CHAPTER 1

2.6K 76 0
                                    

Cristel

Pabalibag kong isinara ang pinto ng condo unit ko sa sobrang inis. Padabog akong umupo sa sofa at itinapon nalang sa kung saan ang bag ko.

Frustrated na sinabunutan ko ang aking buhok. Ang bigat-bigat ng loob ko dahil sa nangyari!

Ano ba kasing mali?!

For freaking sake! Anniversary namin ngayon at hindi man lang niya ako sinipot? For what reason?!

Jio. My boyfriend for almost three years. Hindi ako sinipot sa usapan naming restaurant para i-celebrate ang anniversary namin.

Seriously, may mali sa kanya.

"Fvck you, Jio."

Sinabunutan ko pa ang sarili ko bago tumayo at naglakad papunta sa kusina. Kumuha ako ng can beer at ininom ito pagkabukas ko.

"I need more beer."

I whispered to my own like I am a psycho. But who cares? Alak lang ang kailangan ko ngayon.

Kumuha pa ako ng tatlong can beer at dinala ito sa center table sa living room.

Hinubad ko ang suot kong heels at itinapon nalang sa kung saan. Umupo ako sa sofa at napatitig nalang sa kawalan.

Kinuha ko ang aking phone at tiningnan ang huling message ko kay Jio na hanggang ngayon ay wala pa ding reply.

It's almost thirty minutes pero hindi parin nagre-reply? Ganun ba siya ka busy sa trabaho niya sa opisina para hindi man lang ako siputin sa anniversary namin o kaya replyan ako para hindi ako magmukhang tanga kakahintay sa kanya?

This is not the first time. Mali man sa ibang tao, pero pinanghihinalaan ko ang boyfriend ko.

Sino ba naman kasing hindi?

Kung ibang babae siguro ang nasa sitwasyon ko, iisa lang ang mararamdaman namin.

"Fuck you one hundred times Jio."

Binato ko ang phone ko sa kabilang sofa na mabuti nalang ay hindi tumalbog pabalik para mahulog sa sahig.

I'm not that kind of girl na iiyak nalang sa isang tabi dahil iniwan ng boyfriend o kaya ay hindi sinipot sa usapan nilang date o anniversary.

Just like what happened to me.

Ako yung babaeng iisa lang ang sulosyon. Alak lang, sapat na.

Ano ba naman kasing maitutulong ng pagluha ko? Maibabalik ba ang nangyari na? Diba hindi na?

Inubos ko nalang ang beer na dinala ko hanggang sa makatulog ako. Kinabukasan ay halos tawagin ko na ang lahat ng santo dahil sa sakit ng ulo.

"Tangina naman. Ang sakit ng ulo ko."

Mariin kong ipinikit ang aking mata dahil umikot pa ang paningin ko. Nang pakiramdam ko ay kaya ko na, dahan-dahan akong bumangon galing sa pagkakahiga ko sa sofa.

Naglakad ako patungo sa kusina at kumuha ng advil bago ito ininom. Pagbalik ko sa living room ay iniligpit ko muna ang kalat ko kagabi.

I reach my phone in the sofa when I heard it beeping. Hindi na ako nagulat nang makitang madaming miss calls at text ni Jio ang hindi ko nasagot at nabasa.

"Tsk."

Balak ko na sanang i-off ang phone ko nang mag beep ito. It wasn't from Jio, it was from my dad. Ang sabi niya ay pinapapunta niya ako sa kanyang opisina.

Ano na naman kaya ang kailangan ni dad? May gusto na naman ba siyang ipapatrabaho sa akin?

Napabuntong hininga ako at mabilis na inayos ang mga kalat ko. Dumeretso ako sa kwarto at naligo dahil amoy alak na ako.

Black Mafia 7: Austin GuillermoWhere stories live. Discover now