Chappy 26 ~ Falling Further

78 3 0
                                    

Alex's POV

Mamaya na ang battle of the bands. Ang pagkakaalam ko kasi, intermission number yung gagawin nila V para mas ganahan yung contestants. Well, magaling DAW kasi ang banda nila.

Nandito ako ngayon sa SC Office. Hindi ako tinantanan ng Mirroar. Panay ang tanong nila kung ano raw ba talaga ang nangyari sa akin, bakit daw ako parang wala lagi sa sarili lately.

"Oy, babae, anong ginawa mo kay Vince? Bakit siya nawala ng isang buwan?" -Kim

Natahimik naman ako, napatingin ako kay Peniel pero patuloy parin siya sa pagbabasa ng 100 Ways to be a Good Leader. Naks naman, kinacareer ang pagiging bise presidente.

"Malay ko dun sa Kuya ko, baka nagpuntang Batanggas kasama yung flavor of the month niya."

Napangisi naman si Pens at tumingin sa akin, umiling-iling pa. Psh.

"Talaga, Alex?" -Peniel

Sinamaan ko siya ng tingin. Epal. Ipagpagpatuloy niya nalang ang pagbabasa. -___-

"Stop asking me questions, guys, Ililibre ko nalang kayo," sabi ko para matapos na tong tanungan session na to.
"Yun 'yon eh! Sinsusuhulan tayo guys!" -Jessica

Nagtawanan naman sila. Ang saya nila ha. -..- Papetiks petiks nalang ang mga unggoy, pano ba naman kasi, sa akin ipinasa lahat ng natitira nilang trabaho. Dapat lang daw sa akin yun para makabawi ako sa kanila. Tss. Whatever.

"Suhol man yan o ano, sasama ako! Lafang na pinag-uusapan e! -Angel

Yan, maganda yan, Angel, kaya buddy kita e. Lagi mo kong sinusuportahan.

"Mukha ka talagang pagkain!" -Peniel

"Shut up, you look like a lechon baboy kaya," -Angel

"So you think that's funny? Do you see me laughing my ass off?" -Peniel

Hala, nagkakainitan na yung dalawa.

"Hoy, tumigil na nga kayo, tara na at ililibre ko na kayo para mahimasmasan naman yang brain cells niyo, nago-overheat na yata," saway ko sa kanila. Lalabas na sana kami ng pinto ng biglang pumasok si Ashton. My gally, ang tagal ko rin siyang hindi natitigan ng ganito.

"Hi Papa Ashton! Wanna join us?" -Angel

Ahahahay! Labs na talaga kita, Angel! Napatingin naman sa akin si Ashton. Dumiretso siya sa table niya at umupo.

"I'm kinda busy right now." Sagot niya habang naghahalungkat ng papeles dun sa lamesa niya. Anebeyen. Pero ayos lang, mabuti na yung masipag siyang magtrabaho. Hehehe.

"Ay, so sayang naman, it's Alex's treat pa naman. Bye Papa--" -Angel

Natigil siya sa pagsasalita ng sikuhin siya ni Kate.

"Okay, fine! Bye Ashton!"

Nakatitig parin ako kay Ashton. Bakit ba ang gwapo ng nilalang na to?

"Enjoying the view?" Sabi niya ng hindi pa rin nakatingin sa akin. Hala, nakakahiya. Wala na rin dito ang Mirroar, iniwan ako. -.-

"Ay, ano, s-sorry. Bye bye." Bakit ba ko nauutal? Lalabas na sana ako ng makita ko si Ashton na.. ngumiti?! Errrrrr! Hindi ko na talaga kaya. Lumabas na ako at hinanap si Karen. Kailangan kong mailabas to, sasabog na yata ang puso ko. Itinext nila ako at nasa car par na daw sila.

Kotse ni Peniel at Shamma ang gamit namin, hindi naman kami magkakasyang walo sa iisang kotse lang diba? Kay Shamma ako nakasakay, kasama ko sina Angel at Karen.

The Player's GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon