Chapter 30: 3rd Chance

1K 17 0
                                    

A/N:  Last 10 chaps. TYPOS everywhere. Expect niyo na. HAHA.

***

POV> HAVEN CLARISSE JANG

 

Ilang oras pa ang lumipas at bumalik na kami sa condo, pero habang nasa biyahe kami kinakabahan  ako. Pakiramdam ko ang sama sama ng ugali ko dahil andaming nasaktan dahil sa aming dalawa. Pero hindi ba nagtiis din naman ako ng limang taon? Ganon ba yun? Pero pakiramdam ko.. ang sama ko padin.

“Wag ka ngang kabahan.”  Nagulat ako ng magsalita si Ace at hinawakan ang kaliwang kamay ko.

“Kasi... ang dami nating nasaktan Ace. Si Yohan, si Mari.. syempre pa ang mga magulang ni Mari kapag nalaman nilang hindi na kayo magpapakasal.”  Tumingin ako sa kanya pero nakatingin lang siya sa kalsada.

“Hindi naman alam ng magulang ni Mari ang tunkol doon. Isa pa, tayo rin naman ah? Nagsakripisyo din tayo ng limang taon Haven. Limang taon nating niloko ang isa’t isa na kaya nating mabuhay na magkahiwalay pero hindi natin kaya. Ito na yung kabayaran sa mga yun. Yun nalang ang isipin natin.”  Pinisil niya ng marahan ang kaliwang kamay ko, pinilit kong ngumiti. Tumatakbo sa isip ko si Yohan ngayon, magthr-three months na dapat kami sa darating na Pasko. Chirstmas pamandin tapos ganito yun sitwasyon namin.  10 days nalang Chirstmas na kaya medyo malamig na din ang panahon ngayon.

“Sa may lobby na ko baba Ace.”  Sabi ko sa kanya ng matanaw kong malapit na kami sa condo namin.

“Sigurado ka?”  tumango lang ako bilang sagot sa kanya. Naramdaman kong dapat doon ako dumaan eh, may kakausapin ako.

Binaba nga ako ni Ace, “Teka.”  Bumaba din siya at pinagbuksan ako ng pinto. “ Ingat. I love you.”  Idinampi niya ang labi niya sa pisngi ko. To be honest, naninibago ako sa kanya. Di rin naman siya ganun kasweet kahit dati? Sumobra ngayon. Hihi. Ay! Ang heret.

Naglakad na ako papasok sa loob at nakita ko ngang palabas si Yohn, gugulo yung buhok niya at parang walang buhay. Bigla akong sinampal ng konsensya ko, hindi ko kayang makitang ganitp si Yohan.

“Yohan.”  Tawag ko sa kanya dahilan para magangat siya ng tingin sa akin. Ngumiti siya ng mapakla, alam kong hindi tunay yun dahil marunong akong makabasa ng mata.

“Haven..”  lumapit siya sa akin at niyakap ako ng mahigpit,

Naramdaman niya atang nailang ako kaya nagsalita siya “Please. One last hug Haven.”  Hindi na ko umangal pa kahit may nakakakita sa amin. “Sa labas nalang tayo.”  Pagyaya ko sa kanya, pero mga  staff lang din ng condo yung nakakakita sa amin dahil 10pm na din.

“Wag na. Aalis na din ako.”  Sabi niya habang nanatili kaming magkayakap. “I’m sorry Yohan. Hindi ko gustong saktan ka. Hindi ko talaga alam na babalik yung feelings ko para kay Ace.” Gusto ko ng malaman lahat ng nasa puso ko. Ito naman yung dapat diba?

The Demon's AngelWhere stories live. Discover now