🖇 O43 || N

436 18 7
                                    

HYUNJIN'S


" oh? ba't nakabusangot ka diyan Seungmin? " tanong ni Chan hyung pagkadating ni Seungmin dito sa cafeteria.

umiling lang siya at nag simula nang kumain.

" bad mood ata dahil kay Jeana, charot " biro ni Jisung sabay tumawa.

" ay speaking of Jeana? nasaan siya? " tanong ni Felix.

agad kong inilibot ang tingin sa table namin, wala nga ang kapatid ko.

" hindi mo ba kinatok, Seungmin? " tanong ko dito.

umiling ito, " wala naman akong pakielam doon " sagot niya.

napairap ako sa sinagot niya, nako talaga Kim Seungmin!

dinukot ko ang phone ko sa bulsa tiyaka tinadtad ng message si Jeana, sinubukan ko rin siyang tawagan pero nagriring lang ito.

" kaninang tanghali pa siya active at hindi nasagot " sabi ko.

" baka naman tulog lang si Jeana? " sabi naman ni Minho hyung.

nagkabit balikat ako, " puntahan nalang natin mamaya sa kwarto pagkatapos natin kumain " sabi ni Chan hyung.tumango kami at bumalik na sa pag kain.

pagkatapos kumain ay agad kaming umakyat patungo sa kwarto ni Jeana.

" Ally.." tawag ko sa kaniya nang malapit na kami sa kwarto ni Ally.

" oh? " tanong nito. tinignan ko siya at pinag isipan kung ngayon ko na ba sasabihin.

" ano ba iyon, Hwang? " tanong niya.

sasagot na sana ako nang tawagin ako ni Jeongin, " Hyunjin hyung! "

nagtataka na lumapit ako sa kaniya,
" bakit? " tanong ko.

" wala ata si Jeana sa kwarto niya, walang nagbubukas eh " sabi nito.

agad naman akong kinabahan, kinatok ko ulit ang pinto ni Jeana, pero wala pa rin nagbubukas.

kinatok ko nang malakas pero wala pa rin, putek.

minessage at tinawagan na rin ng iba si Jeana, pero hindi siya nasagot.

nagulat kaming lahat nang sinipa ni Seungmin ang pintuan at bumukas ito.

" puta, pwede namang mang hingi ng spare key " rinig kong bulong ni Changbin hyung.

pagkabukas ay agad siyang pumasok at tinawag si Jeana, sumunod kami na pumasok sa loob.

" wala si Jeana " sabi ni Seungmin nang tignan na niya ang buong kwarto.

" nandito rin ang phone niya " sabi ni Minho hyung habang hawak ang cellphone ni Jeana.

putek- saan ba nagpunta yun?

" punyeta " sabi ko, lalabas na sana ako nang pigilan ako ni Ally.

" gabi na, saan ka pa pupunta? " tanong niya.

" kailangan kong hanapin ang kapatid ko Ally, baka may masama nang nangyari sa kaniya " sabi ko.

" teka, sasama ako! " sabi ni Chan hyung.

" ako rin! " sagot naman ni Jisung at tumayo mula sa pagkakahiga.

" tayong mga lalaki nalang ang maghanap tapos yung mga babae dito nalang kayo, imessage nyo ang isa sa amin kapah dumating na si Jeana "

tumango sila, " ingat kayo " sabi ni Ally habang nakatingin at naka hawak sa braso ko.

teka-kinikilig ako hoy!

ngumiti ako tiyaka tumango, " tama na landi, Hwang! nawawala kapatid mo " sabi ni Minho hyung tiyaka hinila ako palabas.

-

nasa mga chapter 20+ 'to ng
Desperate ^^

𝐭𝐮𝐭𝐨𝐫 ; 𝐇𝐘𝐔𝐍𝐉𝐈𝐍 √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon