Hinanap ng mata ko sila Genesis at Jazz, pero hindi ko sila mahanap sa mga nagkakatuwaan. Parang bata ang lahat dahil sa inihandang games.

Bumalik ang tingin ko kay kuya. “Wala sila rito at baka may pinuntahan lang saglit,” sagot ko.

Tinanguan lang niya ako at tinapik sa braso saka siya nakipag-fist bump kay Brix bago siya umalis.  Umikot kami papuntang kanan kung saan nandoon sila mama at papa, kasama si Tita Estella.

“Brix, hahanapin ko sila Genesis. Baka nasa labas lang ang dalawang 'yon,” paalam ko sa kaniya.

Lumabas ako ng bahay at sa hindi kalayuan ay may naririnig akong nag-uusap. Lumapit ako sa may bandang poste, sa labas ng gate ng bahay kung saan nanggagaling ang boses. Maingat at dahan-dahan akong lumapit. Nahagip agad ng mata ko ang puting hotpants na suot niya, kaya dali-dali akong nagtago sa likod ng halaman. Nakatalikod siya sa akin kaya ang crop top niyang asul ang nakikita ko at ang kalahating mukha ni Jazz.

“Nakakahiya ang ginawa ko, Genesis. Nakakahiya!” sigaw niya na parang gusto na niyang hampasin ang kausap niya.

I can feel his regret through his voice.

“Anong ikinakahiya mo diyan? It is just a kiss.”

“Nakita mo ba ang reaksyon niya? Nagulat siya sa ginawa ko. Fvck!”

My eyes grew bigger when I heard him cuss. First time kong marinig siyang magmura. I thought he is a good boy who doesn't like to cuss, but he is no.

“Hindi na lang sana ako pumayag sa balak mo, Genesis. Napahiya ako masyado sa ginawa mo.”

Mabilis akong sumandal sa katabing poste nang lagpasan niya si Genesis. Muntik na niya akong makita. Ibinaba ko ang tingin ko sa lupa, pinaypay ko ang palad ko para paalisin ang mga lamok na sinasamantala ang dugo ko.

I heard someone clapped exaggeratedly. “Whoa! Ako ang sisisihin mo? Hoy, ikaw ang nagsabing gusto mong umamin at malaman ang sagot niya, kaya nag-isip ako ng unique na paraan sa pag-amin.”

I heard him groaned. “Hindi na lang sana ako nagtiwala sa 'yo. Nakakahiya. Siguradong hindi na niya ako papansinin sa ginawa ko.”

“Umayos ka, Jazzy. Hindi lang siya ang babae sa mundo. Huwag kang tanga. Hindi ka na nga gusto, naghihintay ka pa.”

Dahan-dahan akong bumalik sa kaninang kinaroroonan ko, pero agad din akong sumandal sa poste dahil tiyak kong makikita nila ako roon. Naghanap ako nang maliit na butas para makasilip ako at magandang balita, may nahanap ako. Bahagya akong tumingkayad sabay pusod ng buhok ko sa magkabilang gilid ng tainga ko.

“Coming from you, Genesis? We have the same fate.” He sarcastically burst out a laugh, annoying Genesis in her situation.

She crossed her arms. “Hindi tayo parehas ng destiny. Iba sa 'yo, iba ang akin. Magugustuhan niya ako.”

Tinapik niya ang ulo ni Genesis. “Cheer up your heart, Genesis. I am wishing for it to happen. Wish me luck, too.” He smiled, cheering her from frowning.

Tinabig niya ang kamay ni Jazz at ngumiwi. “Why do I need to wish you luck if you don't have the luck to win her heart at the very beginning of the show?”

Ngumisi siya sabay tawa nang pagak. Hindi naman nakaimik si Jazz sa kinakatayuan niya. Samantalang nakaramdam naman ako nang kaunting kirot sa puso ko. Matagal na pala niya akong gusto at bakit hindi siya agad nagpakitang gilas sa akin?

Baka siya ang mamahalin ko kaysa kay Chrysler. Na kahit patay na patay naman ako sa lalaking iyon dati ay kaya pa namang magbago ng nararamdaman ko. Bakit lang siya aamin?

“She didn't respond to your kiss, am I right?”

Binalot ng katahimikan ang buong paligid at ang tanging lamok lang ang naririnig naming kakantahan kami sa tuwing lalapit sila sa aming tainga. Matagal siyang hindi umimik hanggang sa tumikhim ito bigla at hinimas ang kaniyang batok.

“Ipapamukha mo pa sa akin.”

“Ipapamukha ko talaga sa 'yo nang magising ka na sa panaginip mo,” she mocked as she grimaced.

“Ikaw lang ang nagmamahal sa kaniya. Ikaw lang ang may special feelings sa kaniya. At siya? Kaibigan ka lang talaga sa kaniya. Ano, itutuloy mo pa ba ang gusto mo?” She wrapped a curl around her finger.

“Hindi magkakaroon ng kayo, Jazzy. Kahit umamin ka na sa kaniya noon o naging torpe, hindi ka talaga niya gusto.”

“Yeah. . . I know. She still loves Chrysler. She isn't over yet.”

Lumabas ako sa kinaroroonan ko nang marinig ko ang sinabi ni Jazz.

“Drishtelle. . .” he called.

Tumayo ako nang matuwid sa tapat nila. Nakataas lang ang kilay ni Genesis sa akin nang nakangisi at naiiling-iling. Si Jazz ay nandilat ang mga mata niya sa gulat, hindi makakibo

“Narinig mo—”

“She heard everything. Calm your heart, Jazzy. I'll give you time to talk.”

She walked away to give us a private space to talk to. Nandoon lang siya sa kinakatayuan niya, na medyo naiilawan ng mga Christmas lights. Maliwanag ang buong paligid dahil sa palamuti ng mga nakahilerang bahay dito sa loob ng subdivision.

Matagal bago siya makakilos. Lumapit siya sa akin, hinawakan ang kamay ko. “I am sorry for kissing you without your consent. I just wanted to know if you have feelings for me.”

He pursed his lips. “But I found out that—”

“Give me some time to think about this, Jazz. It's like an electric shock for me. I can't absorb all of them. . . especially your unexpected confession,” I intervened.

Since then we grew up together and he never leaves me alone. I admit that I don't have deep feelings for him. . . I mean, how do I say this to him without hurting him or giving him high expectations?

Huminga ako nang malalim para bumuwelo. Magsasalita pa sana ako nang unahan niya ako bigla.

“I am not forcing you to give me back the feelings I have for you. I am willing to wait to be your love,” he said, smiling.

Tinitigan ko ang kurba ng labi niyang napakaliit ng ngiti. Is he disappointed?

“Merry Christmas!”

Lumingon ako sa sigawan nila sa loob ng bahay. Shoot! Natapos na ang countdown. Ito pa man din ang inaabangan ko tuwing pasko. Gusto kong makita ang ngiti nilang lahat at magbeso-beso ang bawat isa.

Lumapit siya sa akin at niyakap. “Merry Christmas, Drish,” bati niya, tinatapik-tapik ang likod ko saka siya humiwalay.

“Merry Christmas, too,” nahihiyang bati ko nang nakangiti.

Nakakaramdam ako nang kaunting kiliti sa puso ko sa tuwing kasama ko siya noong mga nakalipas na buwan. Dalawang taon ang dumaan at parang gusto kong subukan dahil may nararamdamnan na rin ako sa kaniya, hindi nga lang ganoon kalalim. Sadyang nagulat ako sa nangyari. Hindi ko inaasahan. Buong akala ko ay hanggang kaibigan lang ang turing niya sa akin.

Ngumiti siyang tinapik ang braso ko. “Isipin na lang nating panaginip lang ito. Huwag mo sana akong iwasan bukas.”

Tumango ako. Hindi ko naman siya iiwasan gaya ng iniisip niya. Magiging normal pa rin ang lahat bukas. Sumunod ako sa kaniya na bumalik sa loob ng bahay. Isinara niya ang gate at sabay naming nadatnan ang aming pamilya na nagbe-beso.

“Ate, Merry Christmas!” Sabay yakap sa akin ni Brix.

“Merry Christmas!” masayang pagbati nila mama at papa sabay yakap sa aming dalawa.

Inilibot ko ang paningin ko at nagyakapan silang lahat. Inaya kami nila papa na lumapit sa kanila at nag-group hug kaming lahat. Labis ang ngiti ko sa kabila ng nangyari.

“Merry Christmas!” we shouted in unison while jumping and we tighten our group hug.

Nagtama ang paningin namin ni Jazz at nagkangitian sa isa't isa. Pag-iisipan ko nang mabuti dahil ayaw ko siyang masaktan, pero gusto ko ring sumaya.

Today is the DayWhere stories live. Discover now