KABANATA 10

22 5 0
                                    


                                    Dirby POV

Alas-diyes(10:00) ng umaga na ako nagising ngayong umaga dahil sa pag iisip kung talagang magkikita kami ni Victoria mamayang 7 ng gabi..

Kaya eto ako ngayon puyat..

"Oh Apo meron diyang pagkain sa mesa kumain kana at nauna na ako...Pupunta muna ako sa palengke" deretsong sabi ni lola paglabas ko sa kwarto ko...

Tango lang ang tanging naisagot ko kay lola..

Agad akong dumeretso sa kusina para mag timpla ng kape..

"Dirbyyyyyyy!!" Muntik ko ng mabitawan ang lalagyan ng asukal ng marinig ko ang malakas na sigaw mula sa labas..

Kaya naman dali dali akong lumabas para tignan kung sino ito..

"Anak ng anong ginagawa nyo dito?" Tanong ko kila Maddox at Blade na ngayon ay ngiting ngiti sa harapan ko...

"Papasukin mo muna kame!!" Saad ni Maddox sasagot pa sana ako ng bigla nalang pumasok si Blade na agad namang sinundan ni Maddox..

Napasinghap nalang ako habang sinundan sila..

Akala ko ay sa sala ang deretso nila pero ang mga gago tumuloy sa kusina..

"Uyy sakto hindi pa ako nagkakape" tinaliman ko ng tingin si Blade ng kinuha niya yung kape na tinitimpla ko bago sila dumating pero ang gago dedma lang..

Si Maddox naman ay busy sa pagpapalaman ng tinapay..

Nag timpla nalang ako ng bagong kape dahil kinuha ni Blade ang akin..

Sila yung klase ng kaibigan na kahit hindi mo sabihing feel at home ay ifefeel talaga nila..

Tch..

"Ang aga nyo namang mangapit bahay?" sarkastikong tanong ko dun da dalawa habang hinahalo ang kape na bagong timpla..

"Anong maaga ka diyan alas dyes na gago" singhal saakin ni Blade..

Grabe naman ang isang toh..

"Hehehe oo nga noh" pekeng ngiting sagot ko sakanila..

"Dalian mo dyan at may ipapakilala kami sayo" taka kong tinignan si Maddox habang ngumunguya..

"Sino naman?" Tch siguraduhin mo lang na hindi babae yan dahil hindi na ako interesado sa mga babae ngayon..

"Makikita mo mamaya" nakangiting saad niya...

Ng matapos kaming kumain ay tinulungan ako nila Blade at Maddox na iligpit ang mga ginamit namin..

May hiya din pala ang dalawang toh..

"Tara na.." hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga toh pero hinayaan ko nalang na hilain nila ako..

"Dirby si Jessa..Jessa si Dirby" iniharap nila ako doon sa babaeng matangkad,morena,at manang manamit kagaya ni Victoria..

"H-hi Dirby" utal na bati niya saakin..

Sinuklian ko lang ito ng isang matamis na ngiti..

"Hi Jessa" saad ko saka nakipag shake hands sakanya malambot pala ang kamay niya pero mas malambot ang kamay ni Victoria..

"Ay naku may iniuutos pala saakin si Mama tara Maddox samahan mo ako" agad kong pinandilatan ng mata si Blade sa sinabi niya...

"Samahan ko na den kayo" pag priprisinta ko..

"Hindi maiwan kana kawawa naman si Jessa walang kasama.." gusto kong magreklamo kaso baka naman maoffend ko tong si Jessa at sabihing ang arte ko..

"Sige pare mauna na kami" saad ni Maddox at hinila si Blade papalayo saamin..

"Hmmm tara lakad-lakad tayo" saad ni Jessa ng ibalik ko sakanya ang paningin ko kaya naman nginitian ko lang ito at sinundan siyang naglalakad..

"Bat mo palang napiling dito magbakasyon?" Tanong ni Jessa habang naglalakad kami..

"Sa totoo lang ay hindi ko pipiliing magbakasyon dito kaso pinilit ako ni Daddy kaya nandito ako ngayon" paliwanag ko ng hindi tumitingin sakanya..

"Mmm..Maganda ba sa Maynila?" Tsk masyado namang matanong ang babaeng toh..

"Oo naman maraming buildings doon na pwede mong pasyalan kapag naboboring ka" sagot ko ng hindi parin tumitingin sakanya..

"Ganun ba?Sana mapuntahan ko ang mga sinasabi mong pasyalan pag nakapunta akong Maynila" ngiting sabi niya..

"Pag nakaluwas ka sa Maynila ay hanapin mo ako at ako ang magpapasyal sayo" saad ko nakita ko namang namula ito at mas lalo pang lumawak ang kanyang ngiti..

Tch kung ano nanamang iniisip..

"T-talaga?" Utal nanamang tanong niya..

"Mmm" sagot ko saka tumingin at nginitian ito..

Ngayon ay simpula na siya ng kamatis..

Tch sanay na ako sa ganyang itsura lahat naman ng babaeng nakakadate ko ay ganyan..

"Salamat.." sagot niya saakin pero hindi man lang ito makatingin saakin..

"Ikaw para sayo maganda ba ang probinsya nyo?" Tanong ko sakanya..

Syempre hindi pwedeng siya lang ang magtanong noh wahahaha...

"Hindi..." napahinto ako sa paglalakad matapos niyang iusal ang salitang yun..

"Ang probinsyang  ito ay nabubuo ng mga kasinungalingan" mas lalo akong nagtaka sa sinabi niya..Maging siya ay nahinto rin sa paglalakad...

"Kung makikita mo wala lahat ng kailangan naming mamayanan na nakatira dito.." nanginginig na saad niya kaya naman nanatili akong nakatingin lang sakanya..

"Dahil hindi naman ito prayoridad ng gobyerno..Kaming nakatira sa probinsyang toh ay ginagamit lamang tuwing may eleksyon..Napipilitan kaming sabihin ang mga bagay na hindi totoo kapalit ng pangangailangan namin.." bigla akong nakaramdam ng awa sa sinabi niya..

"Kaya mas gugustuhin ko pang linasin ang impyernong lugar na toh" mahinang usal niya..

"Pero dahil dito ay nag kakaisa ang mga tao na nakatira dito at yun ang magandang bagay dito sa lugar niyo" kita kong nagulat siya saaking sinabi maging ako ay nagulat din sa sarili ko..

Ngumiti siya saakin yung ngiting may lungkot parin..

"Kung tatanungin mo ako ay mas gugustuhin ko pang tumira dito dahil ang mga tao ay nagkakaisa..Maraming bagay ang pinagkaiba ng lugar nyo sa lugar namin" usal ko kita ko naman ang pagtataka sa kanyang mukha..

"Gaya ng ano?" Takang tanong nito..

"Gaya ng sariwang hangin na meron kayo saamin ay pollution ang meron..Gaya ng mga puno na meron sainyo saamin ay uunti nalang ang mga puno dahil puro istraktura ang mayroon doon..Maraming bagay ang meron kayo ng wala kami kaya hindi mo dapat sabihin na pangit ang probinsya nyo" mahabang paliwanag ko..

Kita ko namang muling ngumiti ito..

"Nasasabi mo lang yan dahil hindi mo pa alam ang totoong..." hindi ko narinig ang huli niyang sinabi niya dahil bigla niyang tinakpan ang bibig niya...

"Anong totoo ang sinasabi mo?" Takang tanong ko rito..

"Ahh wala tara na baka hinahanap kana sainyo" saad niya saka awtomatiko akong tinalikuran at naglakad paalis..

Weird..

THE GIRL IN THE RAINWhere stories live. Discover now