Chapter 36: Caught

769 19 0
                                    

POV> HAVEN CLARISSE JANG

Months later...

Kami padin ni Ace at habang tumatagal ay mas lalo naman kaming tumatatag. Naging successful naman ang 'Heaven' hanggang ngayon.

"Haven, wala na pala tayong groceries." Napatingin ako kay Yumi, chinecheck niya ang mga cabinet pati na din ang ref namin.

"Hmm. Ako nalang bibili. May bibilhin din naman ako mamaya e." Maghahanao ako ng pwedeng ibigay kay Ace sa nalalapit niyang birthday.

"Oh sige. Ililista ko nalang yung mga bibilhin mo para hindi ka mahirapan." At kumuha naman siya ng papel at ballpen at nagsimulang maglista habang ako naman ay nagiisip ng panibagong flavor ng cupcake na ilalaunch ko next month.

"Ingat ka ah. Magtext ka nalang. Ako nalang pupunta ng Heaven." Kumaway siya sa akin. "Sige. Baka may kulang din doon, itext mo nalang sakin. Una na ko."  

Naglakad na ko papuntang basement, magkokotse nalang muna ako para mabilis. Pagkarating ko naman sa usual na grocery store ay kaagad kong sinumulan ang paghahanap doon sa sa mga nakalista.

------------

Inabot ako ng ilang oras sa pagrogrocery, sinabay ko na din kasi yung pagbili ng ingriedients sa gagawin kong bagong recipe. Kinuha ko yung phone ko at nakita kong andaming text ni Ace.

From: Ace♥
Goodmorning. :)

From: Ace♥
Where are you?

From: Ace♥
Please, pick up your phone.

From: Ace♥
PLEASE.

Natawa naman ako sa mga flood niya. Halatang napaparanoid nanaman ang isang 'to. Nireplyan ko siya at sinabing naggrogrocery lang ako.

Pagkatapos kong mabayaran yung groceries, nagpahatid ako doon sa crew sa basement para ilagay sa kotse yung mga pinamili ko.

"Thankyou." Pagpapasalamat ko at inabutan pa siya ng tip. Ilalagay ko na sa compartment yung groceries ng mapansin kong flat yung gulong ng kotse.

"Hala. Anong nangyari dito?" Tinitigan ko pa yun. Paano kaya to naflat e, kanina naman maayos pa to. Parang.. sindadya?

Kinuha ko yung phone ko para tawagan si Yumi o si Ace pero walang signal. Nakakapagtaka  naman ngayon lang ata nawalan ng signal dito. Tsk. Tas hindi rin nagreply sakin si Ace. Hayst.

Napaidtad ako ng marinig ko yung alarm ng katabi kong kotse. Napatingin ako doon sa may-ari. Isang lalaki. Sobrang angas ng dating niya at ang tangkad niya.

"May problema ba, Miss?" Napatayo ako mula sa pagkakaupo. "Uhh. Naflatan ako." Nakangiti siya sa akin.

"May extra ka ba diyan?" Tanong niya, tinignan niya din naman yung gulong na flat. "Yun nga eh. Wala." Tumingin siya sa akin bago ako bigyan ng kakaibang ngiti.

"Hayaan mo. Tutulungan kita." Narinig kong bulong niya. "Pero sa ngayon.." hunarap siya sa akin at dinait niya ang hintuturo niya sa may noo ko, napansin ko din na naging pula ang mata niya. Napaatras ako pero huli na ang lahat.

"..matulog ka muna." At yun na ang huli kong narinig.

***
POV> ACE DEAMON YU

Nasaan ba si Haven at hindi siya nagrereply?! Kanina pa tong umaga eh. Nagayos na ko at pupuntahan ko na siya sa condo niya. Baka tulog pa yun pero impossible naman.

Pagkalabas ko ay naabutan ko si Yumi ba papalabas din ng condo kaya kaagad kong siyang tinawag. "Yumi!" Napatingin siya sa akin. "Si Haven?" Kaagad kong tanong.
"Naggrocery lang yun." Nakangiti niyang sabi sakin. "Di kasi nagrereply" malungkot kong sabi. Tumawa naman ng malakas si Yumi. "Paranoid ka no? Ang laki talaga ng pinagbago mo."

"Tss. Takot lang ako mawala yun sakin." Sabi ko naman. Tinapik niya ako. "Ganyan dapat. Sige na. Una na ko, pupunta pa kong 'Heaven'" tumango naman ako pero bago siya tanungin ulit.

"Saan siya namili?" Tanong ko. "Sa usual padin." Sagot naman niya. "May dalang kotse?" Tanong ko ulit. Tumango lang si Yumi, kaya nilapitan ko siya at sinabayan sa pagaantay ng elevator.

"Oh bakit?" Nagtatakang tanong niya. "Susunduin ko nalang siya." Nakangiti kong sagot tas napailing iling si Yumi. "Head over heels." Natatawa niyang komento.

Nasa taxi na ko ng makita ko ang reply niya na naggrocery nga daw siya at pauwi na siya. 5 minutes ago, siguro naman hindi pa siya nakakuwi. Para masigurado ay tinext ko siya.

Nang makarating ako sa supermarket ay tinawagan ko siya agad pero unattended daw. "Shit naman." Dumiretso naman ako sa parking lot baka kasi sa kotse na siya nagaantay.

Patuloy ko padin siyang tinatawagan ng may mapnsin akong nagkalat na grocery sa tapat ng isang kotse. Napakunot noo ako at umaasang---.

"Fuck!" Kaagad akong tumakbo ng makita kong kotse ni Haven yun. Tumingin ako sa paligid, walang katao tao. Chineck ko yunh loob ng kotse, walang tao.

"Haven?!" Malakas kong sigaw. NAbaling ang atensyon ko sa puting bagay sa may bandang paanan ko. Pinulot ko ito, galing ito sa pakpak ni Haven!

"Shit. Immortal." Napakuyom ako ng kamao. Pumikit ako at pagmulat ko nasa condo na ko ni Yohan.

Naabutan ko siyang nagaayos ng kurbata. Halata namang nagulat siya sa pagdating ko. "Anong ginaga--argh!!" Kaagad ko siyabg kinuwelyuhan.

"NASAAN. SI. HAVEN?!!" Naging pula ang mga mata ko at pakiramdam ko ano mang oras ay babalik ako sa totoo kong anyo.

Malakas niya akong tinulak kaya ako napabitaw sa kanya. "Anong sinasabi mo?!" Napahalimos ako. "May kumuha sa kanya. Alam kong hindi ordinaryong tao yun dahil hindi ko maaring makita ito!" Pinakita ko ang hawak kong pirasong galing sa pakpak.

Tinignan ito ni Yohan. "Kay Haven yan. Tsk! Ayan na nga ang sinasabi ko." Sinamaan niya ako ng tingin.

"Wala akong oras para sa sermon mo." Tumalikod ako sa kanya. "Saan ka pupunta?" Tanong niya. "Sa condo nila." Pumikit ako at pagmulat ko ay nasa loob na ko ng condo nila. Hindi na ko natatakot na may ibang immortal ang makaramdam ng paggamit ko ng kapangyarihan ko.

"Haven?!" Ginalugad ko ang condo nila pero wala siya. "Shit." Napansin ko din palang sinundan ako ni Yohan. Gumagamit nadin siya ng kapangyarihan niya.

"Tatawagan ko si Yumi." Sabi ni Yohan. "Bakit pa? Wala siyang kinalaman dito. Madadamay lang siya." Sabi ko naman.

"Kaibigan padin siya ni Haven." Sabi nya at sinimulan na ang pagdial kay Yumi.

Bigla namang nagring ang phone ko at kinakabahan kong tignan kung sino ang tumatawag. "Nero?" Sinagot ko ito.

[Andito si ama.] Bigla akong nanghina sa narinig ko.

The Demon's AngelWhere stories live. Discover now