Chapter 38 ~ What a Day

78 3 0
                                    

V's POV

"Napakagago mo. Hindi ko alam na kaya mo kong bastusin ng ganun, Vince," sabi ni Alex.

I remember everything about her now. Kanina pa ako nagsosorry sa kanya. Lumuhod pa nga ako sa harap ng maraming tao.

Nakakahiya. -3-

Kasalanan ko rin naman e. Hinila niya ako papunta dito sa rooftop para mag-usap.

Nung nagtitigan kasi kami kanina, isa-isang bumalik ang mga alaala naming dalawa.

"Sorry, Alex."

Tumingin siya sa akin. At bigla niya akong dinambahan. As in niyakap niya ako at ipinulupot ang mga paa niya sa katawan ko. Piningot niya rin ang kaliwa kong tenga.

"A-aw."

A-aray.. Nakalimutan niyang hindi pa magaling yung sugat ko.

"Namiss kita Kuya! Sobra! Sira ulo ka, sayo na nga first kiss ko, pati second kiss ko sayo rin napunta! Baka magselos si Ashton niyan!"

[A/N: Kung alam mo lang, Alex. ;)]

Oo nga pala, grabe rin yung paghalik ko sa kanya kagabi. Nakakaguilty.

"Ah, eh, Alex, y-yung sugat ko."

Sa halip na bumaba, mas hinigpitan niya pa ang pagkapit sa akin. Well, pagaling narin naman ang sugat ko.

"Bahala ka, lakas nga ng loob mong makipagbugbugan kahapon e, tapos ngayon, aangal-angal ka."

Napangiti ako. How I love this stubborn girl.

"Pero kuya, seryoso, halos mabaliw ako nung muntik ka ng mawala sa akin."

Niyakap ko siya pabalik. Paano ba naman kasi, nakaasa lang palagi sa akin. Yan tuloy. Baka nga tumanda pa akong binata dahil sa kanya. Kailangan niya ng babysitter eh.

Bumitaw na siya sa akin at tumayo ng maayos.

"Alam mo rin ba, ang landi-landi mo na, kung sino-sinong babae nalang nilalapitan mo. May nakahalikan ka pang ibang babae! Ang arte arte mo pa naman. Nawala na yata pagiging vain mo. Nakakapanibago."

Now that I thought about it, oo nga. Nakakadiri. Dami pa namang higad sa tabi ko kagabi. Yung isang babae, ang baho ng pabango, ew. Tapos yung isa naman, jusko, papatayin yata ako sa sobrang baho ng hininga niya. Ang pula pa man din ng labi.

Yung nakahalikan ko rin na lips to lips, amfufu, lasang panis yung laway niya. Ew. Yuck. Gross. *vomits*

Nakita ko kasing nakatingin sa akin si Alex kagabi kaya dala na rin ng pagkagusto kong inisin siya, nagawa ko ang nakakapanindig-balahibong pagkakamali ko.

Shet, I feel so molested.

"Buti nga at lasang mint ka kagabi, ka--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil binatukan na niya ako.

"Pasalamat ka at magkaibigan tayong hayop ka."

"Hoy! Nakabawi ka na kaya! Kawawa nga yung mu--" hindi niya nanaman po ako pinatapos at tinakpan niya ang bibig ko.

"Oo na, alam ko naman yun, ang bastos mo talaga."

O.o? Anong bastos sa sinabi ko? Ang sasabihin ko lang naman ay kawawa yung mukha ko, nakadalawang sampal galing kay Alex. Left and right pa.

"Hindi ko alam kung paano ako babawi sayo, Alex."

Tumingin siya sa akin at ngumiti.

"Dalawang bagay lang ang gusto ko kuya."

The Player's GameWhere stories live. Discover now