KABANATA 17

15 2 0
                                    


                             Third person POV

"Oh saan ka galing?" Nag aalalang tanong ng isang Ginang kay Erika.

"Sinundo ko si Dirby sa tapat ng balon" pagpapaliwanag ng dalaga pero halatang hindi kumbinsido ang Ginang sa isinagot nito.

"Oh anong nalaman mo?" Animong tsismosang tanong ng Ginang sa dalaga..

"Lahat.." mapanuksong sagot ng dalaga saka naupo sa kanilang salas..

"Gaya ng?" Tanong ulit sakanya ng Ginang..

"Sasabihin ko rin sayo sa tamang panahon" abot langit ang ngiti ng dalaga sa isinagot niya sakanyang Ina..

Alam ko na ang plano nyo..

Napangiwi dalaga dahil sa sinabi niya sakanyang isip pero agad din yung napalitan ng awa..

     
   
                                 Dirby POV

"ANO naman ang pumasok sa isip mo at pumunta ka doon?" Galit na tanong saakin ni lola..

Ng makauwi ako ay bakas sa mukha ni lola ang pag-aalala at nung makapagbihis naman ako ay saka ako pinapagalitan dito sa salas.

"Lola.." pakshett anong idadahilan ko kay lola?Yan kasi Dirby takas pa tch..

"Hindi kana pupunta sa tapat ng balon na yun nagkakaintindihan ba tayo?" Gulat kong nilingon si lola..

Kumontra ka Dirby kumontra ka!!

"Pero lola--"

"Wala ng pero pero..Hindi kana ulit pupunta doon Dirby Smith" may diin na pagkakasabi ni lola..

Paano na?Ehh hindi niya naman akong pwedeng pigilan eh..

Sasagot pa ulit sana ako pero naurong yun ng mga matatalim na titig ni lola saakin..

Paano na toh paniguradong wala na akong lusot neto!!

Nakakainis kasi ang Erika na yun eh!Kung hindi niya ako sinundo sa bahay edi sana hindi ako pinapagalitan ngayon..

Masama ang loob kong nagtungo sa kwarto ko para magmukmuk..

Keysa mabored ako dito sa kwarto ko ay kinuha ko ang cellphone ko at agad kong idinial ang number ni Rocco sa cellphone ko..

"Hello?" Bungad ko ng sinagot niya ang call ko..

[Oh?nak ng putsa buhay kapa pala?] Birong ani niya sa kabilang linya..

"Wahaha loko kamusta kayo ni Ryder dyan?" Tanong ko sakanya..

Sa isang buwan kong nanatili dito sa probinsya..Oo isang buwan na..Namiss ko din ang dalawang yun kahit na nag eenjoy na ako sa stay ko dito wahaha..

[Oh naalala mo pa pala kami?] Kunwariy nagtatampo na ani niya.

Gusto kong matawa dahil sa sinabi niyang yun..

"Oo bawat araw na dumadaan ay iniisip ko kayo wahaha" pagbabalik ko ng biro sakanya..

Hinintay ko siyang tumawa pero wala nanatiling tahimik ang linya..

"Hoy bat natahimik ka diyan?" Sigaw ko sa kabilang linya..

[Gago men..Deretso na ang pananalita mo ng tagalog ngayon ah..Ikaw bayan?]

Napabuntong hininga ako saka natawa dahil sa sinabi niya..

"Ano kaba ako parin toh noh wahaha" natatawang sagot ko..

THE GIRL IN THE RAINWhere stories live. Discover now