Chappy 8 ~ The Monster and the Nerd

164 7 0
                                    

Alex's POV

Kumakain kami ngayon ni Panget. Ni hindi ako makatingin ng maayos sa mata niya. Pano ba naman kasi, pulang pula ang kamay niyang iginapos ko kanina. Kitang-kita ko yun habang sumusubo siya. Nakakahiya. TT_TT

Buti nalang hindi niya na hinintay na sagutin ko yung tanong niya at hiniling lang niyang pakawalan ko na siya dahil gutom na gutom na daw siya. Agad naman akong nag-order ng sandamakmak ng pagkain.

Tumayo siya pero naupo uli, hala!

"O-oy, a-ayos ka lang?"

My gherd, di ako sanay ng ganito. -.-

Ngumiti siya sa akin at tumango, tumayo ulit siya pero muntik na namang matumba, nakahawak siya sa upuan bilang suporta. Napatakbo naman ako sa kanya.

"Oy, anong problema?"

Hirap na hirap niyang inabot ang kamay ko na inilalayo ko ng husto, ew, germs kaya.

"A-alex, d-dumidilim ang paningin ko.."

At ayun, bumagsak na siya sa sahig.

Diring-diri man ako, binuhat ko siya at inihiga sa sofa.

Naramdaman ko kung gaano kainit ang temperatura ng katawan niya..

Kumuha ako ng digital thermometer at iniligay ito sa tenga niya.

41°C ?!

Ang taas na pala ng lagnat niya.

Kumuha ako ng bimpo at malamig na tubig. Tama namang malamig diba? Para hindi na siya uminit. Ito kasi yung nakikita ko sa mga drama sa tv. Sana lang tama tong ginagawa ko. =__=

Ipinatong ko ang basang bimpo sa noo niya.

After a few minutes..

Hindi pa rin bumababa ang lagnat niya.

Kinuha ko ang isang tray ng ice sa freezer.

Inilagay ko ito lahat ng yelo sa isang towel at binilot na parang polvoron at ipinatong ko na ito sa ulo ni Panget. Kinuha ko ang macbook ko at nagsearch kung anong gagawin sa mga taong may lagnat.

-Wipe the patient's body with towel soaked in warm water.

H-ha? So, huhubarin ko?! Ew! Wag na! Baka mamaya mandiri pa ko at maisuka ko lahat ng kinain ko kanina. =__=

Pero.. baka kung anong mangyari dito.. ako pa mapapasama diba?

Tiningnan ko siya, mula ulo hanggang paa. Mula sa buhok niyang parang dinilaan ng baka sa sobrang kintab, sa mukha niyang pati ang multo ay matatakot, sa polo niyang puti na nakabutones hanggang leeg, hindi ba siya nasasakal? May suspender pa! Hanggang sa slacks niyang itim at sapatos na leather at napakakintab. Nasabi ko nalang sa sariling kong...

Isa siyang dakilang baduy kung manamit na panget na nerd. =__=

Inumpisahan ko ng tanggalin sa pagkakabutones ang damit niya. Nasa ikalawang butones palang ako ng biglang niyang hawakan ang kamay ko at nagsalita, "Ang lamig.. alisin mo yung yelo.."

Agad ko namang tinanggal ang bimpo na may yelo sa loob na nakapatong sa noo niya. Nakita kong inayos niya ang polo niya at tinakpan ang bahagi ng dibdib niyang exposed na dahil sa pagkaka-unbutton ng polo niya.

Arte. Siya nalang ba ang pagsasamantalahan ko?! Asa siya no!

Hinayaan ko nalang siya sa ganoong posisyon at dumiretso na ko sa kwarto ko. Inaantok na rin ako. Makatulog na nga lang.

The Player's GameWhere stories live. Discover now