Chapter 29: She's MINE.

1K 21 0
                                    

POV> HAVEN CLARISSE JANG

 

“Haven?

 

“And Ace?”

 

Napatingin kaming pareho sa dalawang taong nakatayo sa labas ng elevator. Bumilis ang tibok ng puso ko na para bang anytime, lalabas na to! Bakit palagi nalang nila kaming naabutan!

“Kaya pala wala kayong pareho sa unit? Dahil magkasama kayo? Bat di ko yun naisip uh.”  Tumingin ng masama sa akin si Mari at diretsong pumasok ng elevator, sumunod naman si Yohan sa kanya. Napalunok ako ng ilang beses ng matitigan ako sa mata ni Yohan.

“Tinawagan kita ng ilang beses.” Seryosong pagkakasabi sa akin ni Yohan. Nanginginig kong kinuha yung cellphone ko mula sa sling bag ko at nakita kong may 50 missed calls at 24 na text si Yohan. Bakit hindi ko to naramdaman kanina?

“Yo-Yohan.”  tawag ko sa kanya, tumingin lang siya ng walang emosyon sa akin.

“Kelan niyo pa kami niloloko?”  natigilan ako sa sinabi ni Mari. Sasagot sana ako pero naunahan ako ni Ace.

“Hindi namin kayo niloloko.”  Mariin niyang tinitigan si Mari, pero di siya natinag at tinaasan niya lang ito ng kilay. “Talaga lang uh?”

 

Ilang sandali lang ay bumukas na ang pinto ng elevator sa 4th floor, mabilis na hinawakan ni Yohan ang kamay ko at hinila palabas ng elevator. Naramdaman kong ang higpit higpit ng hawak niya sa kamay ko. Kinakabahan nanaman ako. Lord, ang sama ko po ba talaga?

“Haven.”  Narinig kong tawag sa akin ni Ace kaya nilingon ko siya. Tinignan ko siya sa mata na para bang nakikiusap.

“Ace! Ano ba?!”  halata naman ang pagkairita sa boses ni Mari at dali dali siyang lumapit para hilahain papauntang unit nila.

“Pare, pwede ba? Hindi mo bang maintindihan na AKIN si Haven.”  Nagulat ako sa sinabi ni Yohan dahil bakas sa boses niya ang pagabanta dito.

“Ibibigay ko lang sana to.”  inabot sa akin ni Ace yung maliit na kahon na alam ko jewerly ang laman. Kelan niya to nabili? Kanina?

“Shit. Ace! What are you doing?!”  galit na galit na kukunin sana ni Mari yung box pero iniwas ito kaagad ni Ace.

“Don’t you dare Mari.” Ano bang nangyayari? Bat parang..

“Siraulo ka talaga noh?”  akmang susuntukin ni Yohan si Ace pero pinigilan ko kaagad ang kamay niya bago pa ito umangat at dumapo sa pisngi ni Ace.

“Yohan. Wag.”  Nakikiusap ang mata ko at naramdaman kong huminahon siya.

“Bakit Haven? Bumalik na ba?”  natigilan ako sa sinabi ni Yohan.. Bumalik nga ba?

The Demon's AngelWhere stories live. Discover now