"Kanina kapa nakatingin sa akin"sabay simangot ni Keven "naiilang ako"

"Naglalaway siguro si Liam sa iyo Keven"sambit naman ni Felix,nagkatinginan muna kami nila Alex at Liam bago tumingin sa kanya.

"A-anong sinasabi mo?"natatarantang sabi ni Liam.

"nice joke"natatawang sabi ni Alex pero alam kong pilit lang iyon.

"Oo nga nice joke"pag sangayon ko pa sa sinabi ni Alex.

"Alam mo naman yun diba Keven?"sabi ni Felix sabay tingin kay keven,lumawak naman ang ngiti ni Keven.

"Wag na kayong mag patay malisya,alam naming dalawa ni Felis na bakla si Liam"saad nito.

Bigla ulit kaming nagkatinginan nila Alex at Liam para malaman kung sinong nagsabi ngunit wala sa amin ang nagsabi.

"Namumutla kayo Hahaha"natatawang sabi ni Felix.

"Kung nagtataka kayo kung paano naminng nalaman dahil yun kay Liam mismo"-keven.

"Sa akin?"tinuro pa nito ang sarili nya.

"Sa kilos mo"tipid na sagot ni Keven."don't worry hindi naman ako galit sa bakla eh"

"Wag kang mag-alala pwede pa din tayong maging friends"naka ngiting sabi ni felix

Parang binunutan si Liam ng tinik at bigla nalang ngumiti ng malawak abot tenga.

"Yun naman pala eh!,no need to hide!,pak!"masayang sabi nito.

Nagkwentohan kami ng kung ano-ano,naging topic din namin si Liam,at kumain,pagtapos naming kumain ay nagkayayaan kaming pumunta sa basketball gym.

"Watch us!"naka ngiwing sabi ni Keven habang pinapatalbog ang bola.

Nandito na kami ngayun sa gym,nakaupo kaming tatlo nila Alex at Liam habang sila Keven at Felix ay maglalaro,Kung naaalala nyo noon,napanood ko si Keven na maglaro ng basketball noong hindi pa kami ni Mark.

"GO!"kinikilig na banggit ni Liam sa dalawa.

Kahit practice lang ay hindi mo maiiwasang hindi mapahanga at mapawow kapag naglalaro na sila,si Keven at Felix ay magkakampi,may kalaban sila na ibang studyante.

"Cheer mo naman si Felix,Alex"sabi ni Liam.

"Huh para saan?"nagtatakang sabi ni Alex.

"Wala lang,basta i-cheer mo nalang!"agad naman yung ginawa ni Alex,panay nga ang erap nya kay Felix habang chinicheer nya ito.

"Ikaw Zian hindi mo ba ichecheer si Keven?"

"Si Mark lang ang pwede kong icheer"

"Gurl!...wala dito si Mark,si Keven ang naglalaro hindi si Mark kaya icheer mo na si Keven"

"Fine"sabay erap ko kay gaga.

"Kunwari kapa eh!,ang haba talaga ng hair mo!"at tumutok nalang sa paglalaro.

Chineer ko si Keven,ganun din ang ginagawa ni Alex kay Felix,nagkapustahan pa nga kaming tatlo nila Alex at Liam kung sino ang mananalo.

Bawat shoot nila Keven at Felix ay binibilang naming dalawa ni Alex dahil may pustahan kami,kung sino ang pinaka madaming points or shoot sa dalawa ay iyon ang panalo,maya-maya lang ay natapos na din silang maglaro at si Felix ang may mas malaking points kaya panalo si Alex.

"Ang baba ng points mo,sayang tuloy pusta ko!"reklamo ko.

"Hahaha next time gagalingan ko na,hindi mo kase sinabing may pustahan pala kayo edi sana ginalingan ko para sayo"sabad ni Keven.

Pretty Nerd & Casanova PrinceWhere stories live. Discover now