KABANATA 19

15 2 0
                                    


                                 Dirby POV

"DIRBY GUSTO KITA" napahinto ako sa pagsasayaw at nanatiling hindi gumalaw dahil sa sinabi niya.

Damn bakit ba ganyan ang mga pinagsasabi niya?

"A-ano?" Hindi makapaniwalang tanong ko sakanya.

"Dirby I like you" engot mukha ba akong hindi makaintindi ng tagalog?

"Gusto mo rin ba ako?" Tanong niya.

Gulat akong napatingin sakanya.

Ganyan ba talaga sila umamin?

Sasabihin ko na ba?Iniwas ko ang paningin ko saka ako bumuntong-hininga at tsaka siya hinarap ulit siya.

"Jessa kung titignan ka naman ay maganda ka,mabait at marami pang magagandang katangian ang meron ka.." pag uumpisa ko.

Nakita ko namang nagliwanag ang mukha niya.

"Actually lahat ata ng lalaki ay magugustuhan ka.." lalo pang lumawak ang ngiti niya sa mukha niya.

"Pero hindi ako..I'm sorry" mahinang usal ko pero alam kong maririnig niya yun.

Dahan-dahang nawala ang ngiti niya at taka akong tinignan.

"Hindi ko maintindihan..Ang sabi mo ay lahat ng lalaki ay magugustuhan ako pero bakit ikaw?.." nagtatakang tanong niya saakin.

"Dahil meron na akong ibang nagugustuhan" kitang-kita ko ang lungkot sa mga mata niya.

I'm sorry Jessa.

"Ako nalang Dirby pleaseee" pakiusap niya saakin na ikinagulat ko.

Ang akala ko ay tatakbo siya palayo pero hindi nandito parin siya sa harapan ko at nakikiusap.

Damn it.

"Sorry Jessa pero may iba na akong gusto" mariing sagot ko sakanya.

"Bakit hindi nalang ako?" Iniwas ko ang paningin ko sakanya.

"Dahil hindi ikaw siya..At kahit kailan hindi ka magiging siya..Dahil nag-iisa lang siya "

May diing dagdag ko pa saka siya tinalikuran at naglakad papalabas ng court.

Maya-maya pa ay nandito na ako sa tapat ng balon hindi ko alam kung bakit dito ako dinala ng mga paa ko pero wala na eh nandito na ako eh.

Sana nandito rin si Victoria.

~FLASHBACK~

"HAYOP KA!PAANO MO NAGAWA SAAKIN TOH?" nanatili akong nakasilip kanila mommy habang hawak hawak ko ang mga gamit ko para sa pagkukulay magpapaturo sana ako kay mommy pero bago pa man ako makapasok sa kwarto nila ay narinig ko ng nagsisigawan sila.

"Patawarin mo ako Amelia" dinig kong pakiusap ni daddy na ngayon ay walang emosyong tumingin kay mom.

"Saan ako nagkulang?!Sabihin mo saan?!"  Sigaw nanaman ni mommy habang pinagpapalo ang dibdib ni dad saka muling humagugol ng iyak.

"Hindi ko alam basta nalang ako nagsawa sa--" hindi na natuloy ni dad ang sasabihin niya dahil bigla nalang siyang sinampal ni mom.

"Hayop ka!Umalis ka dito ayaw kitang makita!!" Umiiyak na sigaw si mom.

Napailing naman si dad at walang nagawa kung hindi maglakad palabas ng kwarto nila.

Magtatago sana ako para hindi ako makita ni dad pero huli na nakalabas na siya.

Maluha-luha siyang tumingin saakin bago ako lampasan.

Muli akong tumingin sa loob ng kwarto at nakita ko naman ang walang tigil na pag iyak ni mom.

5 days ago matapos ang eksena nilang yun parang ibang mom ang kasama ko sa bahay.

Hindi siya kumakain,laging tulala at laging umiiyak.

"Mom hiwalay napo ba kayo ni dad?" Tanong ko matapos maupo sa tabi ni mom na nakatulala sa kawalan.

"Ibig sabihin po ba nun ay kakalimutan na tayo ni dad?Lalaki din po ba akong walang tatay?" Nagtatakang tanong ko.

Napatingin saakin si mom at niyakap niya ako at doon umiyak ng umiyak.

~END OF THE FLASHBACK~

I was 10 years old ng mangbabae si Dad at nung iniwan niya kami.

Pero after 1 month bumalik siya ulit saamin na parang walang nangyari tinanggap siya ni Mom bagay na hindi ko maintindihan nung mga panahon na yun.

Years passes hindi ko namamalayan na nagiging katulad ko narin si Dad araw-araw akong nagpapalit ng babae.

Pero hindi yung alam ni Mom dahil lagi siyang nasa work.

Inisip ko na hindi rin ako karapat-dapat sa kahit sinumang babae dahil nakikita ko sa sarili ko ang ginawa saamin ni Dad noon.

Pero mas malala ako dahil si Dad ay iisang beses lang niya ginawa yun pero ako ay inaaraw-araw ko.

Nalaman ni Dad ang ginagawa ko at kinausap niya ako tungkol dito.

~FLASHBACK~

"Kailan kaba titigil Dirby?" Mahinahong tanong saakin ni Dad na ngayon ay nakatayo sa harapan ko.

"Titigil saan?" Maang-maangan na tanong ko.

"Alam mo kung anong tinutukoy ko!" Pagtataas niya saakin ng boses.

"Kaya nga kita tinatanong eh kasi hindi ko alam" pang aasar ko pa sakanya.

Tuwang tuwa ako tuwing nakikita kong naasar siya.

"Dirby naman halos araw-araw eh
iba't-ibang babae ang girlfriend mo kailan mo ba yan titigilan?Kapag nalaman to ng Mommy mo ay hindi niya magugustuhan ang ginagawa mo" gusto kong matawa dahil sa huli niyang sinabi.

Joke ba yun?

"Sana yan din ang nasa isip mo nung panahong ginagago mo si Mom" sarkastikong saad ko..Bakas naman ang pagkagulat sa mga mata niya.

"Alam mo Dad  parehong-pareho tayo eh" pag uumpisa ko at kita ko namang nagpipigil siya ng inis.

"Hindi bat dapat matuwa kapa dahil kahit papano ay may namana ako sayo?" Nakangising saad ko..

BLAGG

Ngunit hindi ko inaasahan na sasapakin ako ni Dad.

"Ano bang problema mo?" Inis na tanong ko sakanya.

"Oo mali ako NOON dahil sinira ko ang tiwala ng babaeng nagmamahal saakin ng totoo pero sana naman ay HINDI mo ulitin kung anong pagkakamaling nakita mo saakin noon diba?" Walang prenong saad ni Dad dahilan para matigilan ako.

"Masusubukan mo din magmahal at pag dumating yung oras na yun SANA hindi ka din paglaruan ng taong mamahalin mo" saad niya saka ako tinalikuran.

Tch mahal mahal kalokohan

~END OF THE FLASHBACK~

Tuwing maaalala ko ang pangyayaring yun gusto kong sapakin ang sarili ko sa pagiging Immature noon.

Ngayon ko lang narerealize lahat ng sinabi saakin ni Dad noon.

Akala ko nga hindi na ako magmamahal pa ng ibang babae bukod kay Mom pero mali ako wahaha.

Hanggang ngayon din nga iniisip ko kung paano ako nakatagal dito sa probinsya samantalang ayaw ko naman dito noon.

Pero ngayon alam ko ng kung bakit ako nagawang magustuhan ang probinsyang toh dahil sakanya.

Maya-maya pa ay bigla nalang pumatak ang ulan.

What the heck bakit umuulan ngayon?

"Dirby.."

THE GIRL IN THE RAINWhere stories live. Discover now