Chapter 6

17 2 0
                                    

PINAGMAMASDAN ko ang mga kanta sa music sheet na balak ipatugtog sa akin ni Caleb ngayong araw. Ang objective? Para ma-test ang ability ko lalo sa pagtugtog ng piano.

"Sa tingin mo ba ay kaya mo ang mga 'yan?" tanong niya habang kumukuha ng upuan dito sa music room.

Pinagmasdan ko siyang mamili ng upuan sa baba nitong mini stage. Nakatalikod naman siya kaya hindi niya ako nakikitang pinanonood siya.

Buti na lang.

"I guess? Puwede pa naman ako sumubok, e," sabi ko saka iniwas ang tingin ko sa eksaktong pinihit niya ang katawan niya paharap sa akin.

"Hindi lang daliri ang kailangan mo riyan. May boses din dapat." Inilapag niya ang upuan na nakuha niya saka umupo sa tabi ko. "Kaya subukin mo na sabayan ng pagkanta 'yan." dagdag pa niya.

Nahinto ako sa pagtugtog. Hinarap ko siya na nagtatakhang tinignan ako. "What do you mean? Wala akong kasama sa stage?" tanong ko.

"Malamang. Solo performance nga ang papasukan mo, e. Dapat talaga na mag-isa ka lang. May solo performance ba na dapat dalawa ang magp-perform sa harap?" sagot niya habang nakakunot ang noo.

Nangunot din ang noo ko sa paraan ng pagsagot niya.

Maayos naman ako nagtanong, a! Anong drama nito? Napakasungit, e.

Umaliwalas ang mukha nito nang makita niya kung paano ko siya tignan. "De, joke lang! Ito naman. Gamitan mo kasi ng common sense minsan,"

Umiling na lang ako saka pinukol ang tingin sa keys. "Magsimula ka ulit, sabayan mo na rin ng pagkanta," saad niya habang nakaupo sa tabi ko.

Mahina kong kinanta ang When I Met You ng APO Hiking Society. Nahihiya ako, wala naman kasi ito sa music sheet. Pero naisip ko lang kasi siyang tugtugin dahil hindi ko naman gusto ang mga nasa music sheet na nirekomenda ni Caleb.

Narinig ko na inusog ni Caleb ang upuan niya papalapit sa akin. Bukod pa roon ay inilapit niya ang mukha niya papunta sa akin na parang gusto pa akong marinig kumanta. Pakiramdam ko ay biglang nag-init ang pisngi ko dahil doon. Marahas akong umiling upang maalis ang nararamdaman ko. Itinuloy ko na lang ang pagtugtog at hindi na siya pinansin. Hindi ko kailangan ma-distract sa simpleng galaw niya.

Pero, Lord. Bakit naman kasi ganiyan?

Dama ko na ang pagkanta ko nang bigla siyang magsalita para mawala ako sa pokus. "Hoy," aniya saka binanggit ang pangalan ko kaya tuluyan akong napatigil sa pagkanta.

"Bakit?" takhang tanong ko. Nilingon ko siya saka nakita ang mukha niyang masarap pisilin sa inis. Kung kailan ba naman dama ko na ang kinakanta ko saka pa siya umeepal?

"May ilalakas pa ba ang boses mo?" tanong niya sa akin na magkasalubong na naman ang dalawang kilay.

Magsusungit na naman ba siya? Ano ba ang problema niya?

"Mayroon," tipid na sagot ko.

"Bakit hindi mo lakasan? Paano ka maririnig ng audience saka judges?" bakas ang pagkairita na tanong niya.

"May microphone naman doon, e. Dito kasi, wala," saad ko saka iniwas ang tingin nang mapamaang siya.

Para ba na hindi niya ine-expect na sasabihin ko 'yon.

"Talagang may sagot ka rin sa lahat, e, 'no?" aniya pa. Ipinuwesto niya ang sarili niya sa harap ng piano saka sinubukan magpatugtog. "Ulit! Ako magtutugtog, ikaw kakanta. Sabayan mo ang tono ko."

"Bakit ikaw ang tutugtog? 'Di ba solo competition 'yon? Eh 'di dapat ako ang gagawa niyan. May solo competition ba na iba ang magp-piano?" saad ko na parang ginagaya siya kanina.

Sharps Or FlatsWhere stories live. Discover now