Chappy 10 ~ Unexpected

146 7 0
                                    

Alex's POV

"I love you, Alexandra."

Napatingin ako kay V. Seryoso ba siya? My ghad! Baka mamaya pasikreto na pala akong pinagpapantasyahan nito, eh kapatid pa naman ang turing ko sa kanya.

Tumingin ako sa pagkain ko at nagsalita, "Kuya, tapos na ang palabas, kumain ka na, gutom lang yan,"

Binawasan ko ang coke float. Nakaka uhaw, halos maubusan ako ng laway dun sa mga haliparot na yon. Landiin daw ba si Kuya V?

"I just had the courage a while ago, mahal kita, Alex, and the..."

Tumingin ako sa kanya, sinusubukan kong alisin ang ilang na nararamdaman ko. Aba, kahit naman sanay na kong makipaglaro, iba pa rin ang sitwasyon ngayon dahil si Kuya V to, kung ibang tao lang to, edi sana kanina ko pa to nilandi diba?

Para akong sasabog ng inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. His face is just inches away from mine. I think two or three. Napalunok ako ng bumaba ang tingin niya sa labi ko at.. at..

"...the way you whispered into my ear is just so irresistable and sexy.."

He said in a husky and sexy manner..Iniwas ko ang tingin ko pero.. matutunaw yata ako sa mga tingin na ibinibigay niya sa akin.. mas mapula pa yata ang mukha ko kesa sa kamatis ngayon.. Jusko, sinasapian yata tong gagong to. =__=

Napatingin uli ako sa kanya at nakita kong kinagat niya ang lower lip niya.

Afdksssdd! Nasabi ko na bang gwapo tong si V? Ngayon ko lang narealize. =__= Ang tangos ng ilong, ang pula ng labi, parang ang sarap.. afsjslala! Ano ba, Alex! Kuya mo yan!

Ang awkward ng posisyon namin ngayon, yung left arm niya naka lagay sa likod ko, at yung right naman nasa table, for short, nakakulong ako sa mga braso niya. Ba't ba kasi dito kami sa couch type na chair pumwesto, wala tuloy akong matakbuhan. =__=

Bumalik ang tingin niya sa mga mata ko.

Ang daming emosyon ng mga mata niya.. hindi ko mabasa..

"...masyado mo kong binitin sa halik mo kanina sa pisngi ko.."

Napunta nanaman ang tingin niya sa labi ko. Gash, natetempt ako, baka mahalikan ko to ng di oras eh!  >o<

No, Alex, no. Just no. Hell no.

"...I want to.."

Napalunok naman ako..

"...know how you taste right now, Alex.. I want to kiss you.."

GO! No need to ask my permission!

JOKE LANG!!! No! No! No! I'm mentally shaking my head.

Nakitingin lang ako sa kanyang mga mata na parang.. hindi ko maipaliwanag.. na nakatingin pa rin sa labi ko..

Unti-unting lumapit ang mukha niya..

Pumikit nalang ako. Oh my, mali to, magkaibigan kami for Pete's sake! Pero.. pero bahala na si Batman..

2 seconds..

Wala pa..

4 seconds..

Ramdam ko na ang hininga niya..

6 seconds..

Isang click ng camera ang narinig ko..

7 seconds..

Iminulat ko ang mga mata ko at isang halos mamatay na sa kakatawang V ang nakita ko.

The Player's GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon