Chapter 27: FRIENDS.

843 14 0
                                    

POV> HAVEN CLARRISE JANG

 

 Ilang beses kong tinanong si Yohan kung ano yung pinagawayan nila ni Ace pero nanatiling tikom yung bibig niya. Nakakinis dahil parang hindi niya ko girlfriend. Curious lang naman ako kung ano ang puno’t dulo ng away nila at nahantong sa pisikalan.

Ilang linggo narin ang lumipas simula ng mangyari yun, hindi na rin ako masyadong pumupunta sa site dahil sa pangyayari. Ewan ko ba, naguguluhan kasi ako.

“Ayos ka lang, Haven? Tulala ka nanaman diyan?”  tinapik ako sa balikat ni Yumi at umupo sa harap ko. Nandito kasi ako sa may balcony namin, nagpapahangin at umiinom ng hot choco.

“Ayos lang. Sigurado ka ba talagang hindi mo alam yung pinagwayan nila?” nagleanforward pa ko sa kanya, inirapan niya ko at nangalumbaba pa.

“Ilang beses ko bang sasabihin na HINDI nga. Hindi ko alam, pumunta nalang si Yohan, hinanap ka. Ang sabi ko naman sa kanya nagCR ka.. mamaya lang nakita ko na silang magkausap ni Ace tas ayun na.”  Napabuga ako ng hangin sa narinig kong sagot mula sa kanya. Pang ilang beses na kasi niyang kinukwento yan eh.

“Tigilan mo na nga yan. 3 linggo na nakakalipas iniisip mo padin yun.”

Napapout naman ako kay Yumi. “Syempre naman.”  

“Hays. Pero seriuosly nagulat din ako ng magsapakan sila ng bongga noh. Wala naman kasi sa mukha ni Yohan yung manguna..”  

Napatigil ako sa paghigop ng hot choco ng marinig yun mula kay Yumi. Bat ngayon niya lang nabanggit na si Yohan yung NAUNA?!

“Ano kamo? Si Yohan yung naunang sumuntok?”  nabaling din ang atensyon sa akin ni Yumi at sunod sunod na tumango.

“Oo.”  

Napahawak ako sa kwintas ko, bakit Yohan? Ano ba talaga ang dahilan at nagsuntukan kayo? Napailing iling nalang ako. Kahit naman kasi pilitin ko siyang umamin ay hindi siya magsasalita.

The Demon's AngelWhere stories live. Discover now