Chapter 7

12 2 1
                                    

MORNING wasn't that good I guess. I barely could even get a sleep.

Due to some sleeping problems, “nakatulog” ako ng mga bandang alas dos ng madaling araw. I thought I'm having it and yet – nagising ako few minutes after closing my eyes kasi hindi magsawang mag-overthink ang isip ko. Paulit-ulit ang nangyari hanggang sa sumapit ang alas sais ng umaga.

Magmula noong nagp-practice na ako para sa competition, palaging maaga na ang gising ko, though late ang uwi kaya napagalitan.

Mga bandang 6:15 na nang maisipan kong kumilos. Sa mga oras na iyan kasi ako timing na dinapuan ng antok. Minadali ko na lang ang kilos ko dahil alas siete ang sinasabing oras kung saan magtitipon na kaming lahat para tulungan ako sa pagkanta.

Mga bandang 6:45 ay nakababa na rin ako galing sa kuwarto, hindi ko na naisip pang dumiretso sa dining room kasi wala na akong oras para kumain.

At isa pa, ayaw kong harapin si dad. Because of him and his pressuring aura.

"Good morning!" masiglang bati ni Eunice pagkapasok sa music room. Kahit pala saktong alas siete ako nakapasok ay hindi pa rin ako late, wala rin namang tao pagkarating ko rito.

"It's . . . it's not," bulong ko.

"Huh? What happened, girl? Bakit parang kulang ka sa tulog?" tanong ni Eunice. Naramdaman kong umupo ito sa tabi ko.

"Dad knew," tipid na sagot ko habang nanatiling nakapalumbaba.

"Ang alin?" clueless niyang tanong.

Yumuko ako at dinantay ang noo sa nakababang bisig sa desk.

"Uy, kausapin mo naman ako," sinimulan niya ng yugyugin ang balikat ko habang nakatungo ako. "ano ba ang nangyari? Broken ka ba or what? Girl, if I were you maghanap ka na ng bago, 'teh. Maraming mas pogi sa kung sino mang dahilan kung bakit ka nakabusangot sa umaga. Pero siyempre, bago ka mag-move on, i-chismis mo muna –– "

Pinutol ko ang pagsasalita ni Eunice. "Hindi ako broken!" Nag-angat ako ng tingin sa kaniya habang mahaba pa rin ang nguso.

"O, e, ano pala? Ano bang inaarte mo kasi? Ganda ka?" Umirap siya sa akin pagkatapos akong talakan.

"Nalaman na ni daddy ang tungkol sa competition,"

Unti-unting lumaki ang mata ni Eunice kasabay ng pagbuka ng kaniyang bibig. "Oh, my god!"

"Yeah, oh my god," walang gana na sagot ko.

"Is he happy about it?" tanong niya. "He is, right? Kasi, duh, he owns an agency that holds many famous singer and artist! Siyempre masaya siyang ang anak niya ay gusto rin ang ginagawa niya. Well, we all know that he's also a famous singer and known in some part of the world," mahabang dagdag niya.

"I don't know . . . " Ipinatong ko ang baba ko sa bisig na sinandalan ko ng noo kanina. "but I feel pressured. Can you blame me? Hindi ako nakatulog nang maayos kasi nga ganoon ang nangyari kahapon pagkauwi ko. Sa sobrang panic ko nadulas ako sa bagay na hindi ko naman dapat sinasabi sa kaniya,"

Tumayo siya sa kinauupuan saka kinalkal ang bag. Pagkatingin ko rito ay hawak niya na ang wallet sa kaliwang kamay. "Tara, magkape ka muna." Nakapamaywang ito habang nakatingin din sa akin.

Tamad na tamad akong tumayo mula sa pagkakaupo saka naunang maglakad papunta sa labas.

"Mabo-bore ka lang kahihintay rito, matagal pa sila Lamuel papasok. Mamaya pa ang mga iyon." Sinara niya ang pinto ng music room saka umangkla sa braso ko.

"Huh? Eh, sa kanila mismo nanggaling na alas siete ang kitaan dito?"

"Nagpaniwala ka naman?" Tinapik niya ako sa braso. "Girl, huwag magpaniwala sa mga sinasabi ng lalaki, ha. Baka mauto ka niyan, sige ka, ikaw rin."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 20, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Sharps Or FlatsWhere stories live. Discover now