Chapter 30 ~ Nursing Him and Teaching Her

67 3 0
                                    

V's POV

Itim..

Puro itim..

Nasa impyerno ba ko?

Hala! Di pwede! Baka magkaroon ng isang malaking baha! Maraming iiyak!

Daya naman, umimom lang naman ako ng dalawang shots ng tequila, deds na agad ako?

*toot - toot - toot*

Ano yun? Manok ni San Pedro? Ang weird naman ng tunog. Baka naman kakaiba talaga ang tunog ng mga hayop dito? Eh sandali, diba nasa heaven si San Pedro? Pero teka..

Isipin niyo, oink oink na ang sinasabi ng aso, arf arf na sa daga at meow meow sa baboy.. wow! Astig!

Try ko kayang magsalita, baka nag-iba na rin boses ko.

Bakit ganito? Walang lumalabas na boses? Sinubukan ko uli. Wala talaga.

Ang dilim naman. Humiga ako sa sahig at pumikit.

Pagmulat ko, hala.. naging puti? Ayos! Pikit ulit ako.

Black nanaman! Isa pa, pikit uli. Puti! Dito nalang ako sa puti, di ulit ako pipikit.

Unti-unting lumilinaw yung paningin ko. Babae. May babae.

"Kuya, ayos ka lang ba? May masakit ba sayo?" Ah, si Alex.

"Hmm. Ayos lang ako." Hala! May boses na ulit ako! Yehey! Naalala ko yung nangyari bago ako mawalan ng malay. Hirap na hirap ako sa paghinga.

Tatayo sana si Alex pero pinigilan ko siya. I don't want her to go. Baka maulit yung kanina.

"Pero Kuya, sanda--" inunahan ko na siya, "Please.."

Parang nagdalawang-isip pa siya nung una pero umupo din naman siya.

"Ehem, ehem, andito kami, V," napansin kong nagsalita si Yoongi. Oh, andito pala tong mga to?

"Ah, hehehe, mauuna na muna ako, hinahanap na ako ni Alyana. Pagaling ka dude, aylabyu," sabi ni Jimin bago kumaripas ng takbo. Buti naman parang unti-unti nang tumitino yang si Pandak.

"Oh, kayong apat, anong plano niyo sa buhay?" Tanong ko kina Namjoon, Jin, Yoongi at Hoseok na nakaupo sa couch. Nakadekwatro pa sila a.

"We're going to stay, it's our fault anyway."

"Hindi niyo naman kasalanan, it was my choice." Tumingin naman si Namjoon kay Alex.

"See?" Sumimangot lang si Alex at inirapan siya. Oh, what's going on?

Napansin kong kanina pa tingin ng tingin si Alex sa phone niya. Para siyang nag-aalala na hindi ko maintindihan.

Hinawakan ko ng mahigpit ang kaliwang kamay niya. Napatingin naman siya sa akin.

"Bakit kuya? May masakit ba? Ano?"

Ngumiti ako sa kanya at umiling.

I feel like a burden to her. I know she's worried about something else.. yes, she's here beside me.. yet I don't feel her complete presence...

Alex's POV

Nakatulog na rin si Kuya. Nag-aalala rin naman ako sa kanya, syempre. Lalo pa't may sugat siya sa tagiliran na hindi pa gumagaling.

Pero di mo maalis sa akin ang pag-aalala kay Ashton..

Nakahawak lang sa kamay ko si Kuya. Ano ba talaga nangyari sa kanya at parang takot na takot siyang maiwan?

The Player's GameDonde viven las historias. Descúbrelo ahora