KABANATA 2

42 8 0
                                    


                               Dirby POV

Mga gamit? Check
Cellphone? Check
Sapatos? Check

Yun makaalis na nga dito baka mamaya matuloy pa kami sa probinsya..

Dahan dahan kung binuksan ang pinto ng kwarto ko at sinuguro kong walang ingay yun na ginawa baka mamaya magising pa sila Dad at hindi na ako makatakas ng tuluyan..

Tingin sa kaliwa....

Clear

Tingin sa kanan..

Ligtas..

Unti-unti kong isinara ang kwarto ko at iniingatan paring gumawa ng kahit anong ingay..

Ewan ko kung saan ako pupunta pero pag hindi ako umalis baka talagang madala nila ako sa probinsya...

Sino namang may gusto doon walang internet walang bar at kung ano ano pang liwaliw na pwedeng gawin hindi ko kayang mabuhay dun noh...

Boogshh

Aray ko naman!Kakaisip ko sa probinsyang yun ay nauntog na pala ako..

Napatingala ako para sa suntukin den yung pader na bumangga saakin...

"Sabi ko na nga bat tatakas ka Dirby Smith" patay!!hindi pala pader ang nabangga ko kundi si Dad haiss bat ba ang aga magising ng isang toh..

"Sumakay kana sa sasakyan at maaga tayong aalis" utos saakin ni Dad ano ako?uto uto basta basta nalang sasama hindi noh matinik toh..

"Ahh Dad masama po ang pakiramdam ko" pag dadahilan ko..

Umepekto ka pleaseee...

"Doctor ang Mommy mo kaya kahit nasa sasakyan tayo ang matitignan niya ang kalagayan mo" anak ng--

Bat hindi ko nga ba naisip na doctor si Mommy aishh kainis...

"Ehh Dad.." Umisip ka ng dahilan Dirby dahil kapag sumama ka para kana ding ibinilanggo sa buong summer vacation mo...

"Hindi mo naman siguro hihintaying suntukin kita para makatulog ka para makasama saamin diba son?" Haisshhh padabog akong lumabas para magpunta sa kotse kainis ang lalaking toh..

Hindi naman ako takot masapak ni Dad takot akong magkagasgas ang gwapo kong mukha..

"Good?Morning son" nakangiting saad ni Mom ng makaupo ako sa backseat...

Ngunit ngiti lang ang iginanti ko kay Mom..

Dapat pala ay kagabi nalang akong tumakas kaso wala eh pagod ang katawan ko..

Nag umpisa ng mag drive si Dad binigyan ako ng sandwich ni Mom kainin ko daw para hindi ako magutom sa byahe...

Tch mas mabuti pang magutom keysa umuwi sa probinsya nila Lola...

At dahil bored ako inopen ko ang cellphone ko...

Rocco:Kamusta pare?Nasa probinsya kana ba?Pasalubong namin ah!!

Ryder: Enjoy the vacation pre..

Rocco: Nakalarefresh talaga dito sa resort sana dyan din sa probinsya nyo..

Dahil sa sobrang badtrip ko ay inoff ko nalang ulit ang cellphone ko kainis siguradong iingitin lang ako nung dalawa sa summer vacation nila...

Makaidlip nga muna..

"Son?" Teka si Mom yun ah?

"Teka lang Mom 5 minutes pa" reklamo ko saka bumalik sa pagkakatulog..

THE GIRL IN THE RAINWhere stories live. Discover now