KABANATA 12

16 6 0
                                    


                                   Dirby POV

Matapos ang eksena namin kanina ay napagdesisyonan kung pumasok nalang sa loob ng bahay tch walang kwentang manatili pa sa labas ng bahay dahil maglolokohan lang kami doon..

Nababadtrip ako sakanila ang dami nilang mga misteryosong salita na hindi naman nila pinapaliwanag tch..

Katulad nila ay nagtataka rin ako at nagkatotoo ang sinabi ni Victoria saakin..

Pero bakit siya aalis?

Hindi ko maintindihan kung anong tumatakbo sa isip ng mga taong nakatira dito..

Sa ngayon ay kailangan ko munang magpalamig ng ulo ko masyadong mainit eh..

Makatulog nga muna hayys...

ZzzzZzz

"Dirby apo" nagising ako ng marinig ko ang tinig ni lola..

Tch ano nanaman?

"Po?" Sagot ko habang nag iinat inat pa..

"Lumabas ka diyan nandito ang mga kaibigan mo" utos ni lola..

Ano nanamang kailangan nila?

Saglit muna akong nag inat bago lumabas..

"Oh maiwan ko muna kayo at pupunta lang ako kay Bebang" bungad na paalam ni lola ng makalabas ako ng kwarto ko..

Inis kong ibinaling ang tingin ko kay Maddox at Blade na ngayon ay tahimik na nakaupo..

"Anong kailangan nyo?" Pag uumpisa ko..

"Ahh-ehh Dirby gusto lang sana naming humingi ng tawad doon sa nangyari kanina" si Blade..

Umupo ako sa upuan na kaharap nila..

"Ayus lang naman saakin yun..Ang ikinaiinis ko lang ay kung bakit nyo ako palaging binibigyan ng isipin" sarkastikong saad ko sakanila..

Inis kong ibinaling ang tingin ko kay Maddox na ngayon ay hindi makatingin saakin..

Tch!nakakasira ng ulo ang mga tao dito!

"Isipin?" Takang tanong ni Blade na parang hindi inaasahan ang sinabi ko..

"Oo..Lahat ng nakikilala kong taga dito ay laging misteryoso" inis na saad ko..

Totoo naman unang una na doon si Victoria psh..

"Pasensya kana kung ganon" singit ni Maddox..

"Bakit nga ba hindi nyo ipaliwanag ang mga pinagsasabi nyo kanina?" Ngising saad ko sakanilang dalawa..

Agad naman na nagtinginan ang mga ito na parang nagtatalo kung sinong magpapaliwanag..

"Ahh kasi Dirby hindi mo kailangan ng malaman yun eh" nakangiting ani ni Blade..

Tch siraulo ba sila?Eh halos nga mamatay ako kakaisip dito kung ano-anong pinagsasabi nila tapos hindi na kailangang malaman pa kalokohan..

THE GIRL IN THE RAINNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ