Chapter 13: It's Time.

1.3K 37 0
                                    

POV> HAVEN CLARISSE JANG

 

“Sobrang sama pala talaga niyang Ace na yan! Grabe yung ugali! Ang lakas ng loob niyang saktan at iwan ka ng ganun ganun lang. Tapos sasabihin niya LARO lang yung dalawa ng taon niyong relasyon. WOW AH?!” hindi ko na masyadong makita si Mayumi sa sobrang labo ng paningin ko ng dahil sa tuloy tuloy kong pagiyak.

“Oh. Uminom ka muna.” Binigay sa akin ni Yohan yung isang boteng tubig, nginitian ko lang siya at sabay kinuha yung tubig at ininom.

“Sa—Salamat ah” pinilit kong ngitian si Yohan, andiyan silang dalawa ni Yumi para sa akin.

“Hindi mo kailangang ngumiti kung hindi mo kaya” umupo sa tabi ko si Yohan, at biglang hinawakan yung kamay ko.

“Ang sakit--*sobs* sakit Yohan” hindi ko napigilan ang sarili ko at lumabas nanaman lahat ng sakit na nararamdaman ko, pati uhog ko sumabog na.  Hindi ko na alam ang gagawin ko, paano pagnalaman to nina Umma.. Baka—Baka magalit sila kay Ace?

“Tama na Haven, alam kung ako sa’yo patunayan mo diyan sa Ace na yan na tanga siya para iwan ka!” hinampas ng malakas ni Yumi yung lamesa.

“Easy lang Yumi, baka masira yung lamesa”  pagbibiro naman ni Yohan sa kanya.

“Actually ang sakit nga sa kamay eh”  napansin kong napapakit pikit pa siya na talagang sign na masakit.

Bigla nalang akong natawa sa kanilang dalawa.

“Sa wakas!  Tumawa ka din! Kailangan pa bang masaktan ako bago kita mapatawa?”  umupo sa tabi ko si Mayumi at inakbayan ako.

Pinilit ko ang sarili kong ngumiti kahit ang sakit sakit talaga ng nararamdaman ko. Para akong anghel na pinutulan ng pakpak sa sobrang hapdi! Teka-- Angel nga pala ako. Nakakainis naman eh!

Ikinagulat ko ang ginawa sa akin ni Yohan, nilapit niya kasi ang kamay niya at pinunsaan ang luha ko.

The Demon's AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon