala yun " awkward kong sagot, natatawa siyang tumango.

" uhm..dito ka nag aaral? " tanong ko sa kaniya, tumango siya.

" yup, ikaw? huwag mong sabihin na dito ka rin nag aaral? " umiling ako sa tanong niya.

" ahh so sa Jyp ka? " tanong niya ulit, tumango ako.

" yes, actually hinahanap ko nga kung saan ang gym, pwede mo bang ituro kung saan? " nahihiyang tanong ko.

tumango siya, " sure, doon din naman ang punta ko " sagot niya.

" ahh manonood ka rin? " umiling siya.

" nope, isa ako sa mga players " sagot niya, oo nga 'no. ngayon ko lang napansin ang suot niya. pero bakit ngayon lang siya? diba kanina pa ang call time ng mga players?

hindi na ako nag tanong at sumunod nalang sa kaniya. nakatingin ang mga estudyante na nadadaanan namin habang nag lalakad kami patungo sa gym.

siguro sikat 'tong si Hiko. ang sasama ng mga tingin ng mga nakakasalubong namin eh.

nang makarating kami ay namangha ako dahil ang laki nga ng gym dito, malaki rin naman ang sa Jyp pero mas malaki dito. kaya siguro palaging ginaganap ang mga laro dito ng Yg laban sa ibang school.

" ahh, sige salamat Hiko " sabi ko, nag bow ako at naglakad na palayo. pero pinigilan niya ako.

" bakit? " tanong ko. " pwede ko bang makuha ang number mo? " tanong niya na ikinagulat ko.

" uhm sorry Hiko ah, pero kasi di ako basta nagbibigay ng number " nahihiyang sagot ko. tumango naman siya, nag bow ulit ako at nag lakad palayo.

kinuha ko ang phone ko para imessage ulit si Hyunjin, nakita kong may 5 missed calls at may iilang messages akong natanggap sa kaniya.

-

Hwang Hyunjin
• Active 5 minutes ago

Hyunjin
andito ka na?

Hyunjin
hintayin mo ako diyan, papaalam lang ako kay coach

Hyunjin
andito na ako sa gate, nasaan ka?

Hyunjin
uy Ally

Hyunjin
Jung Ally

Hyunjin
Hwang Ally

Hyunjin
nasa gym ka na ba?

Hyunjin
oh kasama mo pala yung isa sa mga player ng kabilang team.

Hyunjin
mukang nagkakamabutihan kayo ha

-

napakunot ang noo ko sa mga nabasa ko. anong nagkakamabutihan? naiilang nga ako sa kaniya eh.

naisipan kong tawagan nalang siya pero hindi naman niya ito sinasagot, nireplyan ko na rin siya pero hindi niya man lang sineseen.

pumunta nalang ako sa side ng jyp at nakita ko doon sila Jeana at ang iba naming kaibigan. umupo ako sa tabi nila at hinintay na mag simula ang laro.

-

𝐭𝐮𝐭𝐨𝐫 ; 𝐇𝐘𝐔𝐍𝐉𝐈𝐍 √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon