Chappy 22 ~ His Life, Her Sacrifice

139 5 0
                                    

Alex's POV

Hawak hawak ko si Vince at nakaupo kami si backseat ng kotse ni Dos. Masyado nang maputla si V at maraming dugo na ang nawala sa katawan niya.

"Dos, can you drive faster?"

Nakita ko sa rear view mirror ang pagkunot ng noo niya.

"Excuse me, Go, let me remind you that you're in MY car, don't be so demanding,"

Hindi na ako makapag-isip ng maayos. Masyado akong kinakabahan sa kalagayan ni V. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko at ang lamig ng pawis ko. At nararamdaman ko nanaman ang sensasyon na parang sinusunog ang laman ko.

"FCK YOU, STEPHEN! DRIVE FASTER! Kung ayaw mong tumiwalag ako sa mafia at mabulgar ang baho niyong mga Sandoval!"

Hindi na ako nakapag-pigil. Hindi ko kasi pwedeng tawagan si Sebastian, kumukulo ang dugo ko just by the sound of his name. Naaalala ko ang kagaguhang ginawa niya sa katawan ko. Galit din ako kay Stephen dahil isa siya sa mga nageksperimento sa akin pero wala akong ibang choice. Mamatay si V kapag hindi kami agad nakalabas sa lumang gusaling yon, idagdag mo pa na pareho kami may sugat sa tagiliran at wala na akong ibang kapit kundi siya. At nakakagalit ang ideyang 'yon.

Nagdala si Stephen ng sampung mafia reaper sa lugar na yun at napatumba nila ang mga tauhan ni Ella.

Ngumiti siya ng nakakaloko, "I doubt if you can do that. You know the consequences, right?"

Napapikit ako sa sobrang inis at galit na nararamdaman ko. Galit dahil kapag ang mga Sandoval na ang kaharap ko, nagiging isang tuta ako na sumusunod lang sa mga utos nila. Wala akong magawa para kontrahin ang mga kagustuhan nila dahil hawak nila ang buhay namin ni Vince.

Pagdilat ko ng mga mata ko, nakatingin pala sa akin si Stephen sa salamin at nang titigan ko rin siya, medyo nagulat siya pero tumawa ng malakas.

"My brother is always a weakling.."

Brother? Si Sebastian ba? Paanong magiging weakling 'yon ang halang nga ng kaluluwa?

"..but it got worst this time.."

~~~~

Nandito kami sa underground laboratory ng mga Sandoval. Labag man sa kalooban ko ay wala nanaman akong nagawa. Dito kami dinala ni Dos para gamutin si Vince, hindi kami pwede sa ospital, baka mahuli daw siya. Anak ng pagong, PUMAPASOK NGA SIYA SA ESKWELAHAN! Tapos ospital ayaw niyang puntahan?

Nandito ang private doctors ng mga Sandoval. Magagaling sila, I have no doubt with their expertice. Kaya alam kong magiging maayos din ang kalagayan ni Vince.

Habang ginagamot ang sugat ni V ay nakatitig lang ako, lumabas ang isang babaeng doktor at nilapitan ako.

"Vince is in a critical condition, napuruhan ng husto ang left kidney niya and he lost too much blood."

Nilalamig ako. Masyadong magulo ang utak ko at hindi ako makapag-isip ng maayos. Anong gagawin ko? Kailangan ko bang ibigay ang dugo ko? O kailangan kong ibigay ang sarili kong kidney para lang maging maayos siya?

"W-what should we do?" Nangingig kong tanong.

"We need a blood donor, as soon as possible. Vince's blood type is AB+."

AB+? Type A+ ako. Hindi kami match. At isa pa.. kung match man kami, nalagyan na nila ng droga ang katawan ko, for sure, nakahalo na yun sa dugo ko. Hindi ako pwedeng maging donor.

"H-how about his kidney?"

"He can survive, we'll do everything that we can to treat his kidney. But as for now, we need a compatible blood donor."

The Player's GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon