🖇 OO2 || N

986 43 16
                                    


ALLY'S

"Ally, tawag ka ni Sir Bang sa office niya may sasabihin daw sa iyo" sabi sa akin ng Class President namin.

Agad ko namang inayos ang mga gamit ko at sinukbit ang bag sa balikat ko at nag simula nang maglakad pababa sa faculty.

Ano kayang sasabihin ni Sir Bang sa akin? Bwiset,kinakabahan tuloy ako. Paano kung bumagsak pala ako sa subject niya? Jusko.

Nang makapunta ako sa Faculty ay sakto naman na andoon na si Sir Bang.

"Sir, pinapatawag mo daw po ako?"

"Yes, actually kaya kita pinatawag dahil may gusto akong ipakiusap sa iyo. Sana ay pumayag ka" seryosong sabi ni Sir Bang.

"Alam mo naman na isa ka sa pinaka- matalinong estudyante sa school diba" sabi ni sir. Tumango ako bilang sagot.

"May gusto sana akong ipatutor sa iyo hindi ako sure kung kilala mo siya pero isa siya sa sikat na student dito sa university so baka kilala mo" sabi ni Sir Bang.

"Ayos lang naman po sa akin Sir. Pero sino po ba yang ipapatutor mo sa akin?" Tanong ko.

"Bukas mo nalang alamin kung sino. Basta ang mahalaga ay pumayag ka. 1 hour lang naman bawat session at makakakuha ka ng 5% para sa grades mo sa mga minor subjects" explanation ni sir Bang.

"Sige po Sir payag po ako" sabi ko. Sayang din ang 5% pag di ako papayag.

"Good, bukas ang start nyo sa room 0325, 5 pm at 6 pm ang tapos nyo" sabi ni Sir Bang. Tumango ako bilang sagot.

"Okay, makakaalis ka na. Aasahan ko na tutulungan mo siya na tumaas muli ang grades nya" sabi ni Sir Bang.

"Opo Sir" sagot ko at nagsimula nang maglakad papunta sa gate.

Nang makarating ako sa labas ng gate ay sakto naman na nandoon na ang sundo ko. Papasakay na sana ako nang may pamilyar na boses ang tumawag sa akin.

"NOONA! " lumingon ako sa likuran ko at nakita ko si Jeongin na kumaway sa akin. Hindi siya nag iisa, kasama niya ang mga kabigan niya.

Hindi na ako lumapit pa, ngumiti nalang ako sabay kumaway at pumasok na sa loob ng kotse.

HYUNJIN'S

"Hyung Uwi na tayo, nagugutom na ako~" sabi ni Seungmin habang hinihimas ang tiyan.

"Mamaya na, abangan muna natin siya na makauwi" sabi ko habang nakatingin sa gate. Alam kong 5 pm ang uwian nya pero 5:20 na ay wala pa rin siya.

"Eh hyung nagugutom na ako eh!" pagrereklamo ulit ng asong kasama namin. Bwiset.

"Pag bigyan mo na si Hyunjin, Seungmin. Tutal huli na naman na 'to dahil may tutor na sya bukas" sabi ni Changbin hyung.

Wala naman na nagawa si Seungmin kundi ang tumahimik nalang.

"NOONA! " agad akong tumingin sa harapan ko at nakita ko si Ally na ngumiti at kumaway kay Jeongin at sumakay na sa kotse.

sana all, hmp.

"Ang ganda ni Noona, nakakaiyak " sabi ni Jeongin at nagkunwari na umiiyak.

Tss.

"Crush mo nanaman si Noona" sabi ni Seungmin.

"Medyo lang hihi " nakangiting sabi ni Jeongin sabay mahinang tumawa.

"..charot di ko crush si Noona, baka masapak ako netong katabi ko eh " pahabol na sabi ni Jeongin sabay tingin sa akin.

buti alam mo, tsk.

hindi ko na sinagot si Jeongin at inabala nalang ang sarili ko sa phone.

"Ano ayos ka na ba Hyunjin ? Huli na 'to dahil bukas may tutor ka na HAHAHAHHA" pangangasar ni Jisung sabay tawa ng malakas. Nakisali naman ang iba sa pangangasar.

"Bwiset ba't kasi ipapatutor pa ako ni Chan hyung eh. Kaya ko naman ang sarili ko" reklamo ko.

"Ulol anong kaya? Dati mo pa sinabi yan pero wala pa rin" sabi ni Minho hyung.

Hindi na ako sumagot pa at inabala nalang ulit ang sarili sa cellphone. Nang marinig ko sila na nagyayaya na umuwi ay tumayo na ako at sumunod na sa kanila.

"Sino kaya magtuturo kay hyung bukas? Sana maganda" sabi ni Felix.

"Eto puro landi nasa isip eh" sabi ni Changbin hyung.

"Selos ka lang babe eh" sabi ni Felix at hinawakan ang kamay ni Changbin hyung pero inalis agad ni hyung yon.

"Kadiri ka" sabi ni Hyung at pinag patuloy ang pagkain ng biscuit.

"Baka si Ally?" Sabi ni Jisung.

Paano kung si Ally nga? Shet di ko pa siya kayang harapin.

"Uy si Hyunjin namumula HAHAHA" sabi ni Minho at tumawa naman silang lahat.

"Pag si Ally ang tutor ko bukas, ililibre ko kayo sa sabado sa bbq house ng tito ni Changbin hyung" sagot ko at nag cellphone ulit.

"Ay sige! G kami diyan" - Seungmin

"Machat nga si Noona para sabihin na itutor ka HAHHAHA " - Jeongin

"Asa ka naman na si Ally ang mag tututor sa'yo" - Minho

"Ay sige hyung wala kang libre sa sabado" sabi ko

"Ay joke lang sabi ko nga sana si Ally ang magtututor sayo" sabi ni Minho Hyung.

-

𝐭𝐮𝐭𝐨𝐫 ; 𝐇𝐘𝐔𝐍𝐉𝐈𝐍 √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon