Chapter 37 ~ After Effect

82 3 0
                                    

V's POV

Hindi ko inaasahan ang pagsampal na yun galing kay Alex.

Because of that slap, my head started aching.

Nakikita ko ang sarili ko na nasa tubig dagat. Nakalapat ang labi ko sa labi ng isang babaeng hindi malinaw ang mukha.

"Gago ka talaga, Vince."

"Kain na tayo, Kuya."

Yan ang mga salitang binitawan nung babae.

Biglang nawala ang pangyayaring yun sa utak ko.

Pero ang sumunod na nakita ko ay mas nakapagpagulo sa isip ko.

Sa parteng to..

"I love you, Alexandra."

..malinaw kong nakikita ang sarili ko at ang mukha ng isang Alexandra Go.

------
Alex's POV

Pinili kong matulog nalang kaysa makita si V. Pumasok na siya ngayong araw at magkatabi kami ng upuan kaya hindi ako kumportable. Idagdag mo pa na panay ang tingin niya sa akin habang nagtuturo si Mrs. Fuentes.

Tumunog na ang bell at lunch break na namin. Tumayo ako at nag-ayos ng gamit.

"Alex, pwe--"

Hindi ko pinatapos si V ng makita ko si Ashton sa pinto na nakasandal and as usual, pinagkakaguluhan ng mga babae.

Nilapitan ko si Ashton habang nakangiti at parang walang narinig.

"Let's go?" Tumango si Ashton pero napansin kong nakaharang sa daan yung mga fangirls niya.

"Tabi."

Nawala ang ngiti ng mga uod at unti-unting tumabi. Inakbayan ako nitong katabi ko. Chansing, yo.

"You're the best, babe." Malakas ang pagkakasabi ni Ashton at nagsimulang magbulungan ang mga nakarinig sa kanya.

Babe? Naaalala ko yung baboy ni V. -___-

"Hoy, hindi ako baboy," bulong ko kay
Ashton.

"You eat like one," bulong niya din.

Hindi kaya! Minsan lang naman eh. -3-

Napunta kami sa cafeteria at nakisabay sa SC Officers.

"Oy, kayo na?" -Angel

"Kelan lang?" -Jessica

"May first kiss na ba?" -Kim

Amfufu. Na-hotseat nanaman ako ng mga unggoy. Buti nalang at nasa counter si Ashton.

"Hoy! May atraso pa kayo sa kin!" Bulalas ko.

"Ganun tayo eh, umiiwas e." -Kate

Nakangiting aso silang lahat. At dahil sadyang matalino ako, I have a brilliant idea!

"Kami ni Ashton ay..." Pagsisimula ko. Natahimik sila at seryosong nakatingin sa akin.

"To be continued, may ipapagawa muna ako sa inyo bago ako magkwento." Nakangiti kong sabi. Kala niyo ha. Nadismaya naman silang lahat. Mwahaha!

"Ano ba yun?" Bored na tanong ni Peniel.

"Bilhan niyo ko ng cellphone," pahayag ko at kumunot ang noo ni Shamma.

"And why?" -Shamma

"Sira na yung iPhone ko." Sagot ko naman. Ayos, mukhang makakalibre pa yata ako neto. Mwahaha! 30, 000 rin ang matitipid ko no!

The Player's GameWhere stories live. Discover now