Chapter 33: His side

865 17 0
                                    

POV> ACE DEAMON YU

Isang linggo simula ng nalaman ni Haven ang pagakatao ko. Alam kong magugulat talaga siya pagnalaman niyang demonyo ako. Pero hindi ko inaasahan na lalayuan niya ako. Akala ko tatanggapin niya ko lung paano ko siya tinanggap.

Nakahiga lang ako ngayon sa kama ko, nakikipagtitigan sa itim na kisame. Napaismid nalang ako ng maalala kong ganun din pala ang reaksyon ko unang kong malaman ang pagkatao niya.

(A/N: Italicize means flashback)

Unang pagkakataong mahalikan ko ang labi ni Haven. Para akong tanga na hindi mapigilan ang pagngiti.

Kasalukuyan akong nakahiga at nakikipagtitigan sa kisame ng kwarto ko ng may marinig akong tumawag sa akin.

"Deamon." Kilala ko kung kaninong boses ko. Yung boses na nakakakilabot sa tuwing maririnig mo. "Ama?" Hindi ang tatay ko sa mortal na mundo ang tinutukoy ko, kundi ang totoo kong ama sa ilalim na mundo.

"Halika." Dahil malakas ang pwersa niya ay ganun ganun na lamang niya ako kayang tawagin. Tanging ako lang naman ang makakarinig ng pagtawag niya.

Mariin kung pinikit ang mga mata ko. Napahawak ako sa kwintas na may pulang bato na siyang susi ko papunta sa tunay kong mundo.

Ilang sandali lang ay naramdaman ko na ang pamilyar na pakiramdam. Ang mga sumisigaw na para bang humihingi ng tulong, ang mga nakakatakot na boses sa paligid, ang kadiliman. Kung sa iba malamang ay matakot sila pero para sa amin, ito ang mundo namin.

Nagbago nadin ang anyo ko tutal nandito ako sa mundo ko. "Ama." Nagbigay galang ako sa isang malaking apoy na nasa harap ko.

"Ano bang sabi ko sa'yo? Hindi ba't pinagbawalan kitang umibig at talagang sa immortal pa!" Lalong lumaki ang apoy pero hindi naman ako natatakot dito.

"Ama, mortal lang si Haven!" Pasigaw kong sagot. Si Haven lang naman ang iniiboh ko kaya alam ko siya ang tinutukoy ni ama pero impossibleng immortal siya.

Tumawa ng malakas si ama. Rinig na rinig ito sa buong lugar. "Ano bang pinagsasabi mo?! Nabubulagan ka ba? Naturingan kang anak ko pero hindi mo naramdaman na may immortal png nakapaligid sayo?! At isa pang anghel!" Bigla akonv napatigil sa huling salita  arinig ko mula kay ama. Anghel?

Napatingin ako doon sa apoy na pinalabas ni ama mula sa kamay niya. "Haven." Banggit ko ng makita ko si Haven doon sa apoy.

Pero nagulat ako ng makitang may pakpak at halo si Haven. Shit. Alam kong hindi totoo yun! "Gawa gawa mo lang uan. Hindi anghel si Haven. Natatakot ka lang na magaya ako sa kapatid kong iniwan ang kaharian mo dahil umibig siya sa isang mortal!"

"Alam mong hindi kita layang lokohin. Ginagawa ko lang to para mamulat sa katotohan, Deamon. Iniingatan ko lang ang kaharian ko.. natin."

Hindi ako makapaniwala sa mga nalaman ko. Totoo bang anghel siya? "Layuan mo sya Deamin kung ayaw mo siyang mamatay" napakuyom ako ng kamao. Oo, magkaaway ang lahi namain pero hindi ko naman kayang mawala siya.

Wala akong ibang hinangad kundi ang kaligtasan niya. Hindi ko alam kung baket ganito nalang ako mag-alala sa kanya. Kung bakit isang demonyo ang nagmamahal ng lubos sa isang anghel.

Siguro ay dahil minsan nangingibabaw din ang dugong anghel sa akin. Oo, ang ina ko ay kalahating anghel. Kaya siguro ganito din ako.

Ayokong mawala sa akin si Haven kaya naman iniwan ko siya, sinaktan. Ayoko sanang gawin yun kaso natatakot ako sa maaring gawin sa kanya ni ama.

Pinagaral ako sa ibang bansa ng tatay ko dito sa mundo ng mga mortal. Sa hindi sinasadyang pagkakataon ay nalaman kong paalis din si Mari. Kinuha ko ang pagkakataon para gamitin siya.

Nangako ako sa sarili ko na babalikan ko si Haven makalipas ng ilang taon. Kapag buo na ang loob kong ipaglaban siya kahit na labag iyon sa batas naming dalawa. Kapag handa na kong harapin si ama. Kaya nga pinutol ko ang koneksyon ko kay ama.

At noong dumating ang araw na iyon ay gustong gusto kong yakapin si Haven. Alam ko na ang relasyon nila ni Yohan pero paunti-unti ko siyang binawi. Ngayon pa ba ko susuko, kung kelan na ko handa.

Napabangon ako mula sa pagkakahiga ng may maramdaman akong pamilyar na presensya. Pagbukas ko nv pi to ng kwarto ko ay nakita ko si Yohan na nakatayo.

Napaismid naman ako. "Hindi ka ba marunong kumatok? Dirediretso pasok ka nalang." Hindi niya ko pinansin at nagtanong kaagad sya. "Anong nangyare?" Alam ko namang si Haven ang tinutukoy niya.

"Wala kang pake sa problema namin." Dumiretso ako sa couch ko. Hindi ko nanan siya inalok dahil mainit talaga ang  dugo ko sa anghel na to.

"Alam na ba niya?" Napatigil ako sa tanong nita. Malamang matutuwa to pagnalaman niyang kaya ako iniiwasan ni Haven ay dahil alam na niya.

"Alam man niya o hindi. Sisiguraduhin kong akin padin siya." Matapang na pagkakasabi ko. Nagpatayan kaming dalawa ng tingin, parang noong una naming pagkikita.. nalaman ko kaagad ang pagkatao niya.

"Ace." Napalingon ako sa tumawag sa akin. Ito yung lalaking naghatid kay Haven kanina ah "Sino ka?" Umismid lang siya. Tinitigan ko siya maigi. "Yohan."

"Anong problema mo?" Tanong ko naman sakanya. "Bakit umaaligid ang isang demonyo sa isang anghel?" Hindi na ko nagulat sa sinabi niya. Naramdan ko kaagad na anghel din siya. "Wala kang pake." Naglakad na ko papalayo.

"Kung mahal mo siya, bakit mo sinasaktan? Anong balak mo? Gagamitin mo ba siya para wasakin ang kaharian namin?" Gusto ko siyang patayin dahil sa narinig ko. "Wala kang alam."

Nanggigil ako sa tuwing naalala ang una naming pagtatagpo. "Kung mahal mo siya, papabayan mo nalang siya. Alam mong hindi kaya ni Haven na isakripisyo ang lahi namin para sa pansarili. Hindi selfish si Haven, Ace."

Napaigting bagang ako. Oo, tama nga si Yohan. Hindi iyon kayang gawin ni Haven

Hindi niya kayang ipaglaban 'to. Hindi niya kayang magsakripisyo. Masyadong mabait si Haven.

"Sumuko ka nalang." Iyon ang huli kong narinig mula kay Yohan bago siya maglaho sa paningin ko.

Susuko na nga lang ba ako?

The Demon's Angelحيث تعيش القصص. اكتشف الآن