♕CODE 33♕

Começar do início
                                        

"See you later, pretty girl..."

As soon the guy left, she grabbed her glass tightly. Until the bartender offers her another drink before she breaks the glass.

***

Nasa sulok lang si Kiyoshi at pinaglalaruan niya ang hawak niyang baso ng alak. Kita niya sa kanyang pwesto si Mirae at kung papaano lumapit ang isang lalaki dito.

Sumimsim siya dito at napatiim bagang sa nakikita niya. Kung bakit ba kasi ito ang naatas sa kanila. Wala naman silang magawa dahil elders ang may utos. Ayaw na ayaw niya ang scenario na nakikita ng mga mata niya ngayon. Tila ba may pumipiga sa puso niya at lumalalim ang hininga niya.

Ilang beses niyang pinapakalma ang sarili niya pero kapag ibinubukas niya ang mga mata niya ay ito lang ulit ang nakikita niya. Kailangan niyang tumahimik at maghintay.

Nalaman niya din sa mga usapan ng mga nakapaligid sa kanya na mamayang alas dose ang dating ng pakay nila kasabay nito ang party na hindi niya alam kung para saan.

Matapos ang ilang minuto ay nakita niya ang lalaking kasama ni Mirae kanina na papaalis. Sinundan niya ito ng tingin at may kinausap itong lalaki na parang seryoso ang kanilang pinag uusapan. Nakita pa niya ang pagtingin nito sa kinaroroonan ng dalaga kaya agad siyang nakaramdam ng kaba.

Tinignan niya ang oras na ilang minuto nalang bago tumapat ang kamay ng orasan sa alas dose.

Agad niyang binaba ang baso na hawak niya at naglakad paalis ngunit napahinto ng may lumingkis sa braso niya na isang babae. Nasobrahan ng kolorete sa mukha.

"Mister, wanna have some fun?" Unti-unting gumapang ang kamay nito sa kanyang dibdib. Marahas niya itong inalis at masamang tumingin sa babaeng gumawa nito.

"Don't f*cking touch me, wh*re!" Bago pa man ito gumawa ng eksena ay iniwan niya na ito at dumiretso sa kotse niya at kinuha sa backseat ang isang maleta.

Hightech computer...

Bago pa man sila makatungtong sa loob ng bar ay may ipinasuot siya ditong kwintas na nagsisilbing camera at tracker upang makita niya kung ano ang nangyayari sa paligid.

Sa kabilang banda naman ay tahimik lang na nakaupo si Mirae habang pinapanuod ang mga tao. Napakunot siya ng noo. Napatingin siya sa iba na naglalabasan ng bar isa isa.

Anong nangyayari?

Nagiging mas wild na ang dance floor kaya't tumayo na siya upang umalis dahil malapit lang siya sa kinaroroonan nito. Tatayo na sana siya ng may marinig siyang kasa ng baril na nakatutok sa likudan niya

"Hey pretty girl..."

Agad niyang nakilala ang boses na iyon. Inaasahan niya na gagawin ito nito. Tahimik lang siya at hindi gumalaw.

"Come with me, we'll have fun." hinapit siya nito sa bewang at tahimik silang lumabas sa back exit.

Pagkalabas nila ay doon niya nakita ang mga nakahilerang van na may mga nakasakay ng mga babae na parang alam na nila ang mangyayari at ang iba naman ay mga walang malay at nakagapos ang mga kamay at nakatakip ang bibig.

May mga armadong lalaki ang nakapalibot kada van at sa pinakadulo ay may isang sportscar at doon sila tumungo.

Hindi kumibo si Mirae at tahimik lang siya kahit na hindi na siya tinututukan nito ng baril. Agad kinatok ni Hero ang salamin ng kotse at agad naman itong bumaba. Napangisi nalang sa isip si Mirae ng makita niya ang kanilang pakay.

Si Mr. Kozume...

"New recruit..." Anito at nagsalita na ng nihongo. Hindi niya maintindihan ang sinasabi ng mga ito. Lumingon ito sa kanya at napangisi. Tinignan siya mula ulo hanggang paa.

"Nice body." Kung pwede lang suntukin na niya ito ay ginawa na niya.

May sinabi pa ito na sa salitang nihongo at saka siya nito dinala sa isang van at tinalian ang kamay. Maya maya ay naramdaman niyang umanda ang van.

Kahit sa loob ng van ay may kasama silang armadong lalaki at tuwang tuwa sa mga ginagawa nila sa mga babae. Laking pasalamat ni Mirae dahil hindi siya pinaglalaruan ng mga ito.

Ngunit nakita niya ang katabi niyang lalaki na napangisi at sinimulan siyang haplusin sa pisngi. Doon na naputol ang huling sinulid ng pasensya niya.

Umingay ang van dahil kumikinang sa kalaswaan ang mga mata ng mga lalaking bumihag sa kanila. Hahalikan na sana siya nito ng dinuraan niya ito sa mukha.

"WHAT THE F*CK?!"

Agad siyang nakatanggap ng sampal dito na nakapag padugo ng gilid ng labi niya saka siya sinuntok ng malakas sa sikmura. Napayuko siya sa lakas ng suntok nito.

Kinagat niya ang ibabang labi niya upang hindi makalabas ang pinipigil niyang sakit. Dahan dahan ulit siyang umupo at kumalma nalang. Ngunit hindi pa pala ito tapos at hinila ang buhok niya. Matalim siyang tumingin sa gumawa nito.

"Don't you even dare acting tough on us lady! You will be like those whores!" Anito saka binitawan ang buhok niya. Napapikit siya at tiniis ang hapdi ng anit niya sa maharas nitong paghawak sa buhok niya para matanggal ng tuluyan ang pagkakapusod niya at hindi pa ito nakuntento at ngumisi sa kanya.

"Nice, necklace" ngumisi ito sa kanya at marahas nito hinila ang kwintas niya para mapigtas at nagkalat sa van ang mga perlas nito. Napatiim bagang siya dahil dito.

Her tracker...

Narinig niya ang tawanan ng mga ito at tuwang tuwa sa panghaharas sa kanila. Pumikit nalang siya at nagtiim bagang. Iniisip niya kung paano siya ngayon matutulungan ni Kiyoshi.

Maya maya ay huminto ang kanilang sinasakyan sa isang mansion at isa isa silang marahas binaba sa van.

Pagkapasok nila ay agad niyang nakita ang nakahang na glass wall kung saan makita ang pabilog na mga mamahaling upuan sa gitna. At sa ibabang floor nito ang isang stage kung saan gaganapin ang bidding mamaya.

Nalaman niya na agad iyon dahil may mga kalalakihan na doon na nakaupo at iniintay ang simula ng bidding.

Marahas siyang hinila ng armadong lalaki papunta sa isang malaking kwarto. Kasabay ng pagbukas nito ay ang pagtulak sa kanya ito upang marahas na tumama ang likod niya sa sahig. Mahina siyang dumaing at hindi pinahalatang nasaktan.

Pagkasarado nito ng pintuan ay doon na siya nakarinig ng mga iyak ng kababaihan sa loob na parang nagmamakaawa na gusto ng umalis.

Dahan dahan siyang umupo at inilibot ang kanyang paningin. Bakas sa kanilang mukha ang takot at pangamba sa susunod na mangyayari sa kanila.

"Please help us!"

END OF CODE 33

***

A/N: Gusto ko mang ibalik yung 2 chaps per week pero hindi ko magawa. Ayoko naman kaseng maubos ang drafts ko habang busy ako. Matagal akong makaisip ng scenario lalo na pag action scenes. Please understand. Hope you press the vote button thank you~

CODE 1391813125Onde histórias criam vida. Descubra agora