Chapter 2

39 14 2
                                    


Love ruins everything.

'Yan na lang ang masasabi ko nang marinig ko ang lahat. Bakit kailangan pa na maging ganoon ang nangyari sa kanila? Hindi ba puwedeng happy ending na lang?

Sumandal ako sa puno na pinagtataguan ko saka tumitig sa kawalan. Pinipilit ko i-sink in ang lahat.

Ang sabi nila masaya raw ang ma-in love. Masaya raw ang magkaroon ng boyfriend. Pero bakit sa nakita ko parang hindi naman? 'Di ba? Kasi kung masaya raw, bakit kailangan pa na mag-break sila? I don't get it.

"I guess it depends naman kung paano ka humawak ng relasyon," bulong ko sa sarili ko habang nakatingin sa ulap.

Medyo makulimlim ito at maaaring maya-maya ay babagsak ang malalakas na ulan. Mukhang may nagbabadyang mangyari na hindi maganda. Mukhang nasaktan din ang ulap para sa inyo, Caleb. Kawawa ka naman.

"Tama ka. I guess it really depends." Napaayos ako nang pagkakatayo nang marinig ko ang pamilyar na boses. Bumilis ang tibok ng puso ko nang makilala ko kung kaninong boses 'yon. "You heard everything, right?" Nakaharap siya sa 'kin na parang walang nangyari.

Hindi nakatakas sa paningin ko ang mapula niyang ilong at mata. Gawa siguro ng pagiging crying lad niya kanina.

Inabot ko ang bulsa ng palda ko upang kunin ang panyo na dala ko. "Here,"

"Hmm?" Ngumiti siya sa 'kin. Pero hindi na abot tainga ang pagngiti niya. Halatang pilit na lang. "Salamat na lang," dagdag pa niya.

Ang dating masiyahin na Caleb ay hindi na magawang maging masaya ngayon. Oo, ngumingiti siya. Pero deep inside mararamdaman mo naman na hindi siya masaya. Lalo na kapag ikaw ang nakakita sa nangyari sa kanila. Nagsisimula na yata sa kaniya ang epekto ng break-up sa isang tao. At mukhang hindi ko gusto ang makikita ko sa susunod na araw.

"Can I?" tanong ko sa kaniya. Kumunot ang noo niya. Nagtatakha kung ano ang ibig ko sabihin. "Can I hug you? I know you need it."

Hindi 'to chansing, ha! Pero puwede naman. Pero hindi talaga. Half lang.

Kasi common sense naman, 'di ba? If you know, saw, or witness someone na mukhang miserable. Why not hug him or her? Para naman gumaan ang pakiramdam niya. And malaman niya na you're always there if they need to vent.

Alangan naman na tawanan ko siya kasi nasasaktan siya ngayon? Ano ako, abnormal?

"Comflirt," tipid na sabi niya.

Napabusangot ako. Medyo nakaka-offend. Sira ulo pala 'to! Siya na nga pinapagaan ang loob eh.

"If that's what you think it is," sabi ko na lang.

Sa sinabi pa lang niya na ganoon halatang ayaw niya magpayakap. Ano ba 'yan, Caleb! Yakap lang eh. Damot.

"No thanks. Kaya ko pa naman." Ginulo niya ang buhok ko saka ngumiti ng tipid. "Number 1 fan," dagdag pa niya.

Pakiramdam ko ay nawalan ako ng hininga nang sabihin niya 'yon. Nakatitig ako sa kaniya habang hindi makapaniwala na nanggaling 'yon sa kaniya. Alam niya pala na nage-exist ako? Akala ko hindi! Akala ko kilala niya lang ako bilang isang kapwa estudyante. Bilang fan din pala? Is this a blessing?

Ibubuka ko na sana ang bibig ko pero bigla siyang nagsalita. "Huwag mo na ipalabas ang lahat ng narinig mo." Namulsa na ito saka tumingin sa daan na tinahak ni Perry. "Baka sabihin fake news ka. Lalo na kapag nalaman mo bukas na kami pa rin."

'Yon na ang huli niyang sinabi bago maglakad palayo. Malungkot na pinanood ko ang bulto ng katawan niya. Nagsimula na rin bumagsak ang malalakas na patak ng ulan.

Sharps Or FlatsWhere stories live. Discover now