Chapter 3: Cold As You.

2.6K 60 0
                                    

POV> HAVEN CLARISSE JANG

(3 Days After. . .)

Tatlong araw na lumpias. . . . .

Tatlong araw. . .

Tatlong araw na magkaaway NA NAMAN kami ni Ace. Ang weird niya! Simula noong nangyare sa bahay nila naging cold na ewan siya sa akin. Hindi ko alam kung meron ba siyo o ano :3 Ang hirap naman ng ganito. Ni hindi man lang niya nirereplyan yung text ko. Magrereply “Oo”, “Okay”, “Sige”. AZAAAAR.

Pagkatapos niyang kunin yung 1st Kiss ko! >o< Nakoooooooooooooo!

“Tapos Haven—Nakikining ka ba?”  pinitik ako ni Yumi sa tenga kaya nagbalik na ko sa ulirat ko.

“Huh? Ansabi mo?”  tanong ko naman sa kanya.

“Lintek oh! Kanina pa ako nagnonobela dito tapos hindi ka pala nakikinig.”  Asar na asar na yung mukha ni Yumi habang sinasabi niya yan.

Hindi na ako nagsalita dahil baka mamaya paslangin pa ko nito. :3

“Halika na nga. Baka malate tayo, pero mamaya sasamahan mo ako sa McDo ah”  kinuha niya yung bag niya at nilagay sa balikat niya.

“Huh? Bakit?”  tanong ko habang sinusuot din yung bagpack kong maliit.

Hindi siya sumagot at tinitigan lang ako ng masama.

“Sabi ko nga hindi na ko magtataong, hindi kasi ako nakinig kanina eh. Ayan tuloy.”  Pabulong na pagkakasabi ko at nagsimula na kaming maglakad papunta sa room.

Habang papunta kami sa room hindi mawala sa isip ko si Ace, Haaaaaays :/ Yung last text niya kahapon pa, sabi niya hindi daw niya ako mahahatid ngayon.

Pagkarating naman sa room onti palang yung tao, umupo na kami doonsa upuan namin at kinuha ko muna yung cellphone ko at tinext siya.

To: ACE KO♥

Aceeeeeeeeeeeeee :3

Kaagad ko namang tinago yung cellphone ko dahil sakto dumating na si Prof.

--------

Uwian na pero wala pa din siyang reply. Aigooooo! Nagliligpit ako ng gamit ng maramdaman ko yung cellphone kong magvibrate.

Hindi na ko nagatubiling buksan at basahin yung text. Napangiti naman ako ng makita ko yung pangalan niya sa screen.

From: ACE KO♥

Oh?Bakit?Ano problema mo?

Nagulat ako sa nabasa ko, kahit kailan hindi siya sumagot ng ganito sa akin. Kadalasan “Bakit po?” “Po?” “Yes Haven Ko?” ang palagi niyang reply. Kahit nga badtrip siya. . . . NAKOOOO! Ano bang meron sa’yo ACE?!

“Ha-Haven?”

Nagulat ako ng biglang may pumatak na tubig sa screen ng phone ko. Mas lalo pa akong nagulat ng malamang galing pala to sa mata ko.

AAAAAAAISSSSH! Bakit kailangan maging sobrang iyakin ko.

“Hoy, Ba-Bakit? An-Anyare?!”  mula sa kamay ko kinuha ni Yumi yung cellphone ko at binasa.

“WOW AH! SOBRA NA TALAGA TONG ACE NA TO! NAAAAKOO! HUWAG NA HUWAG SIYANG MAGPAPAKITA SA AKIN AT PUPUGUTAN KO TALAGA SIYA NG ULO!” 

“Tara na nga”  kinuha ko yung cellphone ko at naglakad.

“Ano bang nakita mo diyan Haven? E palagi ka namang sinasaktan niyan eh.”  Patuloy siyang nagnonobela habang naglalakad kami.

The Demon's AngelWhere stories live. Discover now