KABANATA 20

18 3 0
                                    


                                  Dirby POV

"ANONG GINAGAWA MO DITO?" nagtatakang tanong ni VICTORIA saakin na ngayoy nakatayo sa harapan ko.

Ngek?Bat umuulan ngayon?

"May problema kaba?" Saad nya saka umupo sa tabi ko.

Pero taka parin akong napatingin sakanya.

"Oh hindi mo nanaman sinasagot ang tanong ko" nakangiting saad niya.

Pero wala tulala parin ako sa nakikita ko ngayon.

Ang buhok niya laging nakalugay ngayon ay nakatirintas na.

Wow mas lalo siyang gumanda ngayon.

"Ahh eto ba?.." tanong niya saka hinawakan ang buhok niya at nilaro.

"Hihihi sinubukan ko kung babagay saakin at oo bumagay nga.." matamis ang ngiti nyang pagkakasabi.

At ako?Eto parang tangang nakatingin parin sakanya.

Ano ba Dirby speak up!

"Ahh-hehehe bat ka nga pala nandito?" Kunwaring tawa ko habang tinatanong siya saka ko iniwas ang paningin ko sakanya.

"Hmm?Kasi mukhang may pinagdadaanan ang mahalagang lalaki sa buhay ko" gulat naman akong napatingin sakanya pero binigyan nya lang ako isang malawak na ngiti.

"Victoria.." mahinang usal ko habang nakatingin parin sakanya.

"Mmm?Sige lang magsalita kalang at makikinig ako" nakangiti paring saad niya.

"Kanina kasi sa sayawan nagtapat saakin si Jessa.." mahinang sabi ko.

"Ohh?Ano namang pinagtapat nya sayo?" Para siyang imbestigador sa tono ng pagtatanong niya at gusto ko namang matawa.

"Gusto nya daw ako.." pahina ng pahina kong sabi.

"Ohh?" Bored na tanong nya na.

"Pero sabi ko hindi ko siya gusto dahil may iba na akong gusto" natatawang ani ko at gulat naman itong napatingin saakin.

"Sino naman?" Takang tanong niya dahilan para mas lalong lumawak ang ngiti ko.

"Pero nakiusap siya na kung pwede daw ay siya nalang.." kwento ko ng hindi parin sinasagot ang tanong niya.

"Sinong pinili mo?" Nakangising tanong niya.

"Sinabi ko ulit sakanya na meron na akong ibang nagugustuhan tapos tinanong niya kung bakit hindi nalang siya.." natatawang kwento ko sakanya.

Saka ako tumingin sa mga mata niya.

Akala ko ay iiwas niya den ang paningin niya saakin pero hindi pilit niyang nilalabanan ang tingin ko sakanya.

"Bakit nga ba hindi nalang siya?" Takang tanong niya habang nakatingin parin kami sa isa't-isa.

"Kasi hindi siya ikaw.At kahit kailan ay hindi siya magiging ikaw..Dahil nag-iisa kalang" nakangiting saad ko sakanya habang nakatingin parin sa mga mata niya.

Kita ko ang gulat sa mga mata niya marahil ay hindi niya inaasahan na sasabihin ko yun.

"Dirby ako ba ang babaeng nagugustuhan mo?" Kabadong tanong niya saakin pero nginitian ko lang siya.

"The first time I saw you was the first time that I fell in love.." mahinang sabi ko sakanya natawa ako ng namula ang mukha niya HAHAHA.

THE GIRL IN THE RAINWhere stories live. Discover now