Chapter 42 ~ His Other Side

85 3 0
                                    

Alex’s POV

“Go, pinapasabi ni Dos na kailangan mong iligpit pansamantala yung Ashton Greene. Kapag hindi mo raw nagawa, alam mo na ang mangyayari.”  

Naitapon ko ang cellphone na hawak ko. I can’t do that to Ashton! Sa kahit sino! Ngayong alam ko na kung anong epekto nung potion sa taong makakainom nito.

Agad kong pinuntahan si Ashton at niyakap. Hindi pa rin nawawala ang guilt ko dahil sa nangyari sa kapatid niya.

Pero ngayon, takot at pangamba ang nangingibabaw sa akin. Alam kong kaya nilang patumbahin si Ashton, anytime. Bakit ba ang mga Greene ang tinitira nila Dos? Ano bang nangyayari?

Parang mauubusan ako ng hangin ng yakapin ako pabalik ni Ashton. Ang higpit ng pagkakayakap niya. At hinigpitan ko rin yung akin.

Ibinaon niya ang mukha niya sa leeg at balikat ko. Ramdam ko ang luha niyang tumutulo. Naiyak na rin ako. Ayokong mawala siya sa tabi ko. Magkayakap lang kami. Parehong umiiyak. Pero magkaiba ang dahilan.

I feel comfortable with his embrace.

Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin. He smiled. How I love that smile.

Gusto kong takbuhan ang lahat ng to. Ayoko na. Pagod na pagod na ko.

Hinawakan niya ang kamay ko.

“Take me with you,” pabulong kong sabi. Ayokong mawala siya sa pangingin ko. Natatakot akong baka bigla nalang siyang mawala sa akin. He squeezed my hand.

“Should I?” I nodded. Mas lumapad ang ngiti niya sa akin. Pumunta kami sa parking lot. Habang nagmamaneho siya, nakahawak parin ang kanan niyang kamay sa kaliwa ko.

Kahit papano, nakakahinga ako ng maluwag. Nawala ang takot na nararamdaman ko kani-kanina lang.

Masaya ako. Feeling ko, dahil sa ginagawa niya, para ko siyang jowa. Well, walang pinipiling oras ang pag-iilusyon ko. Wag na kayong magtaka.

Nakarating kami sa Tagaytay. Resthouse yata tong pinuntahan namin.

Holding hands while walking kami. Ayos lang, wala namang nakakakita.

Ang ganda dito, merong beach.

Hinarap ako ni Ashton.

“Remember what you said to me last time?” Hmm? Ang daming kong sinasabi sa kanya, alin doon?

“I..” Tahimik lang akong nakikinig sa kanya.

“I want you to be my girl.” Sinimangutan ko siya.

Wala ka naman sigurong fangirls dito diba? So why bother?” Grabe naman, hindi naman siguro siya dudumugin ng mga isda dito diba?

“For real.”

“…’

“You can’t say no, I’m not giving you any options.”

“…’

“Hey, say something!”

“…”

“Why are you just staring at me? Am I that handsome?”

“…”

“Argh! This is my second time confessing yet I’m still bad at it!”

“Ha? May iba ka pa palang crush?”

“Atlast, you spoke!”

Pasensya naman ha, buffering yung utak ko. Nag-lag yata. Pero hindi naman siguro ako nabibingi diba?

“Sagutin mo ko.” He smirked.

“Wala ka nga yatang natatandaan sa mga nangyari nung panahong yun. That was so gay.” Anong pinagsasabi nito? Di ko magets. Magtatanong pa sana ako pero inakbayan niya ako at pumasok na kami sa loob ng resthouse.

Tinanong ko siya kung kanino to and wow, sa kanya raw. Sabagay, siya ba naman ang tumira sa isang malaking mansyon diba?

Gumaan ang pakiramdam ko dahil kasama ko siya ngayon. Malayo kami sa kahit anong kapahamakan. Well, medyo lang naman.

Hindi man ako sigurado dati sa nararamdaman ko sa kanya, ngayon nagiging malinaw na.

Umupo kami sa sofa pero nakapulupot parin yung mabigat niyang kamay sa balikat ko.

“Let’s sleep, babe.” Babe? Babe nanaman? Hindi nga sabi ako baboy!

“I’m not a pig,” matigas kong sabi sa kanya. At isa pa, gasgas na kaya ang endearment na yan. Ayokong may tawagan kami, ayos naman na yung pangalan lang naming ang tawag naming sa isa’t-isa diba?

Inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko.

“You’re sayin’ something?” Nanlaki ang mata ko at agad na umiling. He smirked. Peste. Ayokong mahalikan no!

Pansin niyo ba sa storyang to, dalawang beses na kong nahahalikan? My gosh, ilang libong mikrobyo na napupunta sa akin. -.-

I somehow felt at ease because of his presence. Agad rin naman akong nakatulog.

-----

Nandito ako sa kusina ni Ashton at siya? Ayun, nakayakap lang sa kin mula sa likod. Gusto kong magluto.

Naggagayat ako ng gulay pero hindi makapagconcentrate dahil nakikiliti ako dun sa baba niya! Siniko ko siya at nilubayan niya ako.

Pero agad din siyang yumakap uli.

Lalagyan ko na sana ng oil yung pan pero pinigilan niya yung kamay ko sa pagkuha ng oil.

“You don’t use olive oil when sautéing,” bulong niya at jusko naman. Nakikiliti ako. Punyemas.

Hindi ko siya malingon-lingon dahil takot akong mahalikan siya.

Nang mailagay ko na yung bawang at sibuyas, agad akong napatalon dahil tumalsik kung saan-saan yung mantika.

“Babe, kinukulang yata ako sa hangin,” mahina niyang sabi. Agad akong napaharap sa kanya. Wrong move. -.- Pasimple ko siyang itinulak palayo at tinanong kung bakit siya hirap sa paghinga.

“I feel so breathless when I’m with you.” 0.0?

Literal na nagsi-tindigan ang balahibo ko sa katawan ng marinig ko yun. Jusmiyo. Ang corny niya. Nakakapanlumo.

He hugged me again then he chuckled.

“Wag kang ganyan, can’t you just pretend na kinilig ka kahit papano?” Nandidiri ako. Anong magagawa ko?

“Ashton, yung kapatid mo nga pala, he’ll be fine, right?” Nag-aalala kong tanong.

“Yeah, I know he will.” Kahit papano ay nabawasan ang pag-aalala ko dun sa bata.

“Ako na ang magluluto. You may end up burning my kitchen.” Sabi niya at saka siya kumalas sa pagkakayakap sa akin.

Hay Ashton, I never expected this sweet side of yours. 

The Player's GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon