KABANATA 4

29 4 0
                                    


                                  Dirby POV

"Apo ano pang tinatayo mo diyan halika pumasok kana rito baka magkasakit kapa"

Bumalik ako sa huwisyo ng marinig ko ang boses ni lola...

Ewan ko pero wala ako sa sarili kong tumango tsaka naglakad papasok pero bago ako pumasok ng tuluyan sa bahay ay sa huling sandali ay tinignan ko muna ang babae sa nakatayo sa tapat ng balon...

Wala ba siyang balak sumilong?Hayy bahala nga siya diyan..

"Sinabi ko naman sayong umuwi ka bago mag ala una" sermon saakin ni lola ng matapos akong magbihis..

"Alam nyo po ba na uulan ng ala una?" Tanong ko at tumango naman si lola..

Huh ang weird?

"Huh?Paano nyo po nalaman?" Paano naman kaya nalaman ni lola na uulan ng ala una?

"Laging umuulan sa baranggay na toh Apo at tuwing ala una ang pag ulan dito...Walang mintis ang pag ulan sa baranggay na ito kaya dapat ala una ay nakauwi na ang mga estudyante" paliwanag ni lola..

Whut the?Laging umuulan dito?

"At humihinto nalang ang ulan tuwing alas singko.." so may time limit ang pag ulan dito?

Amazing!

"Weird" wala sa sariling usal ko..

Pagkatapos kong sabihin yun ay napagdesisyonan kong mag tungo nalang sa kwarto ko..

Apat na oras pa tatagal ang pag ulan..

Tch ano naman kaya ang gagawin ko sa apat na oras?

Apat na oras din ba akong tutunganga?..

Pasinghap kong ibinaling ang tingin ko sa bintana ko..

Nagulat ako ng makita ko yung babae na nakita ko kanina..

Nakatayo parin siya sa tapat ng balon..

Tch diba siya nangangalay kakatayo?

Syempre dahil may puso rin naman ako kahit kaunti kinuha ko ang payong ni lola sakto nasa sariling kwarto si lola para magtahi..

Dali dali akong lumabas baka kasi hindi ko na maabutan yung babae doon sa balon..

Habang naglalakad ako ay nakita ko ang mga batang naliligo sa ulan..

Tch enjoy na enjoy ang mga batang kumag baka magkasakit ang mga yan!

Teka nga bakit ko ba sila pinapakialaman..

Ng malapit na ako sa balon ay para bang hindi parin nararamdaman nung babaeng nakatayo ang presensya ko..

"Miss" pagtatawag ko dito ng makatabi ako sakanya..

Dahan-dahan ako nitong nilingon ng walang ka emo-emosyon..

Nabigla ako sa nakita ko para bang isa siyang anghel sa sobrang ganda niya nakasuot ito ng kulay puting bistida..

Tch ang ganda nga manang naman kung manuot..

Papayungan ko sana siya ng iniharang niya ang mga kamay niya isenenyas na wag kong ituloy ang gagawin ko..

"Tch anong trip mo at nag papaulan ka?" Sarkastikong tanong ko sakanya saka tinignan ang balon na tinititigan niya kanina..

"Wala gusto ko lang" nakangiting ani niya..

Naka drugs ata toh..Sayang naman ang ganda pa naman..

"Anong meron sa balong toh?" Tanong ko ulit saka itinuro ang balong nasa harapan namin..

THE GIRL IN THE RAINWhere stories live. Discover now