🖇 O21 || N

578 20 7
                                    

HYUNJIN'S

" next next week na ang final exam natin, kaya dapat makinig ka ng mabuti sa tinuturo ng prof " sabi ni Ally habang inaayos ang libro na ginamit namin kanina.

" bukas na ba tayo mag rereview? " tanong ko sa kaniya.

" pwede naman kaso diba friday bukas at may practice ka ng basketball? so pwede naman na sa sabado na tayo mag simula " sabi niya tiyaka tumayo, tumayo na rin ako.

" sa sabado? sige " sabi ko tiyaka ngumiti. excited na ako hehe.

lumabas kaming dalawa ng room at dumiretso sa gate. " saan mo gusto? sa iyo or sa bahay nalang namin? " tanong niya ulit.

" sa inyo nalang kapag sa amin maingay sila eh " sabi ko, baka di lang ako makapag focus ng maayos kapag sa dorm, mangangasar lang yung mga kaibigan ko.

" hmm sige " sagot niya

" btw susunduin ka ba ng sundo mo? " tanong ko kay Ally.

" hindi eh, nagkaproblema yung pamilya ng driver namin kaya umuwi muna siya sa kanila " sagot niya.

tumingin ako sa relo ko at 6:15 palang.

" pwede ba tayong maglakad lakad sa park? then ihahatid na kita sa inyo " yaya ko.

akala ko ay tatanggihan niya ako,"sige ayos lang sa akin " sabi niya. Ngumiti ako, kinuha ko ang libro na hawak niya tiyaka hinawakan ang kamay niya, naglakad na kaming dalawa papuntang park na malapit lang sa school.

mago-one week na nung niyaya ako ng magulang ni Ally mag dinner, mag oone week na rin nung nang hingi ako ng permisyo na ligawan ulit siya, wala siyang sinagot nun at sineen lang ako.

naiintindihan ko naman siya at handa akong mag hintay.

" uy ayos ka lang? " tanong ni Ally tiyaka ginalaw ang kamay sa muka ko.

" oo naman, may pumasok lang bigla sa isip ko " sagot ko, tumango siya.

nang makarating kami sa park ay bumili muna kami ng street foods tiyaka nag hanap ng bench na pwedeng upuan. kumain lang kami at nag kwentuhan.

nang matapos kaming kumain ay nag pasya kami na umuwi na. hinatid ko siya sa kanila bago ako umuwi sa dorm.

" hmm hyunjin " tawag niya sa akin habang naglalakad kami papunta sa kanila.

tumingin ako sa kaniya, " bakit?" Tanong ko.

" sorry nga pala at di ko sinagot yung tanong mo nung saturday " sabi niya

" anong tanong? " tanong ko, yung tinanong ko ba siya kung pwedeng manligaw?

" yung ano, kung pwede mo ba akong ligawan ulit " sagot niya at napayuko.

" a-ahh yun, huwag mo nang intindihin yun " sabi ko at napakamot sa batok ko.

" sorry ha, di ko kasi alam ang sasabihin ko nun "

" ayos lang Ally, alam ko namang hindi ka pa handa lalo na at may nangyaring di maganda sa past natin " sabi ko

tumango siya, " gusto mo bang pumasok muna? for sure matutuwa niyan sila mama " sabi niya.

pero tumanggi na ako, " huwag na, gabi na baka hanapin pa ako nila hyung " sagot ko. tumango siya at pumasok na sa loob.

-

𝐭𝐮𝐭𝐨𝐫 ; 𝐇𝐘𝐔𝐍𝐉𝐈𝐍 √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon