Chapter 3

36 13 0
                                    


OH, my goodness. I can't believe I did something stupid today. Gusto ko na ibaon sa lupa ang sarili ko dahil sa kahihiyan.

Tinapik ko nang malakas ang noo ko dahil hindi umaalis sa isip ko ang nangyari kanina. Oh my, gosh. Please, leave me alone.

"Hoy, okay ka lang?" Napaayos ako nang pagkakaupo dahil kay Eunice. She's staring at me like I was the weirdest person ever.

May dumi ba ako sa mukha? Or do I look horrible? Hindi ba pantay ang kilay ko? Ay, hindi pala ako nagm-make up.

"Yeah. I guess." Tumaas ang kilay niya nang lumabas 'yon sa bibig ko. "I mean – I'm fine. Of course, I'm fine. Bakit mo pala naitanong?" masamang tingin ang ipinukol niya sa 'kin na sinalubong ko naman ng nagtatakhang emosyon.

Ano na naman ba? Argh.

"Nabubuang ka na ba? Kanina pa kaya ako dumadaldal dito hindi ka naman pala nakikinig!" she wailed.

Geez, I spaced out? Hindi kasi mawala sa isip ko 'yong nangyari kanina. That's why nakatulala na naman ako.

Because that was embarrassing! Like, seriously?! Ikaw ba naman ang pakinggan ng hinahangaan mo pagdating sa larangan ng musika. Tapos pumalpak ka pa.

"HOY!" Napaigtad ako dahil sa malakas niyang boses. Napalingon din ang ibang kaklase namin na busy sa mga ginagawa nila. Tinapik ko sa braso si Eunice saka natawa nang mahina.

"Oh, that. About Lamuel, right? Yeah yeah. Continue,"

Para akong mamamatay sa paraan ng tingin niya kaya napasapo ako sa aking noo.

I really suck at lying, eh?

"Okay, okay. Hindi ako nakikinig. Ano ba kasi 'yon?" tanong ko.

"Dinadadaldal ko 'yong nalalapit na event dito sa school," tipid na sagot niya. May halong pagkatampo ang boses nito kaya napangisi ako.

"Tampo ka?" tanong ko sa kaniya. Tinusok ko nang paulit-ulit ang tagiliran niya para maasar siya lalo. Na sa tingin ko ay hindi magandang ideya.

She darted deadly glares at me. Dahilan kung bakit napahagikhik ako. Pero tumigil na rin ako sa ginagawa ko na pang-aasar dahil ayaw ko pa tumilapon palabas.

"Chill. I was just joking. Ano ba ang mayroon sa magiging event?"

Dumukwang siya papalapit sa akin na parang may ibubulong. Inilapit ko naman ang tainga ko sa kaniya para marinig ko nang maayos.

Si Eunice 'yong tipo ng kaklase na hindi mauubusan ng idadaldal eh. Halos lahat ng issue sa school ay alam niya. And most of them are legit. Pero 'yong iba pure chismis lang talaga. 'Yong iba mga over reacting at mema-issue lang din.

Like last month. Ni-chismis niya sa 'kin ang tungkol sa love life ng Vice President namin sa President ng Student's Organization na si Cheska. At wala pang one month lumabas ang totoo. They are really in a relationship.

Pero may isang chismis na hindi pa napapatunayan itong si Eunice.

She told me about David's love life.

And as far as I remember, David is one of Caleb's co-member sa banda nila. 'Yon lang ang alam ko tungkol kay David. Lalo na at wala naman sa kaniya ang atensyon ko. Na kay Caleb lang. Hehe.

Sharps Or FlatsOnde as histórias ganham vida. Descobre agora