KABANATA 9

18 4 0
                                    


                                 Dirby POV

Pagkadating ko sa bahay ay mahimbing ng natutulog si lola..

Pumunta ako sa kwarto ko para magpalit ng simpleng short at tshirt pawis na kasi ako kaya kailangan ko ng magpalit...

Dali-dali akong lumabas ng kwarto ng nag umpisa ng bumuhos ang ulan..

Sinilip ko ulit si lola para makasiguradong tulog na nga ito at hindi naman ako nagkamali..

Pagdating ko ay nandoon na si Victoria sa tapat ng balon...

Ang bilis naman niyang makarating ni hindi ko nga siyang nakitang lumabas kanina sa bahay nila eh nakakapagtaka..

"Kanina kapa ba?" Tanong ko ng makalapit ako dito..

"Hindi naman kararating ko lang" saad niya..

"Bakit kapa nag dadala ng payong eh lagi ka namang nababasa?" Natatawang tanong niya..

Napaisip naman ako..

Oo nga noh sa tuwing pupunta ako ay nababasa ako dahil lagi niya akong hinihila at lagi ko namang nabibitawan ang payong na dala ko may point siya..

"Wala trip ko lang din" sagot ko pero nanatili nanaman siyang nakatitig sa kawalan..

Maya maya pa ay tinignan ko siya mula ulo hanggang paa..

Agad akong nagtaka dahil kung anong suot niya nung una kaming nagkita ay yun parin abg kanyang suot hanggang ngayon pero mas nakakapagtakang palagi parin siyang mabango..

"Hoy anong tinitingin tingin mo diyan?" Gulat kong binalik ang tingin ko sakanya..

"Wala" awtomatikong tanong ko..

"Nasubukan mo nabang makipag habulan sa ulan?" Nakangiting tanong niya pero wala saakin ang tingin niya..

"Hindi pa" sagot ko naman..

Hindi ako kailanman naligo sa ulan nung pagkabata ko hanggang sa pagtanda ko pero eto ako ngayon ilang beses ng naliligo sa ulan kasama ang babaeng toh..

"HAHAHA" tumawa siya saka siya humarap saakin pero laking gulat ko nalang ng bigla niya akong pahidan ng putik sa mukha..

Anak ng--

"Habulin moko blehh" saad niya sa nang aasar na tono habang nag memake face pa tsaka tumakbo..

"Hoy bumalik ka dito" dumampot ako ng putik tsaka siya hinabol..

Pero sadyang mabilis siyang tumakbo..

Humanda ka saakin pag nahuli kita..

Nagpatuloy kami sa paghahabulan at diko namalayang maging ako ay basa na din..

Nagtago ito sa likod ng puno kaya naman pumunta ako sa harapan nito..

Para kaming nagpapatentero sa lagay namin hindi niya alam kung saan siya tatakbo at hindi ko rin alam kung saan siya hahabulin..

"Gotcha" napatili ito ng mahawakan ko siya sa kanyang braso saka inilapit sa sarili ko..

Dahilan para magkayakap kami saglit kaming natigilan at napatingin sa mata ng isa't-isa ang ganda talaga niya..

Pinutol ko ang pagtitinginan namin ng pinahid ko ang putik na meron sa kamay ko sa mukha niya..

Saka ko siya binitawan ay nagtatakbo..

Narinig ko pa siyang sumigaw ng "Bumalik ka rito" pero dineadma ko lang ito at nagpatuloy parin sa pagtatakbo..

Sabay kaming napasalampak sa damuhan ng parehong makaramdam ng pagod hayy nakakapagod palang tumakbo..

THE GIRL IN THE RAINWhere stories live. Discover now